Saturday, June 30, 2012

IMPERVIOUS (hindi tinatagusan)

ANA: "Hindi ba parang self-serving naman ang patutsada ni ex-solicitor gen Frank Chavez kay SC Justice Tony Carpio na too late the hero raw ito?"

LISA: "Ay, sinabi mo. Sabi kasi ni ex-CJ Art Panganiban, ang dapat na mapipiling CJ eh impervious to the plague of four ships - kinship, relationship, friendship and fellowship."

CION: "Nakana mo 'day. Kung ihahambing kasi sa pagkatao ni Chavez, eh TAGLAY lahat niya ang SHIPS na salot sa pagiging CJ, ayon kay ex-CJ Panganiban. Dapat kumandidato na lamang siyang senador, o, 'di ba?"

Friday, June 29, 2012

GRANDSTANDING?

ANA: "Grandstanding ba ang tawag ni Prof Solita Monsod sa mock election conducted sa Senate para masigurong accurate nga ang PCOS machines na posibleng gamitin muli sa 2013 elections?"

LISA: "Parang nagpapahiwatig lang siya ng DUDA sa landslide victory ni PNoy noong unang ginamit ang mga PCOS machines na ito last 2010 elections, otherwise, mag-isa siyang gumagawa ng sarili niyang GRANDSTANDING, hmmmp!!!"

CION: "Talagang hindi ko maintindihan kung si Prof Monsod ba eh nagpaparamdam lang sa mga senador na bona fide member din siya ng racket na AC/DC na pinangungunahan ni Mon Tulfo?" 

Thursday, June 28, 2012

GHOST EMPLOYEES AND SLOWEST JUSTICE SYSTEM

ANA: "Oy, natumbok ni Neal Cruz ang isyu na mismong mga naranasang sitwasyon ni Sir Leo, alam mo ba?"

LISA: "Oo nga, 'ga. 'Yung mga QC councilors kasi eh merong tig-limang (5) Technical Staff  bilang sub-city mayor na dinidistino sa kanya-kanyang sub-city office no'ng panahon ni ex-mayor Jun Simon. Pawang mga multo ang 5 staff, maniwala ka. Hanggang ngayon ba 'yan?"

CION: "Nagsampa rin ng demanda sa DOJ si Sir Leo laban sa pekeng homeowners assn noon pang May 13, 2010 porke naniningil sila ng monthly P438 (right-of-way fee) kada homeowner para sa tripartite na kinabibilangan ng Prime Water ni Sen Manny Villar, Manila Water ng mga Ayalas at ang pekeng Homeowners Assn. Dinismis sa office ni Sec De Lima ang kaso last month samantalang kitang-kita ko na nagkaroon naman ng brandnew cars ang mga humawak na fi(x)cals." 


Tuesday, June 26, 2012

IT IS NOT A POLITICAL ISSUE

ANA: "Bakit sinampahan ng TRO sa SC ang paghirang ni GMA noon bilang national artist si Carlo Caparas, alam mo?"

LISA: "Eh pa'no kasi, kung pekeng presidente si GMA, siempre, peke rin umano ang hinirang niyang national artist, o, 'di ba?"

CION: "Korek ka 'ga, porke, political meddling in artistic matters produces bad result. 'Kita mo naman kung ano ngayon ang kinahinatnan ni Carlo Caparas, 'kakahiya."

Monday, June 25, 2012

CJ SELECTION PROCESS SHOULD BE OPEN, TRANSPARENT & PUBLIC

ANA: "Gusto nina Sens Enrile at Recto eh huwag isapubliko (televised) ang pagpili ng shortlist ng JBC. Kung gano'n ang proseso, it keeps the CJ rich and very powerful kagaya rin noon ni ex-CJ Corona."

LISA: "Totoo 'yan. Kasi, kung isisikreto sa publiko ang pagpili ng CJ na katulad ng pagpili ng isang bagong Pope, eh 'di, mananatili pa rin sa Supreme Court ang LOKOHAN at PALUSOT, o, 'di ba?"

