Sunday, July 14, 2013

PORK BARREL

ANA: "Bakit bukod-tangi yatang ang Senate at House of Rep (Legislative Br) lamang merong tinatanggap na pork barrel, ha? 'Di ba dapat eh gumagawa lamang sila ng mga batas para pondohan ang mga proyektong pambayan ng Local Gov't (Executive Br)?"

LISA: "Ang sagot sa tanong mo eh alam-na-alam ng mga nanalong magkapatid, mag-asawa, mag-ina, mag-ama, magpinsan, magka-relasyon-sa-kama, etc, na mga senatongs at congreasemen. Siempre, BABAWIIN muna nila ang P200 M na ipinuhunan sa kanilang kandidatura para manalong senador o kongresista sa pamamagitan ng PORK BARREL. Kitam?"

CION: "Ganyan na kasi ang naging kalakalan mula ng humalili ang sumunod na pangulo kay Tita Cory noong 1992. Sa panahong ito ni PNoy, eh walang senador o kongresista ang mananalo sa eleksiyon nang hindi gagastos ng at least P200 M. Ang tanong eh, papaano nila babawiin ang halagang nagastos para manalo sa eleksiyon? So, maliwanag, kailangang ibigay muna ang PDAF para sipaging magTARBAHO ang mga senatong at tongresmen, o, 'di ba?" 






Saturday, July 13, 2013

THE FACT: ERAP WAS ABANDONED

ANA: "Ang debate kay dating CJ Temyong Panganiban ni Tweakthor dito sa Disqus eh nilayasan daw si Erap ng kanyang mga kapanalig kung kaya napalitan siya ni Ate Glo bilang bagong PangGULO ng Pinas, 'di ba?"

LISA: "Ang sabi pa ni Tweakthor eh iniwanan daw sa Malakanyang si Erap ng kanyang mga kakosa, maliban sa abogado niyang si Rene Saguisag. Ang resulta, lumayas na rin kalaunan si Erap sa Malakanyang, kasi, wala nang natira pang kasangga nito maliban sa asawang si Loi, sina Jinggoy at JV, pero wala sina Laarni at Guia. Nasaan?"

CION: "O, bakit nasali dito ang mga kabit ni Erap? Kayo talaga, oo. Ang mga nang-iwan kay Erap kaya napilitan siyang bumaba noon sa Malakanyang eh sina CPNP Ping, Defense Sec Orly, ang mga Cabinet members nito, si Atong Ang, bukod pa sa pinagtaksilan din siya ng 7 SC Justices na inapoynt niya. Mga suwail!!!"

KUNG ITUTULOY ANG CHA-CHA, TANGGALIN ANG PDAF

ANA: "Ay, aarangkadang tunay at magra-rally ang taong-bayan pabor sa abolition ng PDAF na tinatanggap ng members ng 2 Kongreso, sumpaman."

LISA: "Tumpak, nakana mo 'ga. Kapag tuluyang mawawala ang PDAF batay sa bagong Consti, ang epekto n'yan eh malamang 'di na kakandidato ang mga political dynasties."

CION: "Natumbok mo 'day. Hindi mababawi ng isang kandidatong senador o kongresman ang P200 M gastos para manalo kung walang PDAF, therefore, sa local gov't na lamang sila tatakbo, t'yak 'yon!!!"

Thursday, July 11, 2013

LIFE IS SLOW IN THE PHL - NEAL CRUZ

ANA: "Oy, binira ni Neal Cruz sa kanyang kolum mga sikat na personaheng sa palagay niya eh nagpapabagal sa pag-unlad ng buong Phl, 'lamo'yon?"

LISA: "Sa palagay ko eh merong ngang HINDI nakaPALAGAYang-loob si Bos Neal re: AC/DC, kaya matinding-bira sa kanyang kolum ang puntirya niya ke Mayor Bistek. Ano sa palagay mo, ha?"

CION: "Sigurado akong mabagal ang dating ng SOBRE ke Bos Neal kaya naman, as usual, umaarangkada na uli ang talim ng kanyang planadong AC/DC at ang sinisipat eh si Mayor Bistek, o, 'di ba?" 

Wednesday, July 10, 2013

DIYOS LAMANG ANG NAKAKAALAM

ANA: "Eh di, unconstitutional pala ang mga Eba't Adan na mahilig mag-masturbate, sabi ni Sen Pia, ha, 'ga? Anong kaso ba kasi ang laging nagma-masturbate, ekspleyn mo nga, pls?"

LISA: "Murderer! Walang ipinag-iba 'yan sa mga mediamen na mahilig mag-SS (salsal) ng istorya o mag-jakol para mag-orgasm ng makapal-na-sobre, hay, juice koh!!!"

CION: "Batay sa higing ni ex-Sen Ping, eh, Diyos lamang daw ang nakakaalam kung kailan tayong mga bubae mabubuntis. KOREK!!! Kaya dumarami ang anak-anak ng team tatay na mga taga-RC Church porke bawal sa kanila ang condom, 'tsaka, HINDI rin sila murderers 'gaya ng mediamen, o, 'di ba?"

Tuesday, July 9, 2013

JPE: IF ERRONEOUS (CONTRACT) THEN SOME PEOPLE MUST ANSWER FOR IT

ANA: "Akala ko wala nang naniniwala sa mga sinasabi ni JPE, eh bakit an'dami pa ring nakikinig sa kanyang paliwanag hinggil sa ligalidad o iligalidad ng PANDURUGAS daw ng Manila Water, Maynilad at MWSS laban sa water consumers, ha?"

LISA: "Ah, palagay ko'y pagkakataon na ni JPE na matubos niya ang sarile at muling pumaimbulog ang bumulusok nitong reputasyon at hangaan muli ang kanyang katalinuhan 'gaya no'ng pangunahan niya ang pagsibak ng Senado kay CJ Corona, o, 'di ba?"

CION: "Ayon kay JPE, 'di raw ang Senado ang magreresolba sa kasong ito vs MWSS at 2 concessionaires, kundi ang SC. Kung gano'n, para matubos ang sarile sa pagkasira ng kanyang reputasyon, dapat eh pangunahan niya ang pagsasampa ng kaso sa SC at patanggal ang patong na sinisingil ng 2 switik na water concessionaires pabor sa water consumers, para everybody HAPPY!!! Perfect, 'di ba?"

Monday, July 8, 2013

IBALIK ANG DEATH PENALTY - TITO SEN

ANA: "Kung ibabalik ba ni Tito Sen ang death penalty sa mga mahuhuling drug pusher/user, eh kasama sa panukalang batas niya ang mga matitiklong rapist, gun-for-hire, utak ng syndicated estafa a la Delfin Lee, ha?"

LISA: "Naku, as usual eh mahabang debate 'yan porke hahambalang na naman ang RC Church para sagkaan ang isyung 'yan, sumpaman, porke, maninindigan si Pareng Damaso - (Diyos lang ang merong karapatang bumawi sa buhay ng tao)."

CION: "Kung hindi ako nagkakamali, eh, masigasig na tagapagtanggol ng CBCP si Tito Sen vs RH law, divorce law, 'di ba? Sa tingin ko eh, parang inilalatag lang ni Tito Sen ang kanyang programang PAMPAPOGI for a higher position sa 2016 presidential elections?"