Wednesday, December 31, 2014

"IF YOU WISH FOR PEACE, PREPARE FOR WAR" - OleSapra

ANA: "Oy, 'lamobang magdamag na NILIMI-LIMI (reviewed) ni Sir Leo (OleSapra) ang ating mga ipinublika sa Internet sa nakalipas na 2-taon (2012 - 2014), at leoparas.blogspot.com under ANA/LISA/CION? Sa pagbubukas kase ni Sir Leo ng kanyang desktop ngayong alas-4 ng umaga, January 1, 2015, eh nakapagtala na pala tayo ng 838 posts at meron na rin tayong 30,306 pageviews all time history as of this writing! Wow!!!"

LISA: "Well, totoo 'yan 'ga. Pero, dapat din nating linawin sa ating libo-libong viewers worldwide, na binuo ni Sir Leo ang ANA/LISA/CION upang ipaglaban ang KARAPATAN ng mga inaaping Pinoy sa pamamagitan ng social media o internet, partikular ang mga biktima ng land grabbing syndicates. Batay sa kasabihan sa wikang Latin - SI VIS PACEM, PARA BELLUM (Kung nais mo ng kapayapaan, humanda ka sa pakikipaglaban). Kase nga, si Sir Leo mismo eh mag-isang LUMALABAN porke biktima rin siya ng land grabbing syndicate na Balikatan aka BFS."

CION: "Base sa taksan-taksan na documentary evidence na hawak ni Sir Leo, eh napagdugtong-dugtong niya ang MODUS-OPERANDI ng sindikato na kinabibilangan ng Balikatan na isang private entity, ang RTC-Antipolo, Register of Deeds-Binangonan at ang pekeng homeowners association ng Palmera Hills II Subd, Taytay, Rizal. Pending ang House of Representatives investigation vs Balikatan dahil sa reklamo ng 52,000 homeowners nationwide na pinalayas mula sa mga hinuhulugang-bahay ng sindikato. Isinumite lahat ni Sir Leo ang mga ebidensiya mismong ke Ombudsman Conchita Carpio-Morales noong December 12, 2014 2:55. MANIGONG BAGONG TAON SA LAHAT!!!        

Tuesday, December 30, 2014

SENATE BRsubC RESUMES PROBE VS NOGNOG IN JAN 22, THURSDAY

ANA: "Hay, kagimbal-gimbal talaga ang lagablab-ng-diskusyon mula sa pros en cons re Nognog's kasong pandarambong sa palitan ng mahahayap na salita sa DISQUS. Kumbaga kase sa shooting war, ke meron kang suot na kevlar helmet o bullet proof vest, eh WA EPEK pa rin ang mga 'to para sanggahin ang ALINGAWNGAW ng mga INSULTO mula sa magkabilang-panig. NakakaGIGIL!!!"

LISA: "Eh pa'no kase, muling ginatungan o DINAGDAGAN ni Sen Trillanes 'yung nagbabaga nang EBIDENS na unang idinuldol laban ke Nognog, para siguro tuluyang tablan at MATUPOK, ang makapal na pagmumukha ni Nognog sa pamamagitan ng karagdagang bagong ebidens, kasama pa raw ang bagong witness na unang ipakikilala when the Senate hearing resumes in January 22, a Thursday. Abangan!"

CION: "Natitiyak kong malaki ang budget ng TANGApagtanggol sa Disqus ni Nognog, pero, sigurado rin akong malaki rin ang gagastahin nito para maipasuri ang kanyang brain damage gawa ng tinamong mga insulto mula sa bloggers. Mistula kasi siyang laspag-na-haliparot at maitim ang budhi pero itinatangging merong BULATE ang utak 'tsaka 'di rin daw maitim ang GILAGID? Hay, juice ko 'day!"    

Sunday, December 28, 2014

NOGNOG'S CHILDREN NOW IN THE POLITICAL FOES' GUNSIGHT?

ANA: "Asusmaryopes kang talaga Nognog ka. 'Di namin talaga maAROK 'yang uri ng pamumulitika mo, peksman. UNA, sinasabi ng mga spookymen mo na hindi ka kelangang sumipot sa Senate BRsubC hearings porke kangaroo court laang 'to, o, 'di ba?"

LISA: "Uh-unga 'ga. Ngayon nama'y nagmistulang GARAMPINGAT si TONGresman Abi Binayaran na sinasabing bakit siniSIPAT daw, ayon ke spookman nilang si Joey Sagadna, ang buong pamilya ni Nognog dahil bakit daw siya iimbestigahan ng OMB? At bakit din daw kelangang isalang ang buong angkan ni Nognog sa CROSSHAIRS ng kanilang political foes? Ahooo, ahu, hu-hu-hu!"

CION: "Crosshairs o cross wires means 2 fine mutually perpendicular wires that cross in the focal plane of a gunsight. Ibig sabihin, nakaTUTOK na sa mga Binayaran ang imbestigasyong ISASAGAWA ng OMB laban sa pandarambong ng mga Binayaran. Hindi na uubra ang mga palusot ni Nognog, sa pagkakataong ito, 'gaya ng pagtanggi nitong siputin ang BRsubC hearings na aniya'y kangaroo court. Abangan!"

Friday, December 26, 2014

BINAYarans ARE PERSONS ABOVE THE LAW

ANA: "Katulad ng sinasabi sa kolum ni Mareng Winnie, tayo rin, 'gaya nga ni Mareng Winnie, eh nagsisiwalat o nagbubunyag o naghahayag, o sa salitang Ingles - REVELATION para sa kaalaman din ng Pinoy, ang hinggil sa PANDARAMBONG ni Nognog mula sa kaban-ng-Makati simula pa no'ng siya eh italaga ni Tita Cory bilang OIC ng Makati no'ng 1986."

LISA: "Me tama ka r'yan 'ga. Kase, dahil sa Senate hearings eh unti-unting lumilinaw sa Pinoy na si Nognog eh TUNAY na mahirap ang buhay bilang isang human rights lawyer at nangungupahan lamang sa apartment bago siya na-appoint na OIC ng Makati no'ng 1986. Pero 'di na maitago ngayon ni Nognog sa mata ng publiko ang mga EDIBENS ng pangungulimbat nito dahil halos 'sing yaman na niya ang mga Ayalas o Aranetas na lehitimong mga NEGOSYANTE simula pa no'ng early 1900s! O, 'di ba?"

CION: "Yes, yes yeow! Kahit ang Senate BRsubC lamang ang ating source of info, we had in effect to depend on the court of public opinion. Para kase itong KUMUNOY na habang umaalpas si Nognog na naka-swak sa gitna, eh lalo lamang siyang lumulubog kasama ang kanyang buong pamilya. Kailangang kumilos ng mabilis ang BIR, before May 2016 Elections, para mabawi ang mga kayamanang dinambong ni Nognog bago pa masaid ito para ipamudmod sa mga BOBOtantes. 'Yun na!!!"  

Tuesday, December 23, 2014

MAR, PNOY PRESUMPTIVE CHOICE TO SUCCEED HIM

ANA: "Sige na nga, binabawi ko na 'yung kursunada ko sanang tandem na POE - KIKO, kase parang hindi magandang pakinggan kahit me kaaya-ayang halimuyak sa botante, noh? Ayon sa huling SWS survey eh patuloy pang pumapaIMBULOG ang kabanguhan ni Mar sa mga Pinoy para POSIBLENG iboto at humalili ke PNoy, o, 'di ba?"

LISA: "Korek ka r'yan 'ga. Kaya naman pinaplano na ng LP na tiyak namang ikagagalak ni Aling Koring, ang MAR - GRACE tandem para sa 2016 presidential election. Ay, para sa'ken eh perpekto talaga, grabe! So, kelan kaya ang formal announcement ng LP para sa Mar - Grace tandem upang maimpormahan ang buong botantes sa Pinas, ha?"

CION: "Malinaw ngayong tumambad ang DEPEKTO ng maagang pamumulitika ni Nognog na sumasagitsit pang pumaimbulog a la kuwitis ang survey nang ipahayag no'ng 2010 na siya kuno ang papalit ke PNoy bilang pangulo sa presidential elections of 2016? Ano mang bagay ang iyong ipukol ng paimbulog (pataas) eh hihinto sa ere kapag wala nang puwersa at hihigupin ng gravity PABULUSOK (pababa) sa lupa a la Nognog survey na masasalubong si Mar habang patuloy pang pumapaimbulog!"  

Saturday, December 20, 2014

THE RAID ON THE NBP BY DOJ SEC LEILA DE LIMA

ANA:"Mahigit na 3-buwan pala ang ginugol sa pagpaplano sa raid na pinangunahan mismo ni Sec LdL sa NBP no'ng nakaraang Lunes, noh? Kung lilimiin, meron daw kasing leakages sa isasagawang raid, kaya naman muling INULIT ni LdL ang ikalawang raid no'ng Biernes, kasabay ng pagsibak ni LdL sa 3 matataas na opisyal ng NBP. Hay, buti nga."

