Monday, July 22, 2013

INCOMPETENCE

ANA: "Bakit nag-offer lang ng kanyang resignation as bigboss of Customs si Ruffy Biazon kay PNoy at sa pamamagitan lang ng text? Matapos siyang sabunin at ikula sa mata ng publiko ni PNoy, akala ba ni Biazon na LAPSUS LINGUAE lang ito ng Presidente?"

LISA: "Oy, 'lamkong ibig sabihin ng Latin phrase na lapsus linguae - A slip of tongue - o, 'di ba? Tongue ina mo talaga Biazon, sobrang kapal na ng mga dinugas mo, 'sing kapal ng mukha mo, 'lamoyon???"

CION: "Kapag sinabihan ng incompetent ang isang gov't official 'gaya ni Biazon ng mismong Presidente, dapat IRREVOCABLE letter-of-resignation ang ihain nito. 'Yon eh kung meron pang natitirang dignidad si Biazon sa matinding pagsabon sa kanya ni PNoy. Pero sa tingin ko, hindi aalis si Biazon sa Customs porke ayaw ng tatay niyang si Pong?"

Sunday, July 21, 2013

YANIG

ANA: "Medyo napapansin ko habang papalapit ang SONA ni PNoy eh dumarami rin ang malalaking kaso ng kurakutan/patayan/kutsabahan sangkot ang Police, Politicians 'tsaka mismong Judiciary bilang taga-supply ng TRO, 'di ba? Yanig ako talaga."

LISA: "Natumbok mo 'ga, ang g'leng mo talaga. 'Yung P358-M ghost repair ng V-150 armored vehicles ng PNP authored by Avelino Razon Jr, P10-billion PDAF scam ng 5 senators and 23 congressmen, 'tsaka ang RUBOUT case(s) vs Calabarzon Police re: Atimonan ang Ozamis gang massacre!!!"

CION: "Sige, pustahan tayo, singko mo - manalo barko. T'yak na maglalabas ng TRO ang RTC if the-price-is-right!!! Bet???"

Friday, July 19, 2013

ARREST WARRANT ISSUED TOO FAST

ANA: "Ga'no ba kabilis ang TOO FAST, 'sang araw? dalawa? tatlo? Saan ba kasi ibinase ng Pasig RTC Br 265 ang inilabas na non-bailable arrest order for Luy, ha?"

LISA: "Oo nga, hindi kasi kailanman maglalabas ng Order ang isang RTC ng wala itong pinagbabasehang ($). Hindi ba dapat eh ang Fi(x)cal ng Pasig eh UPAKAN din ni DOJ Sec Leila na siyang nag-file sa RTC ng arrest order vs Luy?"

CION: "Talagang nawawala ang COORDINATION sa judicial system sa Phl kapag umiral ang LAGAYAN sa RTC, City ProsecuTONGs' Office, sa NBI at maging sa DOJ mismo. Hindi naman lihim 'yan kay Madam Leila, peksman!!!"

Thursday, July 18, 2013

"ALL STOLEN MONEY WENT TO THEM"

ANA: "Naku, pa'no na 'to 'ga, hindi na makita ang buong pamilya ng witness na umano'y nakasaksi sa pag-salvaged kina Ricky Cadavero at Wilfredo Panogalinga, Jr ng pulis? Bakit itinatago ba sila ng pulis?"

LISA: "Posible. Siguro eh binibigyan muna sila ng seminar ng pulis kung ano ang dapat nilang isasagot sa tanong ng NBI kapag isinalang na ang witness sa imbestigasyon re: anong dahilan bakit pinatay ng PNP sina Ricky at Willy?" 

CION: "Parang kinumpirma ng pulis na talagang involved nga sila sa lahat ng ginawang krimen nina Ricky at Willy, porke, kailangang ipaliwanag nila ang ibinulgar ng kapatid ni Ricky laban sa kanila re: kuarta't SUVs na pag-aari ni Ricky na KINUMPISKA ng Cavite Police under PSupt Danilo Mendoza, P500K isinuhol sa Warden at P200K pa sa mga prison guard?"

Wednesday, July 17, 2013

FULL, FAIR PROBE OF PORK

Sa halip na magpaliwanag sa bintang sa kanilang umano'y pandurugas sa P10 bilyong pork barrel sa pamamagitan ng pagsisilid sa sarili nilang bulsa ng 60% bilang commission, ay umalingawngaw ang ngitngit ni Sen Cap Amazing na demolition job daw ito ng Malacanang laban sa kanya.

Si Sen Cap Amazing kasama ang 4 pang senador at 23 congressmen ay ipinag-utos umano ni PNoy na imbestigahan ng NBI, pati na ang mastermind(s) sa pangungurakot ng PDAF o tax payer's money, si Janit Lim-Napoles at kompanya nitong JLN.

ANA: "Sabagay merong pruweba ang aksiyong ito ni PNoy vs 28 Phl legislators at Napoles porke naipakulong na niya si Ate Glo at nasibak na rin si ex-CJ Rene Corona, o, 'di ba?"

LISA: "Korek ka r'yan 'ga. Kung tutuusin kasi eh kasing grabe rin ng pangungulimbat nina Ate Glo at Corona ang kutsabahan ng 28 Phl legislators at ng JLN. Talagang todo-todo, hay maryopes!!!"

CION: "Sa tingin ko eh cool lang si PNoy porke merong kasabihan sa Latin: (Si vis pacem, para bellum) - If you wish for peace, prepare for war."


Tuesday, July 16, 2013

SCRAP PORK BARREL SYSTEM

ANA: "Biruin mo 'yon, 'sang bilyong piso pala ang NILUSTAY na pork barrel ni Sen Kapitan Bong, tapos, pinagbibintangan ang Malacanang kesyo PENE-persecute daw siya? AMAZING(amassing)!!! "

LISA: "Hah? Meron pa bang script na binabasa ang taartits 'gaya ni Kapitan Sen kung pulos halinghing lang naman ang gagawin sa senaryong PENE? Sino kaya ang script writer, kilala mo?"

CION: "Oy, hindi PENEkula ang topic kundi scrapping of pork barrel system na ugat umano ng matinding korapsiyon sa LAHAT ng members of Phl Legislature. Kasi, parang nahagip yata ng cctv camera si Kapitan Sen habang humaharumba (penetration) mula sa banga-ng-PDAF. Amazing talaga, o, 'di ba?"

Monday, July 15, 2013

HONORARIUM

ANA: "Ano ba'ng ibig sabihin ng honorarium, ha? Kasi, umamin si Sen Brenda, 'yun daw mga ipisyal ng senado no'ng nakalipas na Congress, 'gaya nina JPE, Jinggoy, Tito Sen at Alan Peter, lahat daw sila eh regular na tumatanggap ng honorarium. Masarap ba 'yon?"

LISA: "Sa mga nabanggit na ipisyal, masarap sa kanila. Pero sa mamamayan, NAKAKASUKA na ang walang sawa nilang pagkabundat sa kuwartang mula sa honorarium, o, getz mo?"

CION: "Honorarium means a fee paid for a nominally free service. No'ng unang panahon sa Roma, ang honorarium eh ibinibigay sa mga nailuklok sa posisyong kagalang-galang. Tulad sa 4 na binanggit ni Ana, sila'y pawang certified na KAGULANG-GULANG, peksman!!!"