Saturday, August 22, 2015

NOGNOG CAMP: YES WE'RE BANANA REPUBLIC, BUT NOT DUE TO SC

ANA: "Talagang ECCENTRIC (me pagka sinto-sinto) 'tong si aTONGni Bitso-bitso sa kanyang skit na pinalulutang sa media. Bilang Nognog FACTOTUM (alipin), eh dapat sanang hila-hila sa kolyar si Bitso-bitso ni Nognog sa mga sorties nito sa promdi at do'n utusan 'tong si Bitso-bitso na kumahol-ng-kumahol sa harap ng mga RUSTIC (taga-bukid) para magtawag at magpamudmod ng viagra at wheelchair, o, ha! Hindi kasi maBOBOla kailanman nitong si Bitso-bitso ang mga netizens sa Phl na pawang intelligent voters noh!"

LISA: "Malaki ang kaneksiyon no'ng desisyon ng SC na sinulat ng punietang si aso Justiis Lokong Beermanen na WALANG LIGAL NA BASEHAN, pero pirmado rin ng 7 pang aso justiis para payagan ng majority na magpiyansa si Tanda for huMONEYtarian considerations!!! Awtomatikong JURISPRUDENCE (sistema) na'to ng aregLAW, ang huMONEYtarian considerations! So, kapag inaresto si Nognog for plunder eh maglalagak lang ng P1.5 M piyansa, plus aregLAW na P1.5 B for huMONEYtarian considerations at presto, malaya na siya. Ma'm Kim, pakibusisi nga ang SALN ng 8 unggoy justiis, pls?"

CION: "Meron akong palagay na pinag-aaralang mabuti ng Malacanang ang naging pagbubulgar ni Asso Justice Marvic Leonen na iba UMANO ang pinirmahang dokumento ng 8 aso justiis ng punietang si Lokong Beermanen kesa unang pinagdebatehan ng SC justices. Kung IMPEACHABLE ang offense na'to laban sa 8 aso justiis, namely: Presbitero Velasco Jr, Teresita Leonardo-De Castro, Arturo Brion, Diosdado Peralta, Lucas Bersamin (Ponente), Mariano del Castillo, Jose Perez at Jose Mendoza, eh masaya 'to kung maisasalang 'to before the elections. Anong say n'yo, House Speaker SB, sir?"

Friday, August 21, 2015

BANANA REPUBLIC

ANA: "Araguy! Parang kandilang NATUTUNAW na unti-unti ang Supreme Court dahil sa huMONEYtarian considerations ng punietang, este, ponenteng si aso justiis Lokong Beermanen at inayunan din ng 7 pang aso justiis para palayain si Tanda mula sa kalaboso! Nakanang-ina, huuu! Itong si Beermanen eh hindi maitatangging HAYOK talaga sa paglamon ng saging (kasama ang 7 pang goblins) that is why he looks like a GOBLIN (kalahating tao, kalahating UNGGOY) 'tsaka itatapon ang pinagbalatan sa PINOY!"

LISA: "Talagang PERILOUS (mapanganib) ang sinuong na'to ni aso justiis Lokong Beermanen at ITINAYA, dahil sa huMONEYtarian considerations, ang reputasyon ng buong SC para palayain si Tanda sa kasong PLUNDER na WALANG PIYANSA, base sa isinasaad ng Constitution. So, sumambulat din ang galit ni DoJSec LdL at nakikisimpatya sa ngitngit ng Pinoy laban sa 8 aso justiis. Sukat bang isadlak nila bilang BANANA REPUBLIC uli ang Phl, 'gaya no'ng panahon ng Kastila na inuUNGGOY ang Pinoy?"

CION: "Totoong FETID (mabantot) ang special grant of bail na'to para ke Tanda na idinaan pa mandin sa botohan ng majority SC justices? Pa'no kase, iba ang pinapirmahang dokumento ng ponietang o ponenteng aso justiis Lokong Berrmanen kesa pinagdebatehan ng mga justices, ayon mismo ke Asso Justice Marvic Leonen. Sabi ni Asso Justice Leonen: unbelievably fortunate, huMONEYtarian considerations is tailor-made for Enrile. No legal basis, neither in Rules of Court nor found in any provision of the Constitution! O, kitam?"  

Thursday, August 20, 2015

SPECIAL ACCOMMODATION

ANA: "Asusmaryopes! Ngayon lang nangyari sa kasaysayan na INALMAHAN ng PINOY, partikular ang netizens, ang huMONEYtarian considerations para palayaing pansamantala si Tanda ng SC, batay sa NO LEGAL BASIS ng ponietang o ponenteng si aso justiis Lokong Beermanen. Ayon nga sa dissenting opinion ni Asso Justice Marvic Leonen: The special grant of bail, due to medical considerations, is UNIQUE, EXTRAORDINARY and EXCEPTIONAL (bukod-tangi, pambihira at 'di-pangkaraniwan)! Magkano???"