LISA: "Ay ako, alam ko kung sino-sino ang mga nagbunyag sa isasagawang raid, sila 'yung mga waswit ng drug lords! Kase, tinatawagan daw ang celfone ni Heneral Bukayo nu'ng Linggo ng gabi before the raid, tinatanong si Bukayo kung saan daw ililipat na kulungan ang kani-kanilang asa-asawa, o, 'di ba?"

CION: "Saktong 20 kuno ang bilang ng mga high-profile at very-important-preso (VIP) sa NBP. Kung ako ang tatanungin para iresolba ang kasong 'to vs VIPs eh tanggalin na sana ni PNoy ang prohibition sa BITAY at bitayin ang 20 VIPs ng sabay-sabay. O, kaya eh, igawa sila ng bagong bilibid a la Alcatraz sa Spratley na lumulubog ng hanggang leeg (1.5 mtrs) kung high tide, 'tsaka do'n sila'y eksklusibong ikalaboso, sa halip na sila'y ikulong at ihalo sa gagawin pa lamang na NBP sa Laur, Nueva Ecija. Perfect!!!"  

Thursday, December 18, 2014

CAKE SUPPLIER OF NANCY BINAY SLAPPED WITH TAX EVASION CASE

ANA: "O, kitam? Sabi na kasing maUUTAY-UTAY na kakapusin ng idaDAHILAN ang pamilyang BINAYaran para SANGGAHIN o ipagtanggol ang sarile sa patong-patong na kasong kasalukuyang dinidinig sa Senado, Ombudsman at sa BIR. Hay, juice ko, ako'y nabubulunan ng cake, Nang Si!!!"

LISA: "Uh-unga 'ga. Ang 'sama pa nito, pati mga dummies na kinilalang sina Chong at Tiu eh sinampahan ng tax evasion cases ng BIR, kase, laging kinukupit ni Nang Si ang sana'y tamang kuwenta ng taxes na babayaran sa BIR ng mga dummies, so, hayan - magpaHINOG kayo! Samantala, nakangisi lang si Nang Si, litaw ang nangingintab at maitim na gilagid. Hhuuu wooo!"

CION: "Ah, hindi na lingid 'yan sa publiko. DinaDAGA na talaga ang dibdib ni Nognog, sa totoo lang, porke parang daluyong (read: justice) ni Yolanda mula sa laot ang paparating sa kanyang kinatatayuang LUPA, para siklutin at ibalik ng daluyong sa laot para ISAMA sa mga kakosa niyang barakuda (read: double crosser) na sumasakmal sa kapwa barakuda (read: dummies)! See???"

Wednesday, December 17, 2014

PNOY OPEN TO GRACE AS LP BET

ANA: "Basta ako, kung sino man ang ire-recommend ni PNoy na papalit sa kanya, eh siya kong iboboto, sumpaman! Kase, an'dami talagang natutuklasang karumal-dumal na pandarambong ng mga politiko sa panahon ng presidency ni PNoy. Kelangang ituloy ng papalit ke PNoy, si Grace Poe, ang programang TUWID NA DAAN, katuwang ang Veep candidate na si Kiko Pangilinan. POE-KIKO! Yehey!!!"

LISA: "Heh! Pangit pakinggan 'yung pagkakasunod ng pangalan ng mga kandidato mo. Gamitin mo na lang kase 'yung tunay na pangalan ni Sen Pangilinan, Francis, para magiging tunog relihiyoso pa ang dating, POE-FRANCIS, o, 'di ba? Kikintal tiyak sa mga voters 'yung pagdalaw sa Pilipinas ni Pope Francis, kase, katunog ito ng Poe-Francis. Talagang perfect!!!"

CION: "Pabor ako r'yan 'day. Kumpara sa pangako ni Nognog sa mga bobotantes, 'yung progresong ginawa raw ng mga BINAYaran sa Makati, 'gaya  ng pagpapatayo ng world class parking building, Makati Science High School at pamimigay ng cake sa mga senior citizen na APAT-NA-BESES na overpriced, eh siya rin umanong ipatutupad sa buong Phl kung siya ang papalit ke PNoy! Put tongue-in anew!!!"

Monday, December 15, 2014

DRUG LORDS RULE NBP

ANA: "Asusmaryopes, nakakaGULANTANG talaga sa isipan ng Pinoy ang ALINGAWNGAW ng marangyang-buhay ng mga drug lords sa loob ng National Bilibid Prisons (NBP) sa Muntinlupa, kase, mistulang resort ang bilibid bukod pa sa do'n din umano ang mga drug lords OPERATE a nationwide drug syndicate! Biro mo 'yon?"

LISA: "Alam mo bang ngayon lang nangyari sa kasaysayan ng NBP ang pagkakatuklas ni DoJ Sec LdL ng kubol-kubol a la high-end condo unit kung saa'y do'n nakatira (nakakulong) ang mga drug lords? Bawat kubol eh sobrang marangya at nakita rin ni Sec LdL ang personal na gamit ng bawat drug lord na preso 'gaya ng Patek o Rolex watches, split-type aircon, pati life size na sex doll. Umuungol din kaya 'yon?"

CION: "UMAANGAL na ang mamamayan, hindi umuungol 'gaya mo, dahil sa tumataas ang mga kasong rape, hold-up at robbery dahil sa impluwensiya ng DROGA. Kung nakakahuli man ang PDEA-NBI-POLICE ng drug laboratories eh hindi sapat ito para masugpo nang tuluyan ang problema sa droga porke patuloy ang paglaganap nito nationwide sa pammagitan ng mga nakakulong na drug lords sa NBP. Kailan ba kase matatapos ang bagong NBP sa Laur, Nueva Ecija?"  

Sunday, December 14, 2014

ERAP TO SUPPORT GRACE POE AGAINST NOGNOG

ANA: "Hayan, bumaliktad na si Erap. Unang-UNA kase, kitang-kita na ni Erap ang pagguho ng kandidatura ni Nognog bilang panggulo ng Pilipinas, 'di ba?"

LISA: "Pa'no kase naman, eh mismong si Nognog ang tumalon sa gitna ng kumunoy porke an'dami niyang pautot at hele-hele para 'wag dumalo sa Senate BRsubC para sagutin ang paratang sa kanyang PANDARAMBONG bigtime. Siempre, pag-uusapan 'yan sa media, tapos, sasabihin niyang binabayaran ang media para siraan siya? Siya ang SIRA, peksman!!!"

CION: "Malinaw lahat 'to ke Erap kaya naman umiwas na siyang damayan si Nognog na lumulubog sa kumunoy, otherwise, 'di na niya maililigtas si Junggoy kasama sina Tanda at Bobong Revilla. Pero, saan naman kaya kukuha si Erap para panggastos ni Grace sa kampanya, ha? Sapat-sapat pa kaya ang kayamanang 'galing sa jueteng gate na hanggang sa ngayo'y nakatago UMANO sa 8 mtrs X 8 mtrs sukat ng underground na kuwarto???"

Thursday, December 11, 2014

LETTER-COMPLAINT

Blk 4, Lot 14 Sappire St.,
Palmera Hills IIE Subd.,
Taytay, Rizal
December 11, 2014

THE HON. CONCHITA CARPIO-MORALES, Ombudsman
Ombudsman Building, Agham Road, North Triangle
Diliman, Quezon City

Dear Ombudsman Morales:

