Sunday, July 7, 2013

POLITICAL WILL

Political Will lamang ang kailangan upang ang aming suhestiyon bilang solusyon sa lumalala pang problema sa traffic sa buong MM ay maipatupad.

Hindi imposible ang suhestiyon naming ito na patungan ng isa pang DECK ang buong kahabaan ng Edsa, C-5 Road, Quezon and Commonwealth Avenues in Quezon City.

Puedeng tularan o kopyahin bilang modelo ang world's longest bridge, the Lake Pontchartrain Causeway at New Orleans, Luisiana, USA, na merong haba na 23.8 miles!

Pinagsama-sama ng mga Engineers ang formula ng pagbuo ng mga sinaunang tulay no'ng 18th century, 'gaya ng PIER, TRUSS and ARCH principles para mabuo nila ang tulay ng Pontchartrain upang makatawid ang mga sasakyan sa kabilang pampang ng Mississippi river na siyang nagpaunlad sa komersiyo roon.

ANA: "Hindi naman barko ang dumaraan sa Edsa, C-5 Road, Quezon at Commonwealth Avenues, eh bakit gagawa ng tulay na a la Pontchartrain Causeway, ha?"

LISA: "Ipapatong ang isa pang DECK sa naturang mga lansangan para tuluyang mawala ang problema sa trapiko sa buong MM. Hindi katulad ng riles ng LRT/MRT na merong poste na nakaharang sa daloy ng trapiko, ang ilalagay na double deck sa mga lansangang ito eh 'gaya ng Pontchartrain Causeway na malayang makararaan ang mga barko sa ilalim ng tulay porke walang mga poste."

CION: "Ang halaga (P2.4 billion/day) ng accumulated na lugi para sa 20 days, sa palagay ko, eh kasya na itong pondo para sa super-project na ito upang umasenso na ng tuloy-tuloy ang komersiyo sa buong Phl, peksman!!!"













Saturday, July 6, 2013

DOUBLE DECK EDSA

ANA: "Sa halip na malugi ng mahigit P2-billion kada araw dahil sa usad-pagong na traffic sa Edsa, eh maglaan na lamang ang gov't ng P20-billion para pondohan ang isa pang deck na ipapatong sa buong kahabaan ng Edsa, o, 'di ba?"

LISA: "Korek ka r'yan 'ga. Lahat ng intersection na naka-suso sa Edsa mula Caloocan City hanggang Baclaran eh lagyan ng flyover para makaakyat o makababa ang mga sasakyan sa Double Deck Edsa na patungong Norte o Sur, perfect!!!"

CION: "Lahat ng PDAF ng Tongressmen at Senatongs ng 16th Congress eh walang paligoy-ligoy na KALTASAN para sa P20-billion pondo ng Double Deck Edsa project. Ang tatanggi eh huwag gagamit ng Double Deck Edsa, for lifetime, kapag natapos na ang project. 'Yun lang!!!" 

Friday, July 5, 2013

THE PHP HAS LOST P1.5 TRILLON AS A RESULT OF TRAFFIC JAMS

ANA: "Kaano-ano kaya ni Michael si Dan Brown na nagsabing nasa MM ang Gates of Heaven, ha?"

LISA: "Sure ako na kalahi ni US Prez Barack sina Michael at Dan porke kahit na medyo madilim ang kulay nila eh maliwanag at nakakatulong naman ang kanilang mga ideya. O, anong say mo?"

CION: "Pa'no makakatulong ang kanilang ideya kung puro porma lang ang MMDA at walang implementasyon sa mga ideyang ito. Kasi, ang laging ini-eksperimento nito eh kung pa'no magkaroon ng photo-ops tuwing sila'y nanghuhuli ng traffic violators. GAS TOS!!!"

Thursday, July 4, 2013

LIMATIK

Water bill covers even flowers! Tama lamang na bansagang LIMATIK ang Manila Water at ang Maynilad!

Pero bakit pati ang Ombudsman eh tila WALANG MAGAWA???

FACT: "This pertains to the letter-complaint of (Opac)oaparagonasaball, a resident of Blk x, Lot xx, Palmera Subd, filed on May 28, 2012, assailing the alleged extortion activities of the newly elected members of the BOD of Palmera Homeowners Assn, Inc (PHAI), and the dismissal of the complaint against the latter pursuant to the Resolution dated February 21, 2011 penned by MARIA RONATAY, 4th Asst Prosec.

