Wednesday, April 13, 2016

PCGG: BONGGET BLOCKED RETURN OF $40 M TO GOV'T

ANA: "Kung UUSISAIN mong maige ang pagkatao ng mga presidentiables batay sa mga EBIDENS sa mga nakasampang kaso sa korte laban sa kanila, eh bukod tanging ang Mar-Leni tandem lang ang walang bahid ng KRIMINALIDAD at kapwa rin sila in the pink of health, 'eka nga. Si Gracia eh ayaw tantanan ng grupo ni Kit Tatad para sa kasong DQ & lack of residency. Si Nognog eh tuloy-tuloy na ang kanyang pagdausdos sa survey. Si Duteteng eh meron daw CANCER 'gaya ni Brenda?"

LISA: "Sumapit na sa sukdulan ang batikusan ng mga presidentiables sa final stretch ng kampanya. Sina Nognog, Duteteng at Brenda eh halos magkakasing-edad at kapwa mga abogado, by profession. Nakikita ng electorate na silang tatlo eh mga ULYANIN na, bukod pa sa hindi na talaga kakayaning manungkulan ng 6 yrs bilang pangulo, sino man sa kanila ang mananalo. Me premonition si Duteteng na susunduin na siya ni Lord in 6 months time at ipapasa sa kanyang Bise (Bongget) ang presidency."

CION: "Magaling talaga kayong USISERO 'day. Pero ang sa'ken eh 'di ito tsismis, porke si Bongget eh certified na MAGNANAKAW, kapatid ng SINUNGALING, ayon sa Mami Susan ni Gracia, o, 'di ba? Base kase sa PCGG, si Bongget mismo ang humarang para HINDI maibalik sa Gov't ang $40 M Arelma account that was opened in Panama on Sept 21, 1972, nu'n mismong araw na ideklara ang martial law ni Apo Perder. Sabi ni Bongget - It was the Gov't that was blocking the return of $40 M!"    

Monday, April 11, 2016

NOGNOG SHRUGS OFF DUTETENG LEAD, SAYS MAR TOP RIVAL

ANA: "Tigib-ng-balisa si Nognog na bumandera sa huling SWS survey si Duteteng! Kasi, halatadong nasindak siya sa resulta ng survey at INAMIN sa kanyang praise release, na ang tunay naman daw nitong kalaban, eh si Mar, see? Balewala raw sa kanyang laban sina Gracia at Duteteng at tinawag pa niyang sila'y tumatakbo lamang sa ilalim ng PRACTICAL POLITICS. Ibig niyang sabihin, Duteteng and Gracia had no political organizations & were just getting support from political leaders, o, hah!"

LISA: "Yes, yes yeow! Eh mukha namang me 'WENTA ngayon ang patutsada ni Nognog vs Gracia and Duteteng, 'di ba? Sabi pa ni Nognog, 'on election day the contest would be between ME and MAR because we have the political machinery to deliver the votes.' Oke, batay sa history, 2 former House Speakers under big political machineries, Ramon Mitra and Joe de Venecia, FAILED in their presidential runs in 1992 & 1998 respectively. Babaguhin kasi ang sistema ng Gov't kung mananalo."

CION: "Me tama ka r'yan, 'day! Plataporma-de-Gobierno ang tawag diyan. Itutuloy ng MAR-LENI tandem, kung sila kapwa ang mananalo, ang Daang Matuwid ni PNoy para lalo pang UMANGAT ang kabuhayan ng Pinoy simula noong 2010 kung kelan nanungkulang President si PNoy, peksman! Hindi 'gaya ng mga presidentiables Nognog, Duteteng at Gracia na pawang mga PANGAKO at PAGBABAGO ang ipinangangalandakang sistema nila ng Gov't. Ibig sabihin, magUUMPISA ULI!"

Saturday, April 9, 2016

SC IN TURMOIL: JUSTICES BICKER OVER GRACIA RULING

ANA: "Lumagablab ang mga BICKER (nagtalo-talong) bloggers re SC Resolution released on Saturday which retained its 9 - 6 vote granting Gracia's plea against her DQ, finding that the Comelec had committed grave abuse of discretion in cancelling her COC! Sabi ng SC, 'the court only had to rule on Gracia's grave abuse plea against the Comelec. Questions about Gracia's citizenship & residency may & should only be settled when the court sits as the PET thru a Quo Warranto petition!"