I am LAOAG A.PARAS, 66 years old, married and a resident at the above address. I was constrained to file another complaint in relation to my former letter-complaint filed on May 28, 2012 with the Ombudsman after I consolidated all pertinent documents in respect of my adverse possession of property located at the aforesaid address with TCT No. 599677 in the name of fictitious couple, Carlos Mangona and Cheryl Ann Mangona. Copy of the said letter-complaint is hereto attached.
I acquired the said property by ADVERSE POSSESSION since Year 2000. After residing thereat for 12 years I filed with the Registry of Deeds-Binangonan a Petition for ADVERSE CLAIM under Section 70 of P.D. 1529 for issuance of an Original Certificate of Title (OCT) in my favor on September 5, 2012 which was annotated at the back of TCT No. 599677.
On December 5, 2014, a Friday, my family was threatened by Sheriff IV Ma. Teresa Leis to be evicted from our home within five (5) days from said date if no action is filed by Laoag Paras to appeal the Decision of Rizal RTC Br 98 Judge Ma. Consejo Ignalaga on September 19, 2013, granting petitioner BALIKATAN’s application of a writ of possession of property located at the above address.
On her decision, Judge Ignalaga subsequently issued a Certificate of Sale  of TCT No. 599677 “…on July 22, 2010 and registered with the Office of Registry of Deeds for Marikina, Metro Manila on March 31, 2009 under Entry No. 2012000398. On May 4, 2009, a demand letter was sent by petitioner’s counsel to Carlos Mangona, Jr. to vacate the subject property but failed to comply.”
On the same date of July 22, 2010, another Certificate of Sale of TCT No. 599677 but distinct from the one issued by Judge Ignalaga, was also issued to Balikatan Property Holdings, Inc. by the Antipolo City Clerk of Court and Ex-Officio Sheriff Joselita C. Malibago-Santos, prepared and verified by Rolando P.Palomares, Sheriff-in-Charge, and noted by Executive Judge Ruth C. Santos. In its footnote of the 2-page certificate of sale, spouses Carlos Mangona and Cheryl Ann Mangona were allegedly copy furnished thru mail dated August 22, 2010.
On page 5 of TCT No. 599677, Entry No. 2012000398 dated January 13, 2012 2:27 pm, there appears an annotation “Certificate of Sale: Issued by the Sheriff of Regional Trial Court, Antipolo City, in favor of Balikatan Property Holdings, Inc. as the highest bidder, for the sum of Phl 629,129.36 subject to redemption within a period of one (1) year from and after the date of registration hereof in accordance with the Certificate of Sale dated July 22, 2010. Federico M. Cas, Registrar of Deeds” for Registry of Deeds-Binangonan, Binangonan, Rizal.
On the same page 5 of TCT No. 599677 after 2 spaces below is written, Entry No. 2012008124 dated September 5, 2012 2:15 pm – “Consulta raised by registrant: Memoramdum: October 17, 2012, 10:38 am Re: Notice of Adverse Claim under Entry No. 2012008124 dated 09/05/2012, to the Administrator, LRA. Edgar H. Naig, Uploading Clerk, Registry of Deeds.”  (emphasis supplied)
In its footnote – “This title is subject of an on-going transaction with Entry No. 2012008124 and Entry Date: Sept 5, 2012 2:15PM” OR No. 1005084346; OR Date:May 26, 2013; Amt Paid: 311.54. Issued at Registry of Deeds of Province of Rizal. Requested by LAOAG PARAS. 
It is very clear therefore, that the Notice to Vacate which was served to Laoag Paras’ family by Sheriff IV Maria Teresa S. Leis based on the Decision of Presiding Judge of RTC Br 98, Taytay, Rizal, Ma. Consejo Ignalaga was SPURIOUS?
Precisely, Balikatan is making this PRETEXT against Laoag Paras and other homeowners in conspire with Sheriff Leis in able for Paras to violate Section 5, Rule 7 of the Rules of Court, otherwise, known as the Forum Shopping Law, when he will supposedly files LIS PENDENS with the Ignalaga court?
Double selling of low-cost housing a la Delfin Lee by Balikatan is rampant in Rizal province.
I pray that Your Honor finds my complaint of conspiracy against my family by Balikatan and Taytay RTC Br 98 meritorious for investigation and action.
My contact details are:
1.     Cellphone No. 0908 688 4773
2.     Landline No. (02) 557 3478
3.     leoparas.blogspot.com

Very truly yours,

LAOAG A.PARAS, Complainant


Attachment: 200 pages of documentary evidence including this 3-page letter-complaint.

            IN WITNESS WHEREOF, I have hereunto set my hand this ___day of December, 2014 at Taytay, Rizal.


                                                                                                LAOAG A.PARAS
                                                                                                          Affiant

            SUBSCRIBED AND SWORN TO before me this ___ day of _________ , in Taytay, Rizal, affiant who personally appeared and affixed his signature and exhibited before me as competent evidence of identification _________ with No. ______________________ .

                                                                                                Notary Public

Doc. No. ___
Page No. ___
Book No. ___
Series of 20__


Monday, December 8, 2014

IN RE: LRC CASE RTC DECISION IN FAVOR OF PETITIONER BALIKATAN

Exceptions to the rule that the issuance of a writ of possession is a ministerial function of the court.

These are: 1) Gross inadequacy of purchase price; 2) Third party claiming right adverse to debtor/mortgagor (Palmera Homes, Inc), and 3) Failure to pay the surplus proceeds of the sale.

ALL these peculiar circumtances were found in the Balikatan case.

FORECLOSURE OF THE LOW-COST HOUSING BY BALIKATAN WREAKED HAVOC ON THE HOUSING SCENE - PART 2

ANA: "Oy, 'lamobang nag-consolidate ng mga documents si Sir Leo hinggil sa kanyang isinampang reklamo sa NBI noong December 11, 2012 laban sa sindikato ng multi-billion peso land grabbing syndicate sa buong Phl na pinangungunahan ng SABWATANG Balikatan, RTC-Antipolo at Register of Deeds-Binangonan? Hay, preponderance of evidence talaga, ang kapal-kapal. Kase, obviously, mali-mali ang mga petsa sa decision ni onorabol judge Ma. Consejo Gengos-Ignalaga ng RTC Br 98, dated September 19, 2013, re: sa pag-ISYU nito ng writ of possession pabor sa Balikatan laban sa property ni Sir Leo! Magkano kaya ang dahilan, Balikatan-BFS Pres Federico Cadiz, Jr, Sir?"

LISA: "Uh-unga 'ga. Kase, inayunan para maisyuhan ng Ignalaga court ang ex-parte petition of a writ of possession ang Balikatan para ligal na KAMKAMIN kuno ang property ni Sir Leo na TITULADO sa FICTITIOUS na tao. Ang titulo ng lupa eh nakautang bilang COLLATERAL na HUHULUGAN sana ng may-ari ngunit fictitious ngang tao, pabor sa Palmera Homes, Inc. sa halagang P374,859.00 no'ng August 24, 1992, batay sa annotation ng RD-Binangonan sa likod ng titulo. No'ng January 13, 2012, batay sa Entry No. 20122000398, meron bagong annotation ang titulo - Certificate of Sale - na inisyu ng Sheriff ng RTC-Antipolo dated July 22, 2010 pabor sa Balikatan Property Holdings, Inc, at HINDI SA PALMERA HOMES, INC, na siyang mortgagee at holder ng mortgaged property batay sa titulo. BAKIT pabor sa Balikatan?"

CION: "At batay nga sa nilalaman ng decision ng Ignalaga-court re: sa annotation ng titulo, eh MISLEADING. Kase, magkaiba ang DATE and PLACE ng certificate of sale na unang inisyu ng Sheriff ng RTC-Antipolo porke nirehistro umano ang certificate of sale under Entry 2012000398 sa Registry of Deeds for Marikina on March 31, 2009! Susmaryopes, nalokona! Samantala, kung inobliga lang sana ni judge Ignalaga ang ex-parte petitioner na ipresinta sa Korte ang owner's copy ng titulo, disin sana'y nakita ng huwes na merong bagong annotation ang titulo - Entry No. 2012008124 dated September 5, 2012 at 2:15 pm - RE: NOTICE OF ADVERSE CLAIM TO THE ADMINISTRATOR, LRA. Well, 'di masisisi si huwes Ignalaga na nakaperHUWISIO ke Sir Leo ang disisyon niya, kase, MAKAPAL ang ipinantakip sa kanyang mata nang Balikatan?"  

Friday, December 5, 2014

AN OPEN LETTER TO PNOY

Palmera Hills II Subdivision
Taytay, Rizal
December 6, 2014

Dear PNoy,

Ako po ay si Laoag Albano Paras, a.k.a. Ole Sapra (Leo Paras). Ako po'y dating deskman ng Ang Pilipino Ngayon (APN), now, Pilipino Star Ngayon (PSN) ng Phl Star Publishing bago naging Konsehal ng 3rd District ng Quezon City noong panahon ng inyong mahal na ina, ang Mahal na Pangulong Cory.

Hindi po ito ang unang pagkakataon na sumulat ako upang ipagbigay-alam sa inyo ang walang-katapusang paggigipit ng DB Global Opportunities (DBGO), o mas kilala sa tawag na BALIKATAN, kasabwat nito ang pekeng homeowners' association ng Palmera Hills II Subd. at ang Regional Trial Court-Antipolo para sa double-selling ng low-cost housing a la Delfin Lee sa buong Rizal province.

Noong December 11, 2012 (12:15 pm) ay nagsampa ako ng reklamo sa National Bureau of Investigation (NBI) laban sa walang-humpay na land grabbing activities ng sindikato na bumiktima na ng mahigit 52,000 homeowners, batay sa report ng Committee News, Volume 15 / No. 49 / June 11, 2008 (http://www.congres.gov.ph) ng House of Representatives at patuloy pang bumibiktima hanggang sa panahong ito ng marami pang homeowners sa buong Pilipinas.

Napasa-aking pamilya ang aming tirahan sa Palmera Hills II Subd sa pamamagitan ng adverse possession sa ilalim ng Section 70, P.D. 1529 noong 2000 at makalipas ang 12-taon (September 5, 2012) ay nagharap ako ng Petition for ADVERSE CLAIM sa Register of Deeds-Binangonan para maisyuhan kami ng Original Certificate of Title (OCT) kapalit ng Transfer Certificate of Title (TCT) na nakapangalan sa hindi totoong-tao (fictitious).