LISA: "Ang idinidiin nga ni Justice Leonen sa kanyang dissenting opinion eh walang legal basis daw ang huMONEYtarian considerations ni aso justiis Beermanen, neither in Rules of Court nor found in any provision of the Constitution, o ha! Kasamang umalma ni Leonen sina CJ Ma Lourdes Sereno, Sr Asso Justice Antonio Carpio at si Asso Justice Estela Perlas Bernabe. Nananawagan ang netizens na sampahan ng impeachment ang 8 aso justiis na sumang-ayon sa PERILOUS consideration ng ponietang si Beermanen!!!"

CION: "Huwag mo namang ihambing sa 8 asong nagtitiis ang grupo ni Beermanen, noh! Mas suwabeng pakinggan kung sa ingles - TRAITORS-IN-ROBE - o, 'di ba? Kase, they just made plunder bailable, isang MAPANGANIB (perilous) at inimbentong desisyon ni aso justiis Beermanen para lumayang pansamantala si Tanda mula sa kalaboso. So, awtomatikong magiging JURISPRUDENCE (sistema) na'to ng batas ang imbentong desisyon ni ponietang Beermanen? So, nakasisiguro na si Nognog na lalaya rin sa kaso niyang plunder?"  

Wednesday, August 19, 2015

WHAT NOW: AFTER 23 SENATE HEARINGS VS NOGNOG

ANA: "Ayokong isipin na AANDAP-ANDAP na ang pag-asa ng mga Pinoy, partikular ang mga intelligent voters, re namumutiktik na kaso vs Nognog na 1-year nang dinidinig sa Senate BRsC, pero bakit hanggang ngayon eh tila IMPERVIOUS ('di tinatablan) si Nognog, et al? Kumbaga sa sagupaan eh sumisigaw na ng -JAIL THE RASCAL(s) - ang majority sa mga NETIZENS pero ang nakikita nila eh ang pinag-ibayo pang pangangampanya ni Nognog nationwide! Kelan ba isusumite ng BRsC ang final Resolution nila sa OMB?"

LISA: "Oy, 'lamobang isang SUBTERFUGE (pagkukunwari) na pantulong lamang ni Nognog sa mga alagang mahihirap na BOBOtantes ang personal nitong pangangampanya? Sa 600 Mkt sister towns and cities na nililibot sa buong Phl, eh pribadong namimigay si Nognog ng kilong bigas, sardinas, viagra, wheelchair, t-shirt, P500 cash bilang VOTE BUYING sa kandidatura nitong pagka-panggulo. Sa talumpati niya sa mga BOBOtantes, 'di raw kuwalipikado si Grace bilang pangulo porke hindi raw ito Pilipino, o, ha!"  
CION: "Me tama ka r'yan, 'day. Pero tungkol sa kandidatura ni Mar for president eh 'alang ebidens ng pangungulimbat mula sa kaban-ng-bayan ang mailulutang ni Nognog laban ke Mar. Bagkos, ang INAANGILAN (snarlingly) ng animo asong si Nognog eh si PNoy mismo na 'di naman kandidato, noh! Nagpakulo si Nognog sa harap ng mga BOBOtantes sa promdi, gagawa raw ng malawakang vote buying ang LP? Kukunin daw ang pondo sa PDAF sa maneobra kuno ng Malacanang? Eh 'di tanggapin, BOW!"  

Monday, August 17, 2015

GRACE: DON'T WAIT FOR ME, MAR

ANA: "Malaking palaisipan talaga kung bakit hindi nawawala ang ALINDOG ni Sen Grace sa isipan ni Mar para maka-tandem ang senadora bilang VP nito kesa maging kalaban sa pagka-pangulo. Kase, t'yak na ilalaban ng UBUSAN ng pondo ng mga GANID na negosyante para ipanalo si Grace bilang pangulo ng Phl. By hook or by crook! Alam din ang kuwentadang 'to ng Nognog camp, so nanganganib na MAHATI ang mga alagang BOBOtantes mula sa 600 sister towns & cities nationwide. Kaya inasunto ni David si Grace!"

LISA: "Uh-unga 'ga. Kaya marahil nasa dilemma ngayon si Grace. Tingnan mo, halimbawang si Grace ang mananalong pangulo ng Phl sa 2016, si Grace bilang pangulo eh MAGBABAYAD ng UTANG-NA-LOOB sa mga negosyanteng nagwaldas ng bilyon-bilyon pondo para manalo si Grace sa eleksiyon. Ito ngayon ang nakikitang scenario ni Mar at maging si Nognog, o, 'di ba? Si Mar eh alam kong malinis ang hangarin para maka-tandem si Grace, samantalang si Nognog eh gustong PATALSIKIN as senator si Grace thru David!"