LISA: "NALILIGALIG (in turmoil) ang buong electorate sa desisyong ito ng SC, noh! Kase, hindi naman ang kaso ng NBFC at residency ni Gracia ang pinagbotohan ng SC, kundi ang grave abuse of discretion kuno ng Comelec dahil sa pagbasura nito ng COC para prisidinti ni Gracia, o, hah! Para bagang sinasabi ng SC na kelangang MANALO MUNA si Gracia sa eleksiyon bago siya sampahan ng petition for QUO WARRANTO (a writ demanding by what authority a person claims an office)."

CION: "Kung UUKILKILIN mo 'day, manalo man halimbawa si Gracia sa eleksiyon, eh hindi siya TATANTANAN ng mga dissenters hangga't hindi siya napapatalsik bilang prisidinti thru people power, peksman. Posibleng magkakaroon uli ng panibagong kasuhan sa pagitan naman ng nanalong vice president at ang nag-number 2 sa presidential race kung sino sa kanilang dalawa ang papalit sa napatalsik ng panggulo, o, 'di ba? Ang suma-tutal, madali nang masasakop ng China ang Pilipinas!!!"  

Thursday, April 7, 2016

TANDA, NOGNOG, BONGGET ASSAIL PNOY INACTION ON KIDAPAWAN

ANA: "Mistulang PATIBONG (snare) para sama-samang siluin nina Tanda, Nognog at Bongget si PNoy, ang buong LPs at ang PNP re Kidapawan protesters. Umeepal si Tanda sa kanyang praise release at inuurot si PNoy, at ang sabi, kung si Tanda raw ang panggulo eh personal siyang pupunta sa Kidapawan upang alamin whether that is a legitimate rally or just a CONTRIVED (inimbentong) rally in order to provide a conflict or an encounter. Pero batay sa imbestigasyon, isa nga 'tong bitag!"

LISA: "Yes, yes yeow! Tama ang sabi ni Tanda - 'a contrived rally in order to provide a conflict or an encounter' - peksman! 'Yan naman talaga ang MOTIBO eh. 'Yun kasing isang natigok na raliyista eh positibo sa powder burns, ibig sabihin, nagpaputok siya ng baril! Therefore, sadyang hinaluan ng KALIWETE ang mga lehitimong raliyista para manggulo at ISISI ke PNoy at LPs ang kaguluhan. Alam ng electorate na minamanok ng Kaliwete sina Duteteng at Gracia, o, 'di ba Call-me-nares?"

CION: "Talagang binabago nina Nognog, Duteteng at Gracia ang kanilang political strategy (sTRAGEDY) against kulelat kuno sa survey na Mar-Leni tandem. Ang inaasinta nila para barilin (SIRAAN) eh ang mataas na rating ng DAANG MATUWID ni PNoy pero 'di naman kandidato, bagkos, ipagpapatuloy lang ng Mar-Leni tandem bilang plataporma-de-gobierno kapag sila'y kapwa mananalo sa eleksiyon. 'Wag iboto: Nognog(Mandarambong); Gracia('Markana); Duteteng(Killer)!"

Wednesday, April 6, 2016

DOUBTS HOVER OVER GRACIA DESPITE SC FINAL WORD

ANA: "Aysus, SUMASALIPADPAD (hover) pa rin sa hangin ang alinlangan (DOUBT) ng Pinoy, re UNwisdom and UNacceptability of the judgement of the SC, kung bakit pinayagan pa rin nilang LUBOS na tumakbo si 'markanang Gracia sa pagka-panggulo ng Phl, o, hah! More lawyers score SC for letting Gracia run batay sa desisyon ng SC, viz; STATISTICAL PROBABILITY; VOCAL SILENCE; JUSTICISTS IN CONTRAST TO LEGALISTS! Saan THICKET ng Consti ito kinalkal?"

LISA: "Sa palagay ko'y nabahiran na ring talaga ang Sereno Court ng POWER OF THE PESO, 'di ba, bos Dandong Ko Hwang Kho, sir? Kung matatandaan, eh me history na ng aregLAWhan ang SC where the SC manifested partiality to a party in a case. UNA, ang dinismis na kaso ng PALEA; next, stagnant na Coco levy case; and then, ang Constructive Resignation ni Erap; tapos, ang Humanitarian Ground para palayain si Tandang Mandarambong! Kagulang-gulang na Serono Court, ano ba 'yan?"

