Sunday, September 7, 2014

MORE WITNESSES COMING OUT VOLUNTEERING TO SPEAK OUT - TRILLANES

ANA: "Naku, nakakata-CUTE namang isipin na para bagang isang bulilyong king pin si VP Jojo na sinisipat-sipat ni onorabol Trillanes para rapukin ng kanyang bowling ball - krakkkarakk kunana. STRIKE!!!"

LISA: "Yes, yes yeow. Wa epek 'yung media blitz ni Nognog re kaTANDEM daw niya si Money Pangilinan para ILIHIS ang isyu ng pinayari niyang world-class parking building na ayaw tantanang KALKALIN ng Blue Ribbon KOMITA ni KokoPim3. Kitang-kita na talaga ang EBIDENS, o, 'di ba?"

CION: "Madali nang makompleto ang jigsaw puzzle kapag natapos na ang imbestigasyon re SAAN galing ang ipinambili ng mga lupain sa Bicol ni Engr Nelson Morales bago siya pinayari ala world-class building ni Nognog? STRIKE!!!"  

Saturday, September 6, 2014

RIGGING THE BIDDING

ANA: "Hindi ba parang LUMAGABLAB pang lalo ang usapin re overpriced parking building na pinayari ni Nognog sa Makati nang pinasawsaw niya bilang TANGApagsalita niya si Spookman Remilla vice Tutubi Tiyangko? Kase, lubhang naging VOCIFEROUS (matabil) si Spookman Remilla porke GINATUNGAN pa nitong maige ang isyu ng pandarambong ng P2 BILLION na kagagawan daw ng dating 3 muskitero ni Nognog?"

LISA; "Ah wala, palusot lang 'yan! Ito ang i-analyse mo ha? UNA, inamin ni Mkt Procurement Officer Mario Hechanova sa Blue Ribbon subKOMITA ni KokoPim, na hinahatiran DAW siya noon ni City Engr Nelson Morales, ng P200,000 monthly BUKOL para papanalunin sa bidding ang YAYARI na parking building na Hell Mark! Kinumpirma naman ang LAGAYANG ito ni ex-Vice Mayor Estong Mercado at sinabi pang UTOS daw ito ni meyor Nognog! O, ha?"

CION: "Ang anggulong 'yan ngayon ang ipinagGIGIITAN ni Spookman Remilla at sumusumpa umano si Nognog sa katotohanan ng naturang anggulo. So, gulong-gulo nang totoo ang isip ni Nognog, 'di ba? Kase nga'y (pina)PATAY na raw ang most trusted niyang tauhan na si Engr Nelson, kasi, ipinamBILI raw ni Engr ng mga LUPAIN sa Bicol ang kaperahang galing sa BUKOL na sana'y gagamitin ni Nognog para sa ambisyon niyang kumandidato at manalong Panggulo ng Phl??? IpagADYA mo po kami, juice koh!!!"  

Friday, September 5, 2014

VP JOJO SPEAKING FROM BOTH SIDES OF HIS MOUTH

ANA: "Ikaw ba 'ga eh nabiBINGI na rin sa alingawngaw ng BINAYaran parking building dahil sa palipad-hangin ni Jojo's Spookman Remilla re CONSPIRACY daw ng triumvirate ex-Mkt VM Ernesto Mercado, City Engr Nelson Morales (RIP), 'tsaka si Mario Hechanova, ex-chief ng Gen Crvs, who were rigging the bidding, specially infrastructure? Hindi raw si Jojo ang mandarambong ng P2 BILYON mula sa kaban-ng-Makati kundi ang 3 nabanggit niyang muskitero?"

LISA: "Imposibleng mabubura pa ni Spookperson Remilla ang kaduda-dudang dagundong ng kanyang pahayag para IWAKSI sa isipan ng publiko ang kaSUWAPANGAN sa kayamanan at kapangyarihan ng dinastiyang Binay. Pilit kasing ibinabaling kina Mercado, Morales at Hechanova ang pangungulimbat na ginagawa ng dinastiyang BINAYaran sa Makati sa nakalipas na halos 3 dekada. At ang sinisipat na puesto ngayon eh ang PRESIDENCY??? Susmaryopes kang talaga, Nognog, maghilod ka nga ng LIBAG, noh?"

CION: "Ang nililinaw lang kase ni Mareng Winnie sa Readers eh (Consider what we know now, with certitude, about the Makati parking building. ONE is that, it is NOT world-class. . NOT a green building.) O, sige, kung ang katangian ng building eh HINDI world-class 'tsaka HINDI rin green, TALOS na kaya ito ng buong sambayanan na boboto sa presidential elections sa 2016? Mga boss - sa atin nakataya ang tunay na pagbabago. 'Wag tayong magpaGOYO at makulimbatan muli ng dinastiyang BINAYaran. 'Wag silang iBOBOto!!!"

Thursday, September 4, 2014

BINAYaran PARKING BUILDING CONTRACTS RIGGED

ANA: "Bakit, isinakay ba sa KALESA (rig) ng Hell Mark contractor 'yung P2.3 - P2.7 CASHunduan between ex-Mayor Nognog and Contractor para ang Hell Mark ang YAYARI sa pinayaring world-class parking building ni Nognog sa Makati?"

LISA: "Hindi sa kalesa kundi IKINULONG sa elebetor 'yung cashunduan para SIGURADO ang pambili ng BOTO ni Nognog sa 2016 presidential elections. Ang problema, kumanta ng La Paloma si Mario Hechanova, ex-Procurement Officer ng Makati Gov't, na NILUTOng ala kare-kare ni Nognog 'yung bidding at tinustang lahat sa pamamagitan ni Mario ang mga kalabang bidders ni Hell Mark. Mantakin mo 'yon?"

