Wednesday, April 30, 2014

PMA HONOR CODE: WE, THE CADETS, DO NOT LIE, CHEAT, STEAL

ANA: "O, sabi ko na nga ba eh. Mananaig ang katarungan sa panig ni PMA Cdt 1st Class Jeff Aldrin Cudia, 'di ba? An'laking kahihiyan 'yang nangyaring 'yan sa panig ng PMA, kase, PINAGKAISAHANg sibakin sa PMA si Cudia bago pa sumapit ang nakatakdang graduation nito no'ng March! Putragiz talaga."

LISA: "Eh pa'no nga kase, habang under trial si Cudia eh binaraso ng tactical officer Major Dennis Hindang si Cdt Dalton John Lagura na palitan nito VERBALLY ang kanyang boto from not guilty to GUILTY vs Cudia, dahil TWO MINUTES LATE sa isang klase si Cudia at NAGSINUNGALING daw siya't nag-imbento ng dahilan kung bakit siya late. Hay, SHAM!!!"

CION: "Nakalulungkot isipin pero mabuti na rin na mahiwalay si Cudia sa kanyang mga mistah para hindi na mahawa sa malaganap na VIRUS na nakapulapol sa mga PMAers, tulad ng mga genaral (problems) na sina Ligot, Garcia, Euro Generals, etc., peksman. Para naman makabawi ang karaniwang Pinoy na NAGPA-ARAL sa mga heneral na'to taglay ang kanilang motto: We, the Generals, do not lie, cheat and steal, eh gayahin sana nila ang ginawa ni Gen Angie Reyes - Ang magpakamatay ng dahil sa KAHIHIYAN!!!"

  

No comments:

Post a Comment