"In substance, the complainant avers the following:

"On May 13, 2010, he executed a complaint-affidavit against the fictitious members of the Board of Advisers and the newly elected members of the BOD of PHAI for violation of Art. 172, par. 1, and Art. 176 of the RPC, for continuously collecting unlawful fees from the members of PHAI.

"On February 21, 2011, Ronatay dismissed the complaint.

"On May 16, 2011, Opac filed a Motion for Reconsideration.

"The motion was denied, pursuant to Memorandum dated June 22, 2011.

"On July 11, 2011, Opac filed a Petition for Review with the DOJ.

"A Resolution was promulgated on Jan 30, 2012 dismissing the petition.

"X-x-x   x-x-x. . ."

Last para. before dispositive portion: "As regards the alleged extortion activities undertaken by the members of the BOD of PHAI, the same cannot be cognizance of by this Office, in the absence of allegation and proof that they are public officials or employees. X-x-x-x  x-x-x. .

"FOREGOING CONSIDERED, the present complaint is DISMISSED."  

ANA: "Bakit nadismis? Wala kayang pang-lagay si Opac? Ano ba kasi ang reklamo at sino-sino ang nireklamo niya, ha?"

LISA: "Ang TRIPARTITE!!! Nagkutsabahan ang Manila Water (MWSS), ang Subdivision Developer (Senator) at ang pekeng BOD para mangolekta mula sa homeowners ng P438 monthly for 3-yrs para bayad daw sa RIGHT-OF-WAY ng mainpipes na ibinaon ng Manila Water sa gitna ng kalsada patungo sa kada unit ng buong subdibisyon."

CION: "Naka-reflect sa monthly billing ng Manila Water ang halagang P438 bilang Other Charges kada consumer bilang patong na halaga sa kuwenta ng buwanang konsumo nila sa tubig. Eh hindi ba extortion ang tawag doon at ang utak ng extortion eh ang TRIPARTITE na taga-MWSS at isang Senador?



 

   

Wednesday, July 3, 2013

PANOPTICAL

ANA: "Hindi ba 'yung ginagamit ngayong CCTV cameras na nakakabit sa mga business establishments at sa mga lansangan ng MM bilang spy cameras eh kauri rin ng instrumentong PANOPTIC?"

LISA: "Korek ka r'yan 'ga. Ang instrumentong panoptical o CCTV monitor eh ikinakabit sa itaas ng poste sa mga lansangan o sa mga kisame sa loob ng gusali upang manmanan ang mga bad elements na nagbabalak gumawa ng krimen. O, getz mo?"

CION: "Kung ihahambing sa isang preso, alam nito na siya eh minamatyagan ng instrumentong panoptic. Kaya walang magagawa ang preso kundi gumalaw ng maayos, otherwise, ibabartolina siya. Posible bang 'Markano ang may-ari ng panoptic at Intsik naman ang bad element?"

Tuesday, July 2, 2013

OBDURATE

ANA: "Sabi ni CDQ eh obdurate daw ang mga Intsik. Ano ba kasi ang ibig sabihin ng salitang ingles na obdurate, ha, 'lam mo?"

LISA: "An'dali-dali. Matigas ang puso, matigas ang ulo. Parang ganyan ang kultura ng mga Intsik at mga Kampuchean. Namputsa talaga, o, 'di ba?"

CION: "Pero 'yung hinala, o paniniwala ni CDQ, eh permanente na raw na sasakupin ng mga 'Markano ang Subic Base once na pinayagan ni PNoy na gamitin nila 'to? Sino ba kasi ang obdurate - ang Intsik o ang 'Markano? Hay, maglirip-lirip muna at magbulay-bulay noh?"

Monday, July 1, 2013

FROM WORSE TO WORST

ANA: "Ano raw ba kasi ang neg-deteriorate kumpara sa congressmen ng old Congress at kasalukuyang  mga (T)ongressmen, ha?"

LISA: "Ay, maraming-marami ang nabago. Ang klase ng mga Deputado ng Kongreso sa panahong ito eh 'gaya ng absentee boxer, convicted rapist, druggist, killer, smugglers, and scions of political dynasties, o, kitam?"

CION: "Meron pang dagdag sa klase ng mga modernong mambabatas, noh? Kasi, karamihan sa kanila, para lalo pang sumikat eh gusto rin nilang mag-artista, mag-model, maging singer o announcer sa TV o radio, o, 'di ba? Hay, grabe na 'to!!!"