Friday, February 17, 2017

WALK FOR LIFE

WALK FOR LIFE ang tema ng rally na idinaos sa Rizal Park Ground, harap ng Quirino Grandstand sa Luneta no'ng 18 February 2017 (Saturday) bilang paggunita sa People Power (PP) no'ng February 1986 sa EDSA, QC.
Kagaya ng PP noong 1986 na ipinatawag noon ni Jaime Cardinal Sin sa mga Katoliko at Kristiyano, ang Walk for Life sa Luneta eh bilang PAGTUTOL sa nagbabadyang pagbaba ng MARTIAL LAW ni panggulong Digong at patuloy na EJKs at corruption sa 3 branches of government, the Executive, Legislative and the Judiciary!!!
Pinangunahan ng iba't-ibang Dioceses mula sa Region 1 hanggang Region 4 ng mga LAYKO ang rally upang iparamdam sa gobyerno ni Digong na posibleng MAULIT ang PAGPAPATALSIK ke diktador Ferdinand Marcos sa katauhan ngayon ni Digong sa pamamagitan ng PEOPLE POWER!!!
Nagdarasal ng Rosaryo sa stage (Rizal Park Ground) habang nagsasagawa ng WALK FOR LIFE ang mga raliyista, kumanan at tinahak ang Parade Ave sa harap ng Quirino Grandstand, kumanan sa Katigbak Drive sa harap ng Manila Hotel, kumanan sa Roxas Blvd at muling kumanan sa Kalaw Ave (South Blvd) para bumalik sa Rizal Park Ground.
Nag-umpisa ang WALK for LIFE ganap na 5:00 AM ngunit hindi pa natatapos hanggang 7:00 AM kahit umaambon na dahil sa punong-puno ng raliyista ang kabuuan ng Rizal Park Ground.

Wednesday, February 15, 2017

MODUS VIVENDI

MODUS VIVENDI - a working arrangement between conflicting interests.
Meron kunong modus vivendi si Janet Lim-Napoles for her to TELL ALL na sabit sa PDAF scam on politicians they (administration) don't like, 'gaya ni Sen D5, para si Janet eh MAKALAYA mula sa kalaboso?
Mismong si SolGen Jose Calida kase ang nag-file ng motion to acquit Janet in illegal detention of Benhur Luy, porke ang Makati RTC Br 150 had sentenced Janet on April 14, 2015 to LIFE in jail.
Hindi ito pangkaraniwang kaso (modus vivendi) porke kung 'yun pala ang contention ni SolGen Calida, then all criminal cases decided by the courts shall be reviewed by the SolGen, o, 'di ba?
Pati ang PCIJ eh naguguluhan kung pa'no IKOKONEK ni Calida ang modus vivendi na ito ni Janet sa isasampang kaso ni Digong vs D5, HOW, HOW THE CARABAO - BATUTEN!!!

Tuesday, February 14, 2017

CARDINAL SIN, SPIRITUAL, NOT POLITICAL LEADER

Ang naging papel (role) sa PANAWAGAN noong madaling-araw ng Feb 22, 1986 (People Power) ni Jaime Cardinal Sin eh bilang siya'y isang SPIRITUAL LEADER, hindi POLITICAL LEADER.
"At 9:00 that night it did. Sin's familiar warm voice suddenly came on Radio Veritas. He ordered all nuns into their chapels where they were to pray continuously until God delivered the Philippines. Then he spoke to all Christians - 'Go to Camp Crame and Camp Aguinaldo. Lend your support to Enrile and Ramos. Protect them and bring them food, they have nothing to eat." (By: Charles Colson)
Dalawang milyon katao ang nagdatingan at nagsiksikan sa Edsa kanto ng Boni Serrano at kung tatanawin mula sa lumilipad na eroplano eh korteng malaking CROSS ang People Power sa Edsa kanto ng Boni Serrano Ave.
Batay sa Book of Chronicles, when God wants to punish a people, He gives them unjust rulers, 'gaya ni panggulong Digong.
So, para sa'min, ang kasagutan eh PEOPLE POWER vs Digong!!!