Kahapon ng alas-2 ng hapon (December 5, 2014) ay dumating sa aming bahay, habang wala ako, ang isang nagpakilalang sheriff at isinilbi ang isang NOTICE TO VACATE at may kabastusan umanong ipinagduldulan sa aking asawa, Rosita Paras, para tanggapin ang dokumento at pilit pang pinapipirma. Hindi napilit na lagdaan ng aking asawa ang dokumento kahit iniwan din ng sherrif ang dokumento, pero ng dumating ako'y dinatnan kong kinakapos sa paghinga ang aking asawa.

Nang bumuti na ang kalagayan ng aking asawa ay minabuti kong kagyat na magsadya sa RTC Branch 98, Antipolo, en punto alas-3 y medya, upang kausapin si Sherrif IV Maria Teresa S. Leis, ang nagsilbi ng Notice to Vacate sa aking asawa, ngunit hindi na pala sa Antipolo ang opisina ng RTC Br. 98 porke lumipat na sa bagong munisipiyo ng Taytay, Rizal. Samantala, bakit sa Antipolo pa rin ang address ng RTC Br. 98 kung saa'y siyang nag-isyu ng isinilbing Notice to Vacate na may petsang December 5?

Halatang nataranta si sherrif Leis sa hindi niya inaasahang pagpunta ko sa kanya, dala-dala ko ang mga dokumento at ang titulo ng aking property - TCT No. 599677 - na mayroong annotation sa likod:

"Entry No. 2012008124                                                         Date: September 5, 2012  2:15 pm
CONSULTA RAISED BY REGISTRANT:  MEMORANDUM: OCTOBER 17, 2012, 10:38 AM
RE: NOTICE OF ADVERSE CLAIM UNDER ENTRY NO 2012008124 DATED 09/05/2012 TO
THE ADMINISTRATOR, LRA.

Edgar H. Naig
Uploading Clerk"

Noong May 28, 2013, sa ilalim ng OR#4013032 at OR#4018040 ay kumuha ako ng sertipiko kung saan ginanap ang subasta - CERTIFICATE OF SALE of TCT No. 599677 - sa RTC, Office of the Clerk of Court, Ex-Officio Sherrif, Antipolo City - "IT IS HEREBY CERTIFIED, that on the November 25, 2009 at 10:00 o'clock in the morning, at the main entrance of the Municipal Bldg. of Taytay, Rizal, by virtue of a Real Estate Mortgage, ."
Duly signed by Joselita C. Malibago-Santos, Clerk of Court and Ex-Officio Sheriff; Prepared and Verified by Rolando P. Palmares, Sheriff-in-Charge, and Noted by Executive Judge RUTH C. SANTOS.

Samantala, hindi tugma ang lugar kung saan ginanap ang subasta batay naman sa kopya ng CERTIFICATE OF SALE na ipinarating sa amin ni Sheriff Leis para sa TCT No. 599677, batay sa Decision ni Judge MA. CONSEJO GENGOS-IGNALAGA, Presiding Judge of RTC Br. 98 dated September 19,2013 - "... and a certificate of sale was subsequently issued on July 22, 2010 and registered with the Office of the Registry of Deeds for Marikina, Metro Manila on March 31, 2009 under Entry No. 2012000398."

Mahal na PNoy, matindi na po ang epekto ng panliligalig ng Balikatan o BFS laban sa mga homeowners, partikular dito sa Palmera Hills II, Taytay, Rizal. Kasabwat ng Balikatan ang pekeng homeowners' association dito sa aming subdivision sa pagpapalayas ng mga lehitimong homeowners ng Balikatan o BFS. Namatay dahil sa atake sa puso si Ramon Dejumo, may-ari ng property by adverse possession sa Blk 11, Lot 4 (TCT No. 592979) noong buwan ng Julio makalipas ang bagyong Glenda, dahil puwersahan siyang pinalayas ng Balikatan sa tulong ng pekeng homeowners' association sa pamumuno ni Ginoong Edgardo Leones.

Para sa kaalaman ng mahal na PNoy.  

















  






Wednesday, December 3, 2014

"CONFIDENT OF THE END GAME TOWARD MALACANANG"

ANA: "Aysus maryopes, sino ba'ng manggagatong ang nagsabing confident kuno si Nognog na maluluklok sa Malacanang pagsapit ng end game? Hindi ba parang nagpapalakas na laang ng kalooban itong mga BINAYarang TANGApagsalita ni Nognog para maalis ang atensiyon ng publiko sa mga KAHINDIK-HINDIK na pandarambong ng dinastiya ni Nognog?"

LISA: "Kung tutuusin mong maige, hindi pupuedeng umurong sa kanyang kandidatura bilang panggulo si Nognog, kase, mawawalan na siya ng dahilan para huwag siputin ang mga Senate BRsubC hearings. Kitang-kita naman ang ebidens na siya UMANO eh BUSY (nagbi-busy-bisihan) porke nililibot ang buong Phl sa pangangampanya ng maaga at nagpapamudmod ng grasya sa mga bobotantes bilang PRETEXT, o, 'di ba?"

CION: "Sadya kasing AYAW-ALAMIN ng mga BOBOtantes ni Nognog na siya'y pusakal na mandarambong at ginagastos nito ang kuarta mula sa kaban-ng-bayan para ipantustos sa kanila sa buong bansa sa pamamagitan ng kilong bigas, de-latang pagkain, t-shirt na me tatak iboto si Nognog at cash na 5-daang piso. Ginagamit din ang Boy Scouts of the Phl sa tarpolina bilang BSP for BSP - Binay-sa-pagkapanggulo! Hay, juice ko, ang kapal ng APOG talaga."

Saturday, November 29, 2014

3 KILLED LINKED TO KILLING OF EX-MAKATI CITY ENGINEER

ANA: "Naku, habang papalapit ang 2016 presidential election eh LUMILINAW na rin ang SANHI ng pagTIGOK ke ex-Makati city engineer Nelson Morales na UMANO'Y pinaPASLANG sa utos ni Nognog sa magkapatid na Ransom at Gilbert Concepcion noong September 7, 2012 sa bayan ng Malinao, Albay. 'Lamoba kung ano talaga ang dahilan n'yon?"

LISA: "Eh pa'no kasi, si Ransom na umano'y KAMPON ni Nognog eh merong arrest warrant dahil nga sa pagpatay ke Morales. Naispatan siya ng Pulis na naka-motorsiklo kaya tinugis ng dalawang-oras hanggang abutan ito sa Polangui, Albay. Pero nakipag-ratratan siya sa Pulis, kaya hayun, temay siya. Ang kaso, ginantihan 'yung nagkanulong asset ng pulis na pamilya ONGOG, ang magkapatid na Presilo at Imelda, 'tsaka ang amang si Felipe, eh SABAY-SABAY ding niratrat at tinigok sa magkakahiwalay na lugar kahapon (Saturday) ng 7:30 AM sa Libon, Albay ng 20 gunmen ng Concepcion gang sa pangunguna ni Gilbert na utol ni Ransom, ayon sa Pulis"

CION: "Well, well, dapat na personal nang makialam sa kasong ito si DILG Sec Mar (Palengkero) Roxas at iresolba ang PUZZLE sa pamamagitan ng pagkalap ng hindi mapapasubalian o (INTRINSIC) ebidens, 'gaya ng mga prinisintang ebidens ni exVM Estong Mercado vs pandarambong ni Nognog, sa Bicol RTC branch. Kailangang SILBIHAN din ng RTC ng subpoena si Nognog para MAGPALIWANAG sa Korte hinggil sa pagkakasangkot niya sa mga patayang ito ala gangster boss ng Mafia, o, 'di ba?"  

Thursday, November 27, 2014

NOGNOG TELLS BOYS SCOUTS: SEE YOU IN MALACANANG

ANA: "Ang tindi talagang magtahi-tahi ng paduding 'tong si Nognog sa publiko para lamang mai-promote niya ang sarili sa AMBISYON nitong maging panggulo ng Phl. Aba'y sukat ba naman magpa-boodle fight para sa mga paslit na Boys Scouts sa kanyang Opis, tapos, nagbilin pa sa mga'to sa harap ng media: SEE YOU IN MALACANANG!"

LISA: "Nakanang susmaryopes, malala nang talaga ang taglay nitong IBULSA VIRUS! Hindi ba paglapastangan sa kaugaliang Boy Scout ang isinusulong nitong si Nognog aka Boy Kawat? Anong balak niya, gawing flying BOBOtantes ang mga paslit na Boys Scouts sa buong Phl? 'Yang pagkaHAYUK mo sa kapangyarihan Nognog, eh 'wag mo namang idamay ang BSP (Boys Scouts of the Philippines). Itiklop mo na lang ang DILA mo at ang dinastiya mo (PUT TONGUE-IN ANEW)!!!"

CION: "Alam mo bang si Sir Leo eh genuine na Boy Scout? No'ng siya eh 10 years old pa lamang, kasama ang mga kababatang sina Alfred Cristal, Numeriano Reyes at Ireneo Cardenas, eh kasapi sila sa Boys Scouts CONTINGENT mula sa Central Luzon bilang mga delegado sa 10th World Jamboree na ginanap sa Los Banos, Laguna noong 1958? Wala silang nakasalamuhang 'gaya ni Nognog na MAYABANG, BULAAN at DAYUKDOK sa kapangyarihan na Boy Scout. Dahil si Nognog eh si Boy Kawat!!!"  