CION: "Oy, ingatan mong heart mo 'day, relak ka lang noh! Alam ng mga lawyers, partikular mga lawyers mula kampo nina Gracia at Nognog, na PERA-PERA lang ang usapan para desisyunan ng SC kung DQ'd o hindi si Gracia. So, malinaw na PERA ang ginagamit ni Nognog para aregLAWhin ang SC para i-DQ si Gracia, pero PERA rin ang ginagamit ni Bos Dandong para ibasura ng SC ang DQ case vs Gracia. So, klaro na animo lagare na atras-abanteng KUMAKAIN ang SC, o, 'di ba???"  

Monday, April 4, 2016

OFFSHORE ACCOUNTS OF IMEE, 3 SONS & JV EJERCITO IN TAX HAVEN OF PANAMA

ANA: "Asus ginoo, kahindik-hindik talaga ang ibinulgar ng International Consortium of Investigative Journalists (ICIJ) re Imee, 3 sons and senaTONG JV Ejercito LINKED (itinago) to offshore financial dealings of rich and famous, batay do'n sa nakalkal na EBIDENS ng isang law firm sa tax haven of Panama, o, hah! Ang offshore accounts na'to mula sa internal files na nahalungkat (LEAKED) sa Panama eh nagsilbing pandora's box ng mga tagong yaman mula sa pandarambong ng mga SUKAB!"

LISA: "Naku, siguradong pagbibintangan na naman ng kampo nina Duteteng, Gracia, Nognog at ng dinastiya ni Bongget si PNoy, kasama sina Mar-Leni tandem, na silang me pakana ng pagsambulat ng balitang ito, peksman! Ikakatwiran ng mga SUKAB na sina Nognog (mandarambong), Gracia (sinungaling) at Duteteng (babaero na, killer pa) at ng dinastiya ni Bongget, na politically motivated at pakulo lang 'to ng mga taga-LPs? Basta si Mar, anila, eh mananatiling kulelat sa pekeng survey!!!"

CION: "Ang napapansin ko lang 'day, eh masigasig na binabato ng personal na pambabastos (BOOR) sina PNoy at Mar-Leni tandem, mula sa BINAYaran trolls at spindocs sa internet nina Duteteng, Nognog at Gracia, peksman! Biruin mong pati PANANALANTA (fortuitous events) ng Lindol, Yolanda at El Nino eh KASALANAN ni PNoy 'tsaka pinalaLATAY sa kandidatura ni Mar at ni Leni, 'di ba? Sadyang pinalalabo nila ang continuity ng DAANG MATUWID platform of gov't ni PNoy."
     

Saturday, April 2, 2016

PNOY ON THE OFFENSIVE

ANA: "Medyo CLUMCY (padaskul-daskol) at me kasama pang pambabastos (BOORISH) ang mga spindocs nina Duteteng, Gracia at Nognog ngayong nasa final stretch na ang kampanyahan. Sa halip na ang kalaban nilang si Mar Roxas, na anila'y kulelat in the polls, eh mismong si PNoy na 'di naman kandidato ang kanilang binibira porke nasa PANIC MODE kuno ito promting him to launch an offensive against Duteteng and others? Sabi ni Shakespear: - All sound and fury signifying nothing!"

LISA: "Eh pa'no, AXIOMATIC (katotohanang 'di kelangan ng paliwanag) kasing hihinto sa ere ang pumapaimbulog na poll surveys nina Gracia, Duteteng at Nognog bago BUBULUSOK sa dagat dahil sa gravity, see? Samantala, ang kulelat daw na si Mar eh patuloy na pumapaimbulog sa ere, kasabay ni Leni, at masasalubong nina Mar-Leni ang mga sabay-sabay bumubulusok sa laot na sina Duteteng, Gracia at Nognog! Mahilig kasi talagang mag-PREVARICATE (magsinungaling) ang 3, peksman!"

CION: "Prevaricate? Uh-unga 'day! Sabi nga no'n ni Mama Susan - ang sinungaling eh kapatid ng magnanakaw. Ayaw aminin ni Gracia na 2 ang kanyang SSN sa US 'tsaka honest mistake daw 'yung pagsisinungaling niyang 6 yrs & 6 mos na daw siyang residente sa Phl no'ng kandidato siyang senador no'ng 2013, o, hah! Sinungaling din si Nognog, kase, minana raw niya sa kanyang ina ang Hacienda Binay sa Rosario, Batangas. Sinungaling din si Duteteng kaya hiniwalayan ng asawa, see?"