Thursday, May 31, 2012

ABSOLUTE SECRETARY

ANA: "Anong klaseng krimen, kung meron man, ang ipapataw sa isang proof reader at writer ng dyaryo na nag-publish ng grammatically wrong na istorya, alam mo?"

LISA: "Ay, mamumutiktik sila ng insulto mula sa mga readers na INGLISERO porke lahat ng adjectives eh tatanggapin nila, mga twang-ina nila."

CION: "'Yun bang mga ingliserong twang-ina eh saan nakabili ng utak a la Brenda Mage, meron kaya sa kampo ng lawyers ni ex-CJ Corona?"

Wednesday, May 30, 2012

REP. RUDY FARINAS' POLITICAL PARLANCE - PALUSOT

ANA: "Naghahanda na naman ng PALUSOT 'yung mga galamay ni ex-CJ Corona porke nagpapalutang uli sa Media na magsasampa raw ng reklamo si Corona sa SC para ipawalang saysay ang guilty verdict laban sa kanya ng IC."

LISA: "Posible kayang nahawa na rin si Corona sa WOAH VIRUS na tumama sa utak ni Brenda Mage?"

CION: "Sa palagay ko script lang sa kampo ni Rene ito para sa kanyang paawa effect sa Pinoy para huwag siyang sampahan ng criminal case ng Ombudsman. Si Sen. Jinggoy nga eh nagpaparamdam sa Media na sana'y huwag danasin ni Rene ang makulong tulad nilang mag-ama, kasi, bukod sa himas-rehas si Rene eh babawiin din ang kinulimbat na KAYAMANAN nito, May sobre ba 'yan, Hon. Jinggoy?"

Tuesday, May 29, 2012

JOKER, BRENDA & BONGBONG VOTED NOT GUILTY

ANA: "Sa 23 senator/judges eh 3 ang bumoto ng NOT GUILTY si Renato Corona. Anong klaseng konsensiya kaya meron itong tatlong Sen/Judges na 'to, noh?"

LISA: "Si matandang Joker, si Brenda at si Bonggit eh pawang mga walang konsensiya ang mga 'yan. A la Judas baga."

CION: "Sana magtayo ng tindahan ng konsensiya si Sen. Lito Lapid at pagbilhan nito ng tig-isang kilo ng konsensiya sina Joker, Brenda at Bonggit, o, 'di ba?"

Monday, May 28, 2012

ROLL CALL VOTE (it is also called Ayes & Nays)


ANA: "Ano ba ang procedure for ROLL CALL vote, alam mo?"

LISA: " Ah, 'yan ang method of voting ng impeachment court na gagamitin ngayong Martes kay CJ Corona sa kanyang conviction or acquittal. Bistado agad ng Pinoy kung sino ang mag a- abstain porke hindi siya tatayo kapag tinawag para boboto.

CION: "Korek. It is AYES and NAYS as it is called. Ipaliliwanag in 2 minutes ng bobotong sen/judge in alphabetical order ang kanyang boto, FOR TRANPARENCY, kung bakit Aye or Nay ang kanyang boto. Kung merong 8 na boto pabor sa Nay eh acquitted si Corona. Huling boboto si JPE bilang IC presiding officer, getz mo?"

Sunday, May 27, 2012

ABSTENTION (hindi lalahok sa pagboto)

ANA: "Kapag hindi lumahok (ABSTAIN) sa botohan sa impeachment trial ni CJ si Sen/Judge Brenda Mage ngayong Lunes, ano ang ibig sabihin niyon?"

LISA: "Ang ibig sabihin n'yon eh NOT GUILTY ang boto niya."

CION: "Kung gano'n, tumanggap kaya ng P100-M SUHOL sa Brenda galing kay Atty Roy?"

Saturday, May 26, 2012

CJ $ DEPOSITS, CONFIDENTIAL & CO-MINGLED FUNDS

ANA: "Malinaw na ang pagbabasehan ng boto ni Sen/Judge Brenda Mage eh batay sa paliwanag ni CJ Rene, confidential and co-mingled daw kasi ang kanyang mga dollar deposits. Kaya sure naman na acquittal nga ang boto ni Brenda pabor kay Rene."

LISA:: "Pero ang ilan sa PRE SHE MARVELS (lucky-13  na sinuhulan daw ng tig-P100-M, sabi ni Judd Roy III, eh posibleng isauli ang suhol at boboto naman para sa CONVICTION?"

CION: "Gano'n? Pero anong bangko kaya ang tatanggap para maideposito ang ibabalik na suhol? Heto nga pala ang lucky-13 senator/judges, to wit:
     Pimentel
     Recto
     Escudero

     Santiago
     Honasan
     Enrile

     Marcos
     Arroyo
     Revilla
     Villar
     Estrada
     Legarda
     Sotto

Friday, May 25, 2012

KUNG CONVICTION ANG VERDICT, TANGGAL !!!

ANA: "If CJ Corona is convicted by the IC, makukulong ba siya?"

LISA: "Hindi. Matatanggal lang siya bilang SC chief justice. Pero puede siyang sampahan ng criminal case ng Ombudsman batay sa mga ebidensiya ng IC at mula sa AMLA. Siguradong mako-convict si Rene at MAKUKULONG bukod pa sa mababawi rin mula sa kanya ang lahat-lahat na ninakaw niyang kayamanan sa Pinoy."

CION: "Ay, ang galeng-galeng. Sana, Lord, magkatotoo !!!"