Monday, November 24, 2014

NOGNOG ACCUSED THE DOJ OF HIDING MAKATI EX-VM MERCADO

ANA: "Ang tindi rin naman palang GUMALUGAD ang mga galamay ni Nognog noh? Kase, sinisisi ni Nognog ang DOJ, partikular si Sec LdL, porke hindi malaman kung totoong nasa California, USofA nga ngayon si ex-VM Estong. Pinasuyod daw kasi ni Nognog sa buong California si Estong sa kanyang mga apo-brods para ITUMBA pero 'di makita!"

LISA: "Well, well, congrats sa mga composite team na jaguar ni Estong porke napapanatili nilang ligtas ke Nognog si Estong. Pero teka, 'di ba sumasagi sa isipan mo kung bakit sina Ebeng, Limlingan at Gregorio eh hindi rin matagpuan ng NBI hanggang ngayon? Posible kayang nasa California, USofA rin sila at dinadalaw ang me sakit nila asa-asawa 'gaya rin ng dahilan ni Estong?"

CION: "Ahh, hindi posible 'yang haka-haka mo 'day. Malamang sa hindi, ang TESTIGO na sina Ebeng, Limlingan at Gregorio na SUSI para TUMAMBAD sa mga BOBOtantes ang katotohanan sa pandarambong ni Nognog ng bilyon-bilyon sa kaban-ng-bayan eh, wala sila sa California, USofA, kundi, nasa loob lamang ng JCB Farm sa Rosario, Batangas at posibleng 6 feet below-the ground na lahat!!!"    

Friday, November 21, 2014

LEGISLATIVE INQUIRY IN AID OF LEGISLATION

ANA: "Sabi ng isang abogado, Bartolome C. Fernandez Jr., hinggil sa Senate inquiry in aid of legislation - (. .. and that this committee members, evidently for sensationalism or grandstanding, pose questions that tend to browbeat, badger, harass, irritate, insult, humiliate, defame, threaten, intimidate and embarrass resource persons, as if they are being cross-examined during a court trial)."

LISA: "Uh-unga 'ga. Eksperto nga si Bart sa PANGUNGUTYA sa tarbaho ng Senate BRC ni Sen Gunggongna. Mas masahol pang MAGPARATANG 'tong si Bart, gamit ang pangHAMBALOS niyang mga English words na 'di naman masyadong naintindihan ng mga bobotantes ni Nognog, I am sure. Kumapara ke Siydeekew, tinatagalog niya ang mga malalalim na English words para malinaw na maintintidan ng kanyang mga readers, o, 'di ba?"

CION:"O, sige. Para sa mga bobotantes ni Nognog, kasama sina TONGresman Tobyas Tiyan Co, aTONGni JV Butata at Spookman Remily, itatranslate ko ang ibig sabihin sa Tagalog no'ng sampung English words ni Bart para mas lalo nilang maintindihan, VIZ:
1. browbeat - sumindak
2. badger - masiba
3. harass - manligalig
4. irritate - mangyamot
5. insult - manghamak
6. humiliate - manghiya
7. defame - magparatang
8. threaten - magbanta
9. intimidate - manakot
10. embarrass - magpahiya


Thursday, November 20, 2014

WHO'S AFRAID OF ACTING DOH SECRETARY? NOT THESE SENATORS

ANA: "Naks naman talaga, nararamdaman na ang simoy ng 2016 elections sa pagitan ng magkakatunggaling pulpolitiko, noh? Pati EBOLA virus na dapat medical professionals lang ang dapat mangasiwa, 'gaya ni Acting DOH Sec Janette Garin na bumisita sa mga soldados sa Caballo island, eh binabatikos na rin ng mga lieyers na pulpolitiko na mahilig din sa IBULSA virus, o,'di ba?"

LISA: "Ah, idagdag mo pa ang bola-bola virus na a la KURIKONG na nakapulapol sa katawan ni Nognog, binobola maging si PNoy para IPATIGIL na ang investigation vs Nognog, in aid of legislation, ng Senate BRsubC at isampa na laang daw ito sa OMB? Kung lulusot ke PNoy ang pambobola ni Nognog, eh tiyak na maga-a-la OZONE Disco case ang IBULSA virus case vs Nognog! Mantakin mong after 18 years bago nasintensiyahan ng husgado si ex-QC Engr Fredo Makapugay???"

CION: "Samakatwid, 3 term pa ang tatapusin ni Nognog bilang panggulo ng Phl, kung saka-sakali, bago uusad ang kaso nitong IBULSA virus sa husgado? Juice koh naman, naman! BY THEN, eh tiyak na NAHUGASAN na at naiKULA pa ang kaso ni Nognog ng mga appointed niyang judges porke gagawin nilang KUWADRADO ang gulong ng hustisya, peksman!!!"  

Tuesday, November 18, 2014

NOGNOG'S TOWN-HOPPING IS PREMATURE CAMPAIGNING

ANA: "Likas talagang manggugulang 'tong si Nognog. Bukod kasi sa mahilig manduro, magbanta at manakot, eh eksperto rin siyang manglinlang at mang-uto ng mga bobotantes sa buong Phl na kanya RAW pinupulsuhan. Naniniwala si Nognog na IBOBOTO siya ng mga bobotantes kapalit ng konting CASH at grocery items na galing sa kanyang PANDARAMBONG!"

LISA: "Naku, ingatz ka 'ga. 'Di mo ba narinig 'yung banta ni Nognog sa harap ng mga bobotantes na IDEDEMANDA umano niya ang sinomang tatawag sa kanyang MAGNANAKAW?! Mabuti na lamang at walang kumontra sa pananakot niya, bagkos eh, nagpalakpakan, naghiyawan at naglundagan ang mga bobotantes nang ipamudmod bawat isa sa kanila, nina TONGresman Tongbi Tian Co, Atongni JV Butata at Spookman Remily, ang konting CASH at grocery items na NINAKAW ni Nognog mula sa kaban-ng-bayan!!!"

CION:"Talagang makapal na ang apog na nakapulapol sa mukha ni Nognog porke hindi na siya tinatablan ng konti mang kahihiyan, noh? Tingnan mo ha, UNA, si Nognog ang prinsipal na nag-plano para mag-coup d'etat laban ke GMA noon, pero ATAKOT kaya ATAKBO siya at iniwan si Navy LtSG Trillanes. Ikalawa, hinamon ng debate si Sen Trillanes re overpriced P1.7 BILLION Mkt Parking Building & JCB Farm in Rosario, Batangas pero atakot kaya atakbo uli siya. Finally, premature campaigning naman siya sa buong Phl at masyado ATAPANG HIYA, kase, dami-rami siyang pamudmod nakaw na pera!!!"

Sunday, November 16, 2014

NOGNOG TO TRILLANES: GO BACK TO MILITARY

ANA: "Lahat eh halatadong natataranta (panicking) na ang kampo ni Nognog, kase, sari-saring palusot ang inilalabas nila sa publiko sa pammagitan ng ac/cd media, para ilihis ang isyung pandarambong vs Nognog na ayaw sumipot para sagutin at pormal na pabulaanan ang bintang sa kanya sa harap ng Senate BRsubC ni Sen CocoPim3! An'dami-rami kasing panlagay, hindi nauubusan ng datung galing sa pandarambong, 'di ba?"

LISA: "Uh-unga 'ga. Mantaking mong pinatutsadahan si Trillanes na bumalik na lamang daw sa Military kung hindi na umano nito magampanan ang kanyang tungkulin na gumawa ng mga batas bilang senador. Bakit daw kase ang pinagkaka-abalahan eh ang mag-imbestiga, samantalang hindi naman daw trabaho ng senador ang mag-imbestiga, kundi trabaho raw 'yon ng OMB at ng DOJ! Tama ba 'yung palusot na 'yon ni Nognog, ha?"

CION: Hindi!!! Kaya nga PALUSOT eh! Ang isinasagawang imbestigasyon ng BRsubC ni CocoPim3, kasama sina Trillanes at Sen Alan eh IN AID OF LEGISLATION. Sana, 'yung gagawin nilang batas laban sa pandarambong; UNA, alisin ang immunity 'tsaka require the president, vice president, senators/congressmen to APPEAR and DIVULGE information IN AID OF LEGISLATION. Sina CocoPim3, Trillanes at Cayetano must really consentrate in enacting laws so as to be able to make a LAW to prevent it happening again ang pandarambong ni Nognog! Kung manalo man halimbawa si Nognog as president, wala siyang IMMUNITY sa imbestigasyon!!! Getz mo???"  

Thursday, November 13, 2014

IT SEEMS NOGNOG IS JUST A BLUFFER

ANA: "Mas mataas pa kesa ke Nognog, bilang isang abogaGo, ang epekto ng iskandalo (ATRAS) sa debate vs isang dating SUNDALO ng Navy (Sen Trillanes), sumpaman! Mantakin mong ginagamit pa mandin niya ang pagiging panggulo niya ng Boy Scout of the Phl (BSP) 'tsaka reserved officer ng Phl Marines para hamunin o DURUIN si Trillanes sa isang public debate? Ay SUYOT!!!"