CION: "Oke naman 'yang ana/lisa/cion n'yo. Kaya lang, para sa'ken eh puede talagang mangyari 'yang haka-haka n'yo kung ang eleksiyon eh nangyari pa bago 2004 presidential elections, noh! Kase, talamak noon ang dagdag-bawas dahil wala pang PCOS machine, o, 'di ba? At ang malaking kaibahan ng eleksiyon noon at ngayon eh ang naglisaw na gumagamit ng INTERNET nationwide at maging worldwide, o, ha! Namo-monitor ng milyon-milyon netizens na pawang INTELLIGENT voters ang TUWID o tuwad na landas! See?"  

Saturday, August 15, 2015

PNOY, MAR, CABINET TO VISIT JESSE TOMB

ANA: "Naks ha! Allegoric (MATALINGHAGA) naman talaga ang padrama ng panliligaw ni Mar ke Leni, 'di ba? Pero, naintindihan naman 'to marahil ni Korina na POLITIKA LANG 'to para pasagutin ng OO si Leni upang maka-tandem ni Mar bilang VP sa pagtakbo nito sa panguluhan, o, ha! Sa ika-3 anibersaryo kase ng kamatayan ni Jesse na nakalibing sa Naga City eh itinakda ni PNoy at Mar, kasama ang Cabinet members na bibisita sa puntod ni Jesse, ang dating DILG secretary na namatay dahil sa plane crash. RIP."

LISA: "Ay, sinabi mo. Totoong allegoric, kase nga eh malaki ang kinalaman ng mga patay sa politika sa Phl. Tingnan mo, no'ng barilin sa tarmac ng MIA si Sen NINOY ng mga soldados ni Strongman Ferdie, eh nakilala WORLDWIDE ang housewife niyang si Tita Cory, dahilan upang mapatalsik ni Tita Cory si Ferdie thru PEOPLE POWER! So, no'ng pumanaw naman si Tita Cory eh siya ring naging dahilan upang humalili rin sa panguluhan si PNoy, o,'di ba? Merong pumupuna kase bakit daw pati patay eh ginagamit sa politics?"

CION: "Yes, yes yeow! Kaya nga HINDI nagseselos si Korina ke Leni, eh. Alam ni Korina na si Mar eh dating isang negosyante. Pero si Mar eh humantong sa pagiging politiko mula nang humalili siya bilang congressman, thru a special election, sa namatay niyang kapatid na si Gerardo Roxas Jr, o ha! Kung tutuusin kase eh ganito rin ang istorya-de-un-amor ni Sen Grace. O, tingnan mo, 'di ba namatay na rin si FPJ na taartits pero 'di politiko na ama ni Grace? Pero ang biological father daw ni Grace eh ang tatay ni Bongget?"  

Friday, August 14, 2015

CORRUPT 'TRAPO' BEWARE, YOU ARE NO LONGER ABOVE THE LAW

ANA: "Sabi ni Mareng Winnie sa kanyang kolum ngayong araw, walang ibang administrasyon, maliban sa PNoy Adm, ang PUSPUSANG nagpa-iral para SUGPUIN ang katiwalian laban sa corruption. Bunga nito eh nasa kalaboso ang 3 senador na sina Tanda, Junggoy at Bobong Revilla habang dinidinig ang kasong pandarambong (PLUNDER) na 'alang piyansa laban sa kanila. Gayun din si ex chief-PNP Rason na nakatengga sa kalaboso at siempre, si ex president Ate Glo rin! Si ex CJ Crown naman eh convicted na!"

LISA: "Uh-unga 'ga. 'Yung hataw nga ni Mareng Winnie: We used to complain that NO big fish have been caught in the fight against corruption. Pero tinukoy niyang ehemplo ang mga nasa kalaboso: You can't get any bigger than these fish! Kita naman talaga ang EBIDENS, see? Kase, sa report ng Corruption Perception Index (CPI) ng Transparency Internation na sumusukat (measures) sa katiwalian sa public sector ng 178 countries, ang Phl eh 134th (bottom 25 %) no'ng 2010. Pero tumaas sa 85th (top-half) no'ng 2014, o, ha!"

CION: "In other words, BEWARE NOGNOG! Bistado na kase ng CPI ang 3-dekadang 13% TONGPATS ni Nognog sa lahat ng infra projects ng Mkt Gov't kaya nagkaroon siya ng maraming mansiyon, 350/ha Farm Estate sa Rosario, 'tsaka magarbong magpamudmod para manalong senador, congreswoman, mayor ang kanyang political dynasty that had to be funded from the fruits of corruption! Anim sa 33 barangays sa Mkt (San Lorenzo, Bel-Air, Urdaneta, Forbes, Dasmarinas at Magallanes) easily account for at least 60% of Mkt's revenues na TINATALBUSAN ni Nognog!"