CION: "Alam mo 'day, hindi kalesa ang ibig sabihin ng rig, kundi, to manipulate in a FRAUDULENT manner especially for profit. 'Yan ang EXPERTISE nang mga BINAYaran dynasty. Ingat-ingats mga voters. 'Wag iboto ang mangungulimbat 'gaya ng mga BINAYaran dynasty. 'Yun na!!!"

Wednesday, September 3, 2014

THE GREATEST ESCAPE

ANA: "Bilib talaga ako sa tapang ni AFP CoS Gen GP Catapang nang utusan ang ating Pinoy UN Peacekeeping Forces na HUWAG susunod sa order sa kanila ni UNDOF (UN Disengagement Observer Force) Commander Lt Gen Iqbal Singh Singha na SUMUKO sa mga Syrian rebels na kumubkob sa kanilang kampo sa Golan Heights, Israel. Kase, gustong ISINGA (pawalan) ni LtGen Singha 'yung 45 sundalong Fijians na unang naSINGHOT (kusang sumuko) sa mga rebelde kapalit ng kusang pagsuko RIN ng mga Pinoy?"

LISA: "Aba eh talagang SALBAHE pala 'tong si Gen Singa na isang lahing Bumbay. Gusto niyang iligtas (salvaged or rescued) 'yung kalahi niyang mga sundalong Fijians na kusang nagpa-hostage sa mga rebeldeng Syrians sa pamamagitang ng kanyang ORDER sa mga Pinoy soldiers na sumuko sa mga rebelde para ma-SALVAGE din ang mga Pinoy 'gaya ng mga bobong Fijians soldiers? Dalawa kase ang meaning ng word na salvage eh. Una, sabi ni Webster, salvage is to SAVE. Sabi naman ng mga PMAers na 'gaya ni Rehabilitation Sec Ping Lacson, salvage is to MURDER!!!"

CION: "Well, batay sa history, ang Fiji country na matatagpuan sa South Pacific Ocean eh isa ring archipelago tulad ng Phl. Pero, wala pang isang milyon ang populasyon nito na pawang mga lahing Bumbay na 'gaya ni Gen Singa. Ang Fiji eh meron lamang land area of 7,055 sq.miles, halos 'sing laki lang ng combined Palawan and Masbate. Sakop ng Crown colony dati ang Fiji, from Oct 10, 1874 and gained independence ONLY on Oct 10, 1970. So, understandable naman na meron konting discrepancy between utak ng Fijian general at PMAer re SALVAGING, o, 'di ba?"

Tuesday, September 2, 2014

93-YEAR OLD SGV & CO. FOUNDER WANTS SEN. POE TO SEEK THE PRESIDENCY

ANA: "Uy, gustong manukin ni Washington SyCip si Sen Grace Poe na tumakbo sa pagka-Pangulo sa 2016 pagkatapos ng termino ni PNoy. Eh sino kaya ang makakatambal nito bilang VP na malakas din ang hatak sa tao, ha?"

LISA: "Para sa'ken, malakas-na-malakas ang tambalang POE-KIKO, peksman. Sa panahon ng kampanya, sigurado akong dudumugin ang DUO ng mga botante para makipagKAMAY. Pero merong bilin si SyCip sa makiki-kamay sa duo, kung puede eh mag-wash daw muna ng kamay 'tsaka gupitin ang mahabang fingernail para safe from germs, o, 'di ba?"

CION: "Parang 'di maganda sa pandinig ko ang tambalang POE-KIKO, lalo na kung ang dalawa sa line-up for senaTONG eh sina Tonying T. Tinio at Atty. T. Te. Medyo me kabastusan kasi eh. Ano sa palagay mo 'day?"

Monday, September 1, 2014

CDQ: HILAW

ANA: "Ang bilang ng comments sa kolum ngayong araw ni CDQ na meron titulong HILAW eh 116 na habang sinusulat namin ito. Ang tema ni CDQ eh pawang pagpapaBULAAN sa naunang akusasyon nina Sens Trillanes at Alan Cayetano vs VP Jojo re overpriced daw ang 11-storey parking building na pinayari nito sa Makati no'ng siya eh meyor pa lamang."

LISA: "Para ke CDQ, maliwanag na nagmamaang-maangan lamang siyang (kunwari) eh HINDI NIYA nabasa ang kolum din ni Mareng Winnie sa PDI no'ng Sabado at idinetalye ni Mareng Winnie sa kanyang kolum na BATBAT ng DUDA ang publiko kung bakit lagpas pa sa alapaap ang TAAS ng BINAYaran ni Nognog sa pinayari nitong parking building sa halagang P2.2 - P2.7 BILLION???"

CION: "Kung hihilingin ni Siydeekew ang aking opinyon hinggil sa DUDA sa kanya ng 95% ng 116 na nagbigay ng kanilang komento re BUSALSAL (slovenly) na pagkakaYARI ng parking building ni Nognog - TINITIYAK ko na dadamputin-sa-kangkungan sa 2016 presidential elections si Nognog, at kasamang lalagapak din ang mga anak na Dayunyor at Abi Bulate. 'Tsaka 'yung inaambisyon ni CDQ na maging Press Sec para mas kakapal ang ac/dc? Ay, kangkungan din, t'yak!!!"