CION: "We no longer need to enable the new CJ to profit by saddling the litigants with debts by their corrupted, back-room dealings, tsaka, revolving policies

Sunday, June 24, 2012

BOB ARUM, THAT IS QUIBBLING

ANA: "Sa palagay ko eh merong kinalaman talaga si Bob Arum sa dayaan (re: Paquiao loss to Bradley) porke idinadahilan niyang honest mistake lang daw ng mga judges na papanalunin nila si Bradley, nakanang-ina talaga, hrmmp !!!"

LISA: "Walang ipinag-iba 'yan sa kaso ni Ate Glo, et al, porke kitang-kita ng taong-bayan ang maneobra nila sa tulong ng mga Ampatuans sa score na 12 - 0 pabor sa kanilang senatorial slate noong 2007 elections sa Mindanao, o, 'di ba?"

CION: "Self distracting na ang world boxing kahit na anong paliwanag pa ni Bob Arum sa nangyaring dayaan, katulad din ng dayaan ng 2007 elections, na kitang-kita ng madla sa buong mundo. Makukulong din kaya si Bob Arum 'gaya ni Ate Glo?"

Saturday, June 23, 2012

ATTACK-COLLECT / DEFEND-COLLECT (AC/DC)

ANA: "Mukhang pulang-pula na naman ang hasang nitong si Mon Tulfo sa kanyang profession na ac/dc, napansin mo ba?"

LISA: "Ay, sinabi mo. At pawang mga bigatin ang mga kliyente niya, 'gaya ng mag-asawang Mike at Gloria Arroyo, si JPE, si Brenda Mage at si Ben Abalos. Siya lang ang bukod-tanging newsman na super tapang-ang-apog na makipag-transact ng kanyang ac/dc racket sa mga personalidad na nabanggit."

CION: "Kanya-kanyang linya ng pangungulimbat kasi 'yan. Iba ang sistema ng hoodlum-in-robe at iba rin ang 'tulad ng ac/dc ni Mon. Pero alam mo? Iisa ang kahihinatnan ng mga MISCREANT na 'yan. Hindi nila madadala sa hukay ang dinugas nilang kaperahan. Sigurado 'yan!"

Thursday, June 21, 2012

MISTREATED???

ANA: "Anong batas ba ibinabase ang krimen ng pangungulimbat ni Ate Glo at snatching ng isang snatcher? Meron ba?"

LISA: Meron! Si Ate Glo eh 'di puedeng mag-piyansa pero dikta ni JPE na bigyan ng good treatment ang dating pangulo para huwag ikulong sa selda. Pero 'yung pusakal na snatcher eh ayaw piyansahan kaya nabubulok siya sa selda habang umuusad ang kaso nito."

CION: "So, abogadong de-kalibre ang malinaw na kumikita porke PALDO ang bayad sa kanya kapag binabaluktot nito ang batas pabor sa kliyenteng mayayaman 'gaya ng mag-asawang Arroyo. In other words, PERA-PERA o envelopmental lang ang usapan dito, intiende?"

Wednesday, June 20, 2012

PUTTING BACK LIGHT IN THE DARKNESS

ANA: "Ano na naman ba 'yang mga pautot nina Brenda Mage at Gringo Punasan na umano'y nakakasira ng demokrasya ang pananatili sa kalaboso ni Ate Glo? Susmaryosep!!!"

LISA: "Alam mo ba, sis, na punishing crooks and despots, pillagers and tyrants, is not called humiliating them, it is called JUSTICE, getz mo?"

CION: "Tsaka, 'pag pinakawalan mula sa kulungan sina Ate Glo, Ben Abalos, atbp, eh magdudulot 'yan ng masamang impresyon sa Pinas na tayo'y nation of fools and charlatans, o, 'di ba?"