LISA: "Uh-unga 'ga. Biruin mo namang PUMIHIT ng-90 degrees si Nognog at kumaripas a la asong ulol ng 100 meter dash para UMURONG sa debate na siya mismo ang naghamon! Hindi kase niya inaasahang KAKASA sa kanyang hamon si Trillanes na sa tingin niya eh isang PIPITSUGIN na sundalong-kanin lamang? Juice ko 'day!"

CION: "Meron kasing SECRET na alam si Trillanes vs Nognog. Kung matutuloy kase ang debate eh tiyak na MALULUSAW sa kahihiyan si Nognog, kung meron pa siyang natitirang kahihiyan, kapag isiniwalat sa KBP at sa publiko ni Trillanes na talagang CONGENITAL COWARD si Nognog! Sumugod na para sa isang coup d'etat ang Magdalo ni Trillanes NOON, pero BIGLANG NAWALA sa eksena si Nognog na kasamang nagplano sa pag-agaw sana ng Arroyo gov't. DUWAG!!!"  

Tuesday, November 11, 2014

NOGNOG BACKED OUT OF HIS OWN PROPOSED DEBATE VS SEN TRILLANES

ANA: "Talagang kagimbal-gimbal ang kabuktutan nitong si Nognog, kasama ang mga UROT niyang lieyers, para subukan nila muling IMANIPULA (manipulate in their favor) sa mata ng publiko, ang kahindik-hindik na COWARDICE ni Nognog simula't-sapul!!! Mantakin mo 'yun???"

LISA: " Pa'no, ngayon lang unti-unting lumalabas sa kaalaman ng publiko, partikular ang mga taga-Makati, na si Nognog pala eh isang CONGENITAL COWARD, bukod pa sa SUKDULAN din ang pagka-sinungaling, peksman. Kasuklam-suklam ang PRETEXT (pagdadahilan) na inaasal ni Nognog para hindi siya mahalatang nuknukan pala ng DUWAG, nakanang ina, ohhuu!!!"

CION: "Oy, oy bawal magmura dito noh! Bukod kase ke Nognog, eh 'wag mo namang mamaliitin ang Marines! Kase, tanging si Nognog lang ang boy scout na marine na kulang sa tapang at sukat. Bihasang maghamon ng LABAN pero UNAng umiiskapo. Por eksampol, nagtago si Nognog sa QC habang kasagsagan ng Manila Pen siege no'ng 2007, samantalang kasama siyang nagplano ng kudeta ni Trillanes para igupo si Ate Glo. 'Tapos, naghamon din ng debate vs Trillanes, pero biglang UMUROOoooonggggg! Daig mo pa ang baklang haliparot, Nognog!!!"      

 

Monday, November 10, 2014

NO STOPPING SENATE PROBE OF NOGNOG

ANA: "Mukhang malalim ang tinutumbok ng press release ni SP Drilon re imbestigasyon ng BRsubC vs Nognog, 'noh? Pa'no kase, hindi dapat umanong IHINTO ang hearing ng sub committee ni Sen KokoPim laban sa ika-2 pinakamataas na opisyal ng bansa, dahil ang ika-3 pinakamataas na opisyal ng bansa (SP Drilon) eh WILLING naman na maimbestigahan din ng BRC 'gaya ng kaso ring pandarambong a la Nognog?"

LISA: "Me tama ka r'yan 'ga. Kung tutuusin, eh malaki ang pagkakahawig ng kaso ni Nognog sa kaso ni SP Drilon. 'Yun kasing kontratistang nanalo (HELLMARK) na kontratista-unico ni Nognog na nagpapamigay DAW ng 13%, eh siya ring kontratista KUNO ni SP Drilon sa kasalukuyang ginagawang Iloilo Convention Center (ICC) na umano'y overpriced din 'gaya ng Makati Parking Building ng BINAYaran dynasty?"

CION: "Yes, yes yeow. Gustong magpa-IMPRESS ni SP Drilon ke Nognog at sa publiko na marapat lamang na DUMALO ang sinomang inimbitahang resource person(s) para sa hearing ng KATIWALIAN isasagawa ng Senado. Obligasyon kase ni Nognog na ipaliwanag sa publiko, sa pamamagitan ng BRsubC, na ilahad ang kanyang ebidens laban sa BINTANG sa kanyang mandarambong siya! Ayon sa pahayag ni SP Drilon, siya ay nakahandang magpa-IMBESTIGA sa BRC para LINISIN ang kanyang pangalan na nasasangkot sa anomalyang 'gaya ng anomalya ni Nognog. O, 'di ba???"    

Saturday, November 8, 2014

TSUNAMI MEANS A HUGE DESTRUCTIVE WAVE

ANA: "Alam mo bang 'yung DALUYONG o tsunami na dulot ni Yolanda na matinding bumayo sa Visayas, partikular sa Samar-Leyte, saktong 'sang-taon na kahapon eh ginagamit na rin sa PAMUMULITIKA ng PNoy gov't bashers? Para silang orkestrang sintunado, kase, ipinangangalandakan kung bakit an'tagal-tagal daw mabigyan ng kanya-kanyang permanenteng bahay ang mga nawalan ng tirahan!!!"

LISA: "Eh pa'no, pilit nilang inililigaw sa mga biktima ng Yolanda ang TUNAY na tinutumbok ng master plan ng PNoy gov't para sa rehabilitation ng LAHAT ng nasalanta ng Yolanda, hindi lamang sa Samar-Leyte na sentrong tinamaan ng tsunami o daluyong, noh? Dahil sa modernong scismograph eh naitala ng Pag-asa na umabot pala sa 400 to 450 MILES per hour ang bilis ng travel ng tsunami mula sa IHIP ni Yolanda from the Pacific Ocean papuntang Tacloban?"

CION: " Korek ka 'r'yan 'day! Noong 1963, hinarumba ni Hurricane FLORA ang Haiti, 6,000 katao ang patay, at sa Cuba, 1000 katao ang patay at 750,000 katao ang nawalan ng tirahan sa 2 bansa. Samantala, noong 1970, isang tsunami rin ang tumama sa East Pakistan, KILLING about 200,000 persons! NakaBANGON lamang ang nasabing mga bansa na sinalanta ng delubyong a la Yolanda, AFTER 6 to 7 years. Whereas, ang master plan ng complete rehabilitation ng PNoy Adm re Yolanda victims eh mga 4 YEARS lamang daw!!! Anong say mo Tacloban Mayor Alfred Romualdez, sir???"  

Thursday, November 6, 2014

NOGNOG CLINGING TO HIS POST LIKE A LEECH

ANA: Ano ba ang ibig sabihin ng ALTER EGO, ha? Kase, sinabihan na si Nognog ng direkta ni PNoy na - (...maluwag ang pintuan), para umalis na si Nognog bilang cabinet member at alter ego ng pangulo. 'Tapos, ang sabi pa ni Nognog, kaya hindi siya sumipot sa Mother-BRC hearing ni committee chair Sen Gunggongna, kase raw eh, (that's only politics!) Eh, 'di nga ba binubuo ng tunay na mga pulpolitikong IBINOTO ng taong-bayan ang Senado?"

LISA: Korek ka r'yan 'ga. Naubusan na kasi ng WORDS upang UMIWAS umatend sa hearing si Nognog para pamPALUSOT sa patuloy na dumaraming EBIDENS na TUMATABON at aabot na hanggang sa leeg nito. Ang Latin word na ALTER EGO, ibig sabihin sa English eh OTHER SELF. Samakatwid, hindi talaga pupuedeng maging alter ego ni PNoy si Nognog na isang certified na PUSAKAL na MANDARAMBONG since time immemorial!!!"

CION: "Nakana mo'day! 'Lamobang mula 1986 bilang itinalagang OIC sa Makati ni Tita Cory thru Nene Pimentel si Nognog, eh nagsimula na rin ang PANGANGAMKAM ni Nognog mula sa kaban ng Makati? Multi-million halaga ang UTANG ng Makati gov't sa mga construction contractors ang hindi pa nababayaran noon ni ex-Mayor Yabut, ang pinalitan ni Nognog. Binayarang ISA-ISA ni Nognog ang LAHAT ng mga kontratistang  pinagkakautangan ng Makati ng KALAHATI, at KINAMKAM lahat ni Nognog ang natitirang kalahati!!! Biruin mo 'yon???"  

Tuesday, November 4, 2014

PNOY ASSIGNS NOGNOG WITH 'YOLANDA' HOUSING PROJECT

ANA: "Siguradong KAHINDIK-HINDIK para sa mga spookymen ni Nognog kung bakit biglang binigyan ng assignment bilang HUDCC secretary si Nognog noh? Aba'y biruin mong multi-Billion pesos ang halaga ng pagtatayuan sa resettlement site ng mga permanenteng bahay ng Yolanda victims sa Tacloban, 'di ba?"