Thursday, February 9, 2017

"THAT IDIOT"

"THAT IDIOT"
Ang tanong: Kung si Colombia ex-president Cesar Gaviria, PhD in Drug Control, eh isa umanong "idiot" ayon ke panggulong Digong, eh ano naman kaya ang puedeng itawag ke Digong na AMINADONG SUGAPA siya sa fentanyl, ha?
Pinayuhan kase ni Gaviria si Digong thru an open-letter at pinublika ng media sa New York - "Illegal drugs are a matter of national security, but war against them cannot be won by armed forces and law enforcement alone."
Eh, NAGPANTING ang tenga ni Digong dahil sa pikon re open-letter sa kanya ni Gaviria at me KABASTUSANG sinagot ang mabuting payo sa kanya ng Colombia ex-president - "THAT IDIOT."
Kung haharap lang sa katotohanan si Digong, rats and cockroaches have survived for centuries and mankind has been UNABLE to eliminate them by killing, TAO PA KAYANG ADIK NA KAGAYA NIYA na gagamitan ng solusyon na EJKs???
NO WAY!!!

Wednesday, February 8, 2017

HOUSE BILL NUMBER 4727 (DEATH PENALTY)

UMAALINGAWNGAW sa pandinig ng mga kakampi't kalaban sa House of RepresentaTHIEVES (HoR) ang PAMBABARASO ni House Spooker Aldabis; he said he would STRIP deputy (DEPUTA) speakers and committee (kumita) chairpersons of their titles if they OPPOSE the passage of HB No 4727 (DEATH PENALTY).
Masigasig si Aldabis na kagyat na IPASA on 2nd reading (floor debate) ng HoR ang death penalty, at oke naman sana kami KUNG HINDI TINANGGAL sa listahan ng heinous crime ang kasong PLUNDER!
Pa'no kase, kung sakaling maaprobahan ang HB No 4727 dahil sa pambabaraso ni spooker Aldabis, eh hindi makakasama sa death sentence ang mga PLUNDERERS (mandarambong) 'gaya nina mag-asawang Nognog at Doktora Binay at anak na si Dayunyor, si Tandang Enrile, Jinggoy at Bobong Revilla, 'di ba?
Siempre pa, hindi rin makakasama si panggulong Digong sa death sentence na merong UNEXPLAINED WEALTH more than P1 billion deposited sa BPI Julia Vargas branch, ayon sa NAKALKAL na info ni Sen Trillanes, see?
Para sa amin, unless Digong is REMOVED, THE COUNTRY WILL FACE MORE VIOLENCE & MORE DEATHS kahit wala ang death penalty na 'yan, PEKSMAN!!!

Tuesday, February 7, 2017

SO WHAT REALLY AILS PDIGZ?

SO WHAT REALLY AILS PDIGZ?
Noong panahon ng kampanyahan eh sinabi ni meyor Digong - "The Reds would die for me, believe me."
Pero iba naman ngayon ang salita ni Digong porke tuluyan na nitong TINULDUKAN ang usaping pang-kapayapaan sa pagitan ng NPA at nang gobyerno!
Bakit, dahil kaya sa kanyang DEPENDENCY sa fentanyl na matinding UMIIPEKTO para urong-sulong ang takbo ng kanyang isipan, o baka naman balak ibaba ni Digong ang ML???
Governance should not be trial and error type or the URONG-SULONG kind in Tagalog, o, 'di ba?
A good and SANE president or leader will only make ONE DECISION per issue and STICK TO THAT DECISION AT ALL COSTS!!!
O, anong say n'yo spookmen PaAndaran n Abelyas, WALA NA TALAGA SA KATINUAN SI DIGONG, 'DI BA?

Friday, February 3, 2017

'IF YOU ARE POOR, YOU ARE KILLED - AMNESTY INT'L

'IF YOU ARE POOR, YOU ARE KILLED' - AI
Ito ang mismong titulo ng report ng Amnesty International (AI) re EJKs na matinding itinatanggi ng mga LACKEY (alipin) ni panggulong Digong, partikular sina SoJ Wiguirre, Sens Pink, DICKhead, atbp, nasaan daw ang EBIDENS???
The well-researched report has 66 pages with 398 footnotes is available at the AI website, viz;
- alleged buy bust operation
- killing in detention
- planting of evidence
- falsifying police report
- killings by vigilantes
- direct links to state authorities
Ang bangis ng EJK vs tulak at adik eh lalong nararamdaman ng pamilya ng mga biktima, kase, bodies brought to expensive funeral homes thought to be in CAHOOTS with the police who got commissions for each corpse.
Hindi kayang PASUBALIAN (dissent) ni Sen Pink ang report na'to ng AI, 'gaya rin ng hindi nito maitatanggi ang katulad din na report ng AI during martial law - it mentioned PC-Metrocom Bosing Rolando Abadilla as CHIEF TORTURER and Panfilo Lacson as his ASSISTANT, see?
40 years later, AI is talking about police torture and police killings, it is pretty accurate, o, 'di ba?