Monday, June 18, 2012

IT IS NOT A VIRTUE, IT IS A CRIME

ANA: "Sabi ni CDQ - righting wrong, wronging right - alam mo ba'ng ibig sabihin no'n?"

LISA: "Ay, an'dali-dali, 'yung tama, binabaluktot at 'yung baluktot, itinatama, o, 'di ba?"

CION: "Eh, pa'no nga kasi itatama 'yung kandidatong natalo pero siyang nakaupo sa puesto, 'gaya ni ex-Sen Migs Zubiri? Tatahimik na lang ba ang nanalong si Sen Koko Pimentel ayon saa kagustuhan ni Erap? Hellooow !!!"

SHOOTING BUDDIES

ANA: "Bakit ginagawan pa ng isyu at pinagtatalunan sa Media kung sinong dapat ilagay na chief justice kapalit ni Rene Corona."

LISA: "Napansin mo rin pala, at ang binibira eh kabarilan daw ni PNoy na si Kim Henares. Eh, tarbaho kasi ng JBC 'yan, bakit pinangungunahan silang maisumite ang shortlist ng pagpipilian ni PNoy?"

CION: "Ang talagang isyu kung bakit tinitira nila si Kim, alam mo? Para maitsa-puera siya sa shortlist ng JBC kapalit ng makapal na sobre. Ang tanong eh sino ang tumanggap at sino ang nagbigay." 

Thursday, June 14, 2012

BRAGGADOCIO (maangas hanggang buto)

ANA: "Ayon sa Proverbs 4:16,17 (Wicked people cannot sleep unless they have done something wrong. They lie awake unless unless they have hurt someone. Wickedness and violence are like food and drink to them.)"

LISA: "'Yung pagka-braggadocio ni Mon Tulfo eh ibinabaling nito sa mga taong hindi siya papatulan 'gaya ni PNoy na tinawag niyang maka-diktador. Nakakatulog pa kaya ng mahimbing 'yang bugok na 'yan?"

CION: "Oy, 'yang puso mo, relax baby. Hindi kasi makapaghasik ng AC/DC profession ngayon si Mon porke maga pa ang mukha nito na binangas ni Reymart. Nagpapakita lang ng katapangan ng APOG 'yan porke gustong magpa-impress. 'Kakahiya siya !!!"

Saturday, June 9, 2012

BEDEVELING MON TULFO

ANA: "Nagpapa-ikot na naman ng readers 'tong si Mon Tulfo. Gustong gawing tsubibo sa mata ng publiko sina Sens Ping Lacson at Kiko Pangilinan na inanunsiyong una ni PNoy na posibleng isasama sila sa kanyang Gabinete."

LISA: "Malaki ang takot ni Tulfo kay Lacson, remember? Kamuntik na kasing ihulog sa Manila Bay 'yang si Tulfo ni ex-Gen Ping mula sa helikopter nang ayaw paawat ni Tulfo sa kabubulong noon kay Prez Erap na huwag payagan ng huli na itigil ang jueteng sa Pinas ni Ping, o, 'di ba?"

CION: "Ay, sinabi mo. Pati si Kiko eh pinag-iinitan din sa posibleng pag-take over nito sa DA, kasi, mawawala na ang monthly retainer na tinatanggap ni Tulfo kung si Kiko ang uupo doon, for sure."

Friday, June 8, 2012

EXECRABLE ABALOSES

ANA: "Kung magmura pala ang mag-amang Abolos eh malutong na (P.I. niyo - papatayin ko kayo) sa DOJ Prosecutors, 'noh?"

LISA: "Sana, english version na lang na pagmumura ang ginamit ng mag-ama para walang intimidation o threats, 'di ba?"

CION: "Oo nga, kasi, magkatunog din - PUT TONGUE-IN ANEW - mag-amang Abalos."

Wednesday, June 6, 2012

CORRUPTION KILLS !!!