LISA: "Yes, yes yeow. Kase, naghihimutok KUNWARI si Nognog, dahil sa bulong ng kanyang mga spookymen sa pangungUNA nina Tian Co at JV Butata, BINIBIRA indirectly si PNoy, na an'dami raw mga DISPALINGHADO sa PNoy gov't na HINDI inaasikaso, 'gaya ng siraing LRT-MRT, peace & order na 'di kayang kontrolin umano ng PNP, traffic mess, etc. O, getz mo?"

CION: "Sagot naman ni PNoy ke Nognog, bilang cabinet member, eh dapat ilahad nito ang kanyang SOLUTION sa naturang mga problema. Pero NO TALK ang kampo ni Nognog. So, para masukat ang kakayahan ni Nognog bilang bigbos ng HUDCC, at upang maputol na rin ang maaga nitong pangangampanya sa buong Phl gamit ang pondo ng kanyang OPIS, eh binigyan siya ng assignment ni PNoy bilang TEAM PLAYER sa rahabilitation ng Yolanda victims. Sige Nognog, ipakita mong karapat-dapat kang maging panggulo ng Phl. Sige ngaaa!!!"

Monday, November 3, 2014

PNOY TELLS NOGNOG: YOU'RE FREE TO LEAVE

ANA: "Ano ba ang ibig sabihin ng UTANG-NA-LOOB? Meron kaya nu'n si Nognog? Kase, bilang Boy Scout, eh bakit tila hindi na sinusunod ni Nognog ang GMRC (good manners and right conduct), bagkos, pulos BOY KAWAT ang pinaggagagawa! Putragiz kang Nognog ka, pambihirang maligno ka talaga!"

LISA: "Ay naku, 'yang mga ganyang PASARING o panghi-HIYA against Nognog eh wa-epek at 'di na tumatalab ke Nognog, kase sobrang PANGHI na talaga siya, peksman! Biruin mong sinabihan na siya ni PNoy na MALUWAG-ANG-PINTUAN para sa paglabas ni Nognog sa Gabinete, pero dedma lang ang maligno porke kapit-tuko pa rin siya bilang bigbos ng HUDCC! O, 'di ba???"

CION: "Natumbok mong tunay 'day. Pa'no kase, kung aalis siya bilang cabinet member ni PNoy, eh 'di na siya makakapag-kampanya sa buong Phl ng libre gastos. Dahil sa kapal-ng-apog na nakapulapol sa mukha ni Nognog eh wala na siyang KAHIHIYANG natitira pa sa kanyang pagkatao, sumpaman. Bilang isang Pinay na tunay na nagmamahal sa Phl, mapapatawad ko lamang ang mga pandarambong ni Nognog KUNG isosoli ang kanyang mga kinulimbat sa kaban-ng-bayan, 'tapos, mag-ala Angie Reyes (RIP) na siya. AMEN!!!"  

Saturday, November 1, 2014

NOGNOG TRIED TO GRAB 57.7 HA FOR BSP

ANA: "Ay ano ba 'yan! Habang papalapit ang 2016 presidential elections eh sige rin ang paglabas ng iba pang mga KATIWALIAN ni Nognog. Aba'y sukat bang kinaKAMKAM din pala ni Nognog, gamit ang kanyang kapangyarihan bilang presidente ng Boy Scouts of the Philippines (BSP), ang 57.7 ha. BSP Jamboree site sa Mount Makiling na INUUPAHAN LAMANG ng BSP sa U.P. Los Banos?"

LISA:"Me tama ka r'yan 'ga, peksman. Eh kase, nasa 3rd and final reading na pala sa House of RepresentaTHIVES 'yung panukalang batas ni dePUTAdo Abe Beenay, partikular ang House Bill No. 6352 (Boy Scouts of the Philippines Charter of 2012) para ILIPAT ng LIBRE ang lupaing pag-aari ng UPLB na inuupahan ng ONE PESO a year per hectare ng BSP bilang jamboree site simula pa no'ng 19kopong-kopong!"

CION: "Alam mo bang pinatayuan na rin ni Nognog ng 4-storey HOTEL at cell site ang BSP jamboree site sa Mount Makiling no'n pang 2009? Ito'y para preparasyon sa kanyang kandidatura bilang panggulo ng Phl! Ginastusan daw ito ng P150-M, ayon sa BSP, pero kaduda-duda, kase, saan kukuha ng gano'n kalaking datung ang BSP, hale nga? Sino man ang magtse-check-in sa otel eh makikita niya ang malalaking tarpolina - BSP FOR BSP (Boy Scouts of the Philippines for Binay Sa Pagkapangulo! Hoy,.dinastiyang Nognog, PUT TONGUE-IN ANEW!!!"

Sunday, October 26, 2014

GAIN ALL OR LOSE ALL

ANA: "Matinding DILEMMA ang pinagdaraanan ngayon ni Nognog, kase, merong nagpapayo sa kanyang UMURONG na lamang sa ambisyon nitong maging panggulo ng Phl dahil basang-basa na sa mga bobotante ang papel niya. Pero, umaangil sa pagtanggi ang mga SUKAB at bayarang spookymen ni Nognog, at binubuyo nilang ituloy ang laban nito, GAIN ALL OR LOSE ALL! Mantakin mo 'yon?"

LISA: "Eh kase nga, ang apektado sa pag-urong halimbawa ni Nognog sa hangarin nitong kumandidato at MANALO bilang panggulo, eh 'yung sangkaterba nitong mga SPIN DOCTORS, porke mapuputol na ang milyon-milyong DATUNG na tinatanggap nila para LABUSAWIN ang isyung 13% at JCB Farm laban ke Nognog! O, 'di ba?"

CION: "Do or die na talaga ang pakiramdam ni Nognog. Kung uurong kasi siyang kumandidato for prez habang kasalukuyang umaalingawngaw sa buong sambayanan ang pandarambong ng dinastiyang BINAYaran sa Makati sa nakalipas na 3 dekada, eh t'yak na makukulong SILANG MAG-ANAK. Bukod pa ito sa MAIILIT din ang kayamanang dinambong nila. Samantala, kung itutuloy niya ang kanyang kandidatura at malustay man hanggang masaid ang kayamanang dinambong, eh baka manalo? Ay susmaryopes kang talaga, Nognog ka!!!"

Friday, October 24, 2014

ROTTEN FISH AND FOUL SMELLING INFORMATION

ANA: "NakakaHIPNOTISMO (mesmerizing) raw, ayon ke Mareng Winnie, ang mga pautot ni Tonyo Tiu sa nakaraang Senate BRsubC hearing re si Tonyo raw ang tunay na nagmamay-ari ng 350-hectare JCB Farm sa Rosario, Batangas, at hindi ang dinastiyang BINAYaran. Nag-down payment kuno ng P11-M si Tonyo sa dating may-ari ng JCB Farm (Hacienda Nognog) na kinilalang si Laureano Gregorio para sa kabuuang halaga na P450-M property! Puede ba ang gano'n?"

LISA: "Hindi! Ano siya, sinusuerte? Hoy, Tonyo, makinig ka. Humarbat ka na laang ng sunog-na-cake ni Nang Si dahil 'di na kailangan ang resibo d'yan. Nagpakilala kang isang batikang negosyante, puwes, ipakita mo bilang KATUNAYAN, ang DOCUMENTS (mga Titulo ng property) ng BILIHAN sa pagitan mo at ni Gregorio ng JCB Farm, at kung ito eh registered na sa Register of Deeds! O, 'di ba?"

CION: "Talagang PINAIIKOT ala-tsubibo ni Tonyo ang hearing sa BRsubC sa intensiyong iligwak ('wag idamay) ang BINAYaran dynasty sa kasong plunder na WALANG PIYANSA. Sa prinsipiyo ng CONSPIRACY, itong si Tonyo eh malinaw na kasabwat din sa pandarambong ni Nognog at kanyang buong pamilya. Kase, madalas sabihin ni DOJ Sec LdL, re PDAF scam, (THE ACT OF ONE IS THE ACT OF ALL). 'Yung mga kasabwat na sina Lim Lin Gan, Ba Lo Loy at iba pang Tsekwa, nasaan na? Nasa mainland China???"

Thursday, October 23, 2014

TRILLANES: IN NOGNOG'S SECRET JCB FARM HE LIVES A KINGLY LIFESTYLE

ANA: "Kung IGIGIIT sa BRsubC ni Tony Tiu ang kanyang PALUSOT na lehitimong sa kanya ang JCB Farm, puede kayang isama rin siya bilang CONSPIRATOR (kasabwat) sa isasampang demanda ng OMB vs dinastiyang BINAYaran? Kasing-bigat din kaya ito ng posibleng ipapataw na kaso vs BINAYaran dynasty na WALANG PIYANSA?"

