ANA: "Alam mo 'ga, an'dami-rami nang nasayang na oras dahil sa debate, grandstanding at pondo hinggil sa kung pa'no susugpuin ng gobyerno ang krimen at sikip-ng-trapiko nationwide."
LISA: "Ay, sinabi mo. Pulos trial and error kasi ang ipinatutupad na policy ng mga line-agencies ng government, at siempre, puro ERROR nga ang inaani sa implementasyon ng batas 'gaya na nga ng crime and traffic."
CION: "Amyendahan ang kasalukuyang demo-crazy consti para gawing Police State ang Pilipinas at sigurado ako, titino ang buong bansa bago pa matapos ang termino ni PNoy. CHACHA, NOW NA !!!"
Thursday, July 19, 2012
SUROT SA WEST PHL SEA, TIRISIN !!!
ANA: "Ang surot ba eh isang klase ng intsik?"
LISA: "Insect, 'ga, insect. It feeds on blood. It pierces the skin of its victim and then uses its sharp beak to suck up the blood."
CION: "May tama kayong dal'wa, 'day. A la SUROT nga ang pambubuli ng mga INTSIK sa buong west Phl sea porke gustong SIPSIPIN ang likas na langis ng Pinas, I'm sure. Kaya ang dapat d'yan, TIRISIN !!!"

Tuesday, July 17, 2012
SA IKAUUNLAD NG BAYAN, DISIPLINA ANG KAILANGAN
ANA: "Kapag puno ng bigas ang salop, ano ba ang susunod na gagawin, alam mo?"
LISA: "Eh di KAKALUSIN, ano pa? Ibig sabihin, merong limitasyon ang pagpapayaman."
CION: "Parang SLOGAN noon ni Dictator Ferdinand Marcos - (Para sa ikauunlad ng bayan, disiplina ang kailangan)."

PEDANTIC (nagdudunung-dunungan)
ANA: "Talagang kumikintal sa isipan ng mga readers ni CDQ ang kanyang mga sagot sa tuligsang ipinupukol sa kanya, 'gaya ng pagbanat sa kanya ni Pellinggon na taga-tanggol ni Migz."
LISA: "Ay, sinabi mo. An'daming tinamaang bugok at nagdudunung-dunungang mga politiko, abogado at writer na 'gaya ni pelingon-lingon, sa katotohanang sila'y pawang mga PEDANTIC lamang, ayon kay CDQ."
CION: "Hindi kaya si Migz at si Pellinggon eh iisang persona? Porke, kahit santambak pa ang kuarta ni Erap eh 'di niya babayaran ang full-page ad ni Migz kundi si Migz MISMO ang obligadong magbayad, o, 'di ba?"

Sunday, July 15, 2012
MANILA WATER EVADING THE ISSUE
ANA: "Malinaw na ang Manila Water (MW) at Maynilad eh gumagawa ng panggugulang sa kanilang mga consumer, batay sa paliwanag ni Neal Cruz sa kanyang kolum ngayon, at umano'y aabot na sa halagang P6 billion ang nakukulimbat mula sa kanilang mga kliyente."
LISA: "Iba naman ang istilo ng MW sa mga homeowner ng Palmera 2 Taytay, porke ang patuloy na kinukolektang P438 kada buwan mula sa 980 homeowners ng subdivision eh pinaghahati-hatian ng TRIPARTITE; ang MW, ang subdivision developer na si Sen Manny Villar at ang pekeng Palmera II Homeowners' Assn Inc (PHAI) na pawang mga tauhan ni Taytay Mayor Joric Gacula."
CION: "May tama ka r'yan 'ga, kasi, ang paliwanag ng developer at local government eh RIGHT-OF-WAY fee umano ang P438 KOTONG monthly para sa ibinaong mainpipes ng MW sa gilid ng mga kalsada sa loob ng subdivision. Na-verify na ni Sir Leo na walang rehistro sa HLURB, sa BIR at Mayor's Permit ang pekeng PHAI na siyang gumagawa ng ILLEGAL EXACTION !!!"

DYAK EN POY
ANA: "Kung magdyak-en-poy na lang kaya sina Sen Chiz at Cong Tupas sa halip na sabay sila pero tig-kalahating boto lang para mabuo ang isang boto sa JBC, ayaw ba nila?"
LISA: "Bawat posisyon kasi sa gobyerno, ke ex-officio, eh merong pondo 'yan at kaakibat na power. Sino sa akala mo ang magpaparaya kina Chiz at Tupas eh kapwa naman suwapang ang mga 'yan, o, 'di ba?"
CION: "Sige, kung ayaw nilang magdyak-en-poy (huli-huli-hoy) kung sinong tatayong representante ng Congress sa JBC, eh di budburan na lang kapwa sila ng MOB RALLY ng kilikili power !!!"

Tuesday, July 10, 2012
FROM WORSE TO WORST
ANA: "Mukhang wa epek ang mga tuligsang ibinabato sa MMDA tungkol sa napakagulong pagpapatupad nito ng traffic sa EDSA. Tama ba ako, ga?"
LISA: "May tama ka r'yan 'day. Lahat na kasi ng klase ng batas-trapiko at anunsiyo at bokadura ni Francis Tolentino eh ginawa nito, in fairness, pero 'di pa rin niya mapatino ang trapiko sa Metro Manila, at 'lam mo kung bakit? dahil sa mga nanghihingi at nagbibigay ng KOTONG !!!"
CION: "Sa Singapore wala silang ganyang klase ng problema. Bakit 'di na lang kopyahin ng Pinoy ang kanilang sistemang POLICE STATE sa halip na American system of government na tila nakaKINTAL na ang corruption sa kulturang Pinoy, o, 'di ba?"

Subscribe to:
Posts (Atom)