ANA: "Ano ba sa tagalog ang salitang corrupt, alam mo?"

LISA: "An'dali-dali naman ng tanong mo. KINDAT, o, 'di ba tama?"

CION: "Ay, tan-g-a!!! Kurap, pikit o 'wink of the eye' ang ibig sabihin ng tagalog word na KURAP. Ang salitang ingles na CORRUPT eh MAGNANAKAW naman ang ibig sabihin sa tagalog, 'gaya ng pinatalsik na chief justice, getz mo?"

Tuesday, June 5, 2012

SPLIT PERSONALITY (schizoprenia)

ANA: "Ano ba'ng ibig sabihin ng split personality, alam mo?"

LISA: "Ah, ganun ang nangyari kay Rene Corona habang dinidinig ng IC ang impeachment case laban sa kanya - SPLIT PERSONALITY - 'di ba?

CION: "Ang ibig sabihin sa ingles ng split personality eh - The tendency to change rapidly in mood or temperament - o, getz mo?"

Monday, June 4, 2012

HUWAG TULARAN

ANA: "Sabi ni CDQ huwag daw tularan sina Joker, Miriam at Bongbong. Eh, bakit, ano ba'ng dahilan, alam mo?"

LISA: "Si Joker nu'ng medyo bata pa eh maganda ang simula sa buhay niya porke human rights lawyer siya. Si Miriam naman eh RTC Judge samantalang full-student si Bongbong sa England."

CION: "May tama ka r'yan, 'ga. Pero lahat silang tatlo eh pawang nauwi sa dispalinghado ang dating magagandang records porke bumaho sila sa mata ng publiko dahil kay Rene Corona na gusto umanong magturo ng kursong BS ANOMALY !!!"

Sunday, June 3, 2012

PALUSOT AT PALUTANG, BAGONG BOKABULARYO

ANA: "Ano ba ang ibig sabihin sa ingles ng PALUSOT at PALUTANG, alam mo?"

LISA: "Ay, an'dali-dali. Ang palusot, 'gaya ng paggamit na salita ni bar topnotcher Rudy Farinas sa IC, eh, TECHNICALITY, samantalang 'yung salitang palutang naman ni Brenda Mage, eh, UNSOLICITED ADVICE naman ang ibig sabihin, getz mo?"

CION: "Gumagawa ng mga palutang sa Media ngayon si Brenda Mage, kasi, gustong magpa-impress kay Renato Corona na posibleng BINABAWI ang makapal-na-sobreng maaaring unang ibinigay sa kanya, ayon sa binulgar noon ni Judd Roy na milyon-milyong lagay, remember?"

CAMPUS LECTURE CIRCUIT?

ANA: "Meron pa kayang tatanggap na unibersidad para sa campus lecture circuit ng isang ex-CONVICT na kagaya ni ex-CJ Corona?"

LISA: "Puede! puede! Maraming mag-eenrol para kukuha ng Ph.D. sa mga politiko. Kasi, kakaiba ang doctorate ni Rene, alam mo?"

CION: "Doctor of ANOMALY !!!"

Friday, June 1, 2012

PNOY: RENATO CORONA NOT OFF THE HOOK

ANA: "Hindi magara ang pahiwatig ni Sen Angara sa Malacanang na huwag nang kasuhan pa sa husgado si ex-CJ Rene porke highest penalty na umano ang inilapat na parusa ng IC sa kanya?"

LISA: "Ah, 'di naman tama 'yon! Eh malinaw na 2% lang ng kanyang total cash-on-bank ang idineklara niya sa kanyang SALN, o, 'di ba?"

CION: "Korekek! Kasi, kung susumahin ang mga properties ni Rene plus cask-on-bank nito eh aabot ito ng mahigit na P.5 billion! Meron kayang envelopmental na tinatanggap ang mga taga-lakad ni Rene, Hon Jinggoy? Hon Angara?"