LISA: "Ay sana Lord, pakinggan mo po ang panalangin ni Ana, amen. Kase, narinig ko minsan na binanggit ni DOJ Sec LdL na (conspiracy means the act of one is the act of ALL)! Sa madaling-sabi, kasabwat ni Nognog si Tony Tiu para LABUSAWIN ang BRsubC hearings at iligtas sa TIYAK sabay-sabay na pagkaCALABOOSE ng BINAYaran dynasty habang pending sa SB ang kasong PANDARAMBONG!"

CION: "Sa ocular inspection ni Sen Trillanes sa JCB Farm sa Rosario, Batangas, sa loob ng compound at sa rest house kuno ni Tony Tiu, kasunod ang sangkaterbang tri-media, eh, naobserbahan ni Trillanes na HINDI tourist spot ang Farm kundi pangPRIBADO LANG ito! Kase, walang paradahan ng buses para sasakyan ng mga turista. Sabi pa ni Trillanes na lavish (masyado), excessive (napakamahal) at obscene (masagwa) na maBULGAR sa publiko na ultimong CR eh merong chandelier! At pag-aari ito ng politikong si Nognog na INAAMING dating poor. So, saan kinuha ni Nognog ang ipinambili ng haciendang tulad ng JCB Farm???"  

Wednesday, October 22, 2014

THE SENATE IS A POLITICAL BODY & BRsubC HEARINGS ARE A POLITICAL EVENT

ANA: "Masidhi ang ginagawang PAUTOT ng mga spookymen ni Nognog para ILIHIS ang atensiyon ng publiko re Senate's BRsubC hearings na nakasentro sa umano'y PATONG-PATONG na BUKULAN mula sa kaban-ng-bayan ng Makati ng dinastiyang BINAYaran. Hinamon ng kampo ni Nognog si Sen Trillanes na magpanghamok sila sa isang debate, ang AGENDA eh tungkol nga sa isyu ng pandarambong ni Nognog."

LISA: " Ay masaya 'to kung matutuloy, peksman. Bukod sa pipiliing MODERATORS, meron pang dagdag na kondisyon ang kampo ni Nognog. Kung tatanggapin umano ni Trillanes ang hamon eh bahala raw siyang magtakda ng araw at lugar kung saan isasagawa ang debate. Agad na sumang-ayon si Trillanes sa hamon ni Nognog na sila eh magdebate sa loob ng Hacienda JCB sa Rosario, Batangas at ang audience nila'y ang mismong mga taga-Rosario, bukod pa sa tri-media! Papayag naman kaya ang me-ari kunong si Tony Tiu?"

CION: "Para sa'ken eh pipti-pipti kung matutuloy nga 'yang pautot na 'yan ni Nognog. Kase, hindi na kailangan pang magdala ng documentary evidence si Trillanes para iwagayway sa audience na pulos botanteng taga-Batangas. Bagkos, sila'y tatanungin na lamang at kilalanin kung SINO ba talaga ang may-ari ng 350 hectares JCB Farm na nagkakahalaga ng DALAWANG BILYONG PISO, pero hindi nababayaran ng property taxes para sa kaban-ng-bayan ng Rosario!!! O, 'nong say mo???"

Monday, October 20, 2014

FARCICAL PROCEEDINGS?

ANA: "Bakit, ang imbestigasyon ba ng Senate BRsubC vs Nognog, ayon sa iginigiit ni spookman Remily ng BINAYaran, eh farcical (kahangalan o katunggakan)? Sinasadya ni Nognog na gamitan ng malalalim na tala-salitaan, 'gaya ng word na farcical, ang publiko para HINDI nila MAINTINDIHAN ang ibig sabihin, 'di ba?"

LISA: "Ako, ako, alam ko ang ibig sabihin ng English word na FARCICAL, kase, hindi ako bobotante. Farcical means - ludicrous or absurd to the point of provoking ridicule or laughter. O, kitam? ang galing-galing ko! Hindi ako boboto sa isang HANGAL at TUNGGAK na PUNGGOK na 'gaya ni Nognog, noh? NEVAH!!!"

CION: "Eh, 'yun na nga ang dahilan ni Nognog kaya nililibot ang buong Phl para PAIKUTAN ang mga bobotante at SUHULAN ng kilong bigas, noodles, sardinas na nakalagay sa supot na me tatak na vote Nognog for president. Hindi kailanman maniniwala si Nognog sa SWS survey, kase, puedeng merong nagKOMISYON sa SWS, 'gaya ng False Asia na BINAYaran ni Nognog para tumaas ang kanyang rating, peksman!"

Sunday, October 19, 2014

NOGNOG SHOULD NEGOTIATE FOR A GRACEFUL EXIT

ANA: "Hindi ba parang kahabag-habag ang kalagayan ngayon ni Nognog na ala-ASOng ulol na muling hinimod ang iniluwa nitong pang-LALAIT ng personal ke Pnoy? Likas talagang SINUNGALING si Nognog, kase, 3 oras daw silang nag-usap sa Malacanang para umareglo ke Pnoy, pero 2.5 oras palang nagbutas-ng-silya si Nognog at 30 minutos lang silang nag-usap ni Pnoy?"

LISA: "Mistulang mga PANIKI (panicking) na kase ang mga amuyong ni Nognog porke nakikita nilang GUMUGUHO na ang itinatayong palasyo (read: Malacanang) sa buhangin ni Nognog. Pa'no naman kase, unti-unti nang lumalabas sa mata ng publiko ang bilyon-bilyong kinulimbat mula sa kaban-ng-bayan ng dinastiyag BINAYaran. He bit more than he could chew, 'eka nga."

CION: "Kaya nga sinadya ni Nognog si Pnoy sa Malacanang para makiusap na pigilin ni Pnoy na imbestigahan siya (Nognog) ng DOJ. Otherwise, BUBULUSOK ang pangarap ni Nognog, kasama ang buong pamilya at bayarang alipores nito, at makuKULONG, sa halip na sa Malacanang sila tumira bilang panggulo ng PHL? Pakiusapan na lang ni Nognog si Pakman para hagisan siya ng kulay-puting tuwalya para libre na siya sa demanda. Mag-enjoy na lang ang BINAYaran dynasty sa 350-ha JCB Farm sa Rosario, Batangas habang 'di pa iniilit ng gov't ito, 'di ba?"      

Friday, October 17, 2014

EXCEPTION TO THE HEARSAY RULE

ANA: "Hinimay-himay uli ni Mareng Winnie sa kanyang kolum ang dating UGNAYAN (tongpats o bukulan) kuno ni Makati exVP Estong ke Nognog nang ang huli eh siya pa ang meyor ng Makati. Ayon pa ke Mareng Winnie, mismong OMB at DOJ eh interesado sa bagong pasabog na'to ni Estong vs Nognog, kase, LEGALLY, eh gumawa si Estong ng (declaration against interest which is an exception to the hearsay rule.) O, getz mo?"

LISA: "Yes, yes yeow. Eh pa'no, puede na bang ihambing sina Nognog at Estong sa RIDING-IN-TANDEM? Kase, kung magkaangkas silang mag-amo, alam siempre ni Estong kung gaano katulin ang dating ng tongpats o bukulan na ISINUSUBI nito ke Nognog! Therefore, he knows where all the bodies are buried 'eka nga, o, 'di ba? And will Estong lie about it?"

CION: "Nabi-visualize ko na magiging ala-Ferdinand Marcos si Nognog, peksman. Hindi na nabawi ni Ferdie ang mga properties na ipinangalan ke Lucio Tan at ito rin ang tiyak-na-tiyak na magaganap ke Nognog sa kanyang 350 hectares JCB Hacienda sa Rosario, Batangas. Siguradong dummy ni Nognog lang ang makikinabang, ala-Lucio Tan, sa nasabing JCB properties, kase, mismong si Nognog eh na-ESTOPPED after denying they are theirs. IBALIK SA GOV'T ANG PROPERTIES!!!"

Thursday, October 16, 2014

HK LEADER OFFERS TO REOPEN TALKS WITH PROTESTERS

ANA: "Medyo kumambiyo si HK Chief Executive Leung Chun-ying matapos mapagtantong HINDI siya uurungan ng mga protesters na pilit nitong BINABARASO na sumunod sa sistema ng communist gov't na gustong ipa-IRAL ng communist China sa democratic Hong Kong. Nakunan kase ng video ang panggugulpi ng mga pulis sa isang student protester sanhi upang umalburoto sa galit ang mga protesters vs communist China thru its HK leader Leung Chun-ying,'di ba?"

LISA: "Meron nang pattern ang pambabarasong ganito ng Communists. 'Gaya no'ng 1949, the commies defeated the Nationalist forces of Generalissimo Chiang Kai-shek na puwersahang umurong sa TAIWAN no'ng December 8, 1949. Ang PROBINSIYA ng Taiwan noon eh kapwa pinag-aagawn din ng mga Komunista at Nationalista na kapwa noon nagpapahayag na ang bawat isa sa kanila ang siyang tunay na RULER ng buong China. Nagpirmahan ang USA at Nationalist China ng Mutual Defense Treaty noong 1954, bunsod upang ang Nationalist goverment na ang ligal na magpapa-iiral ng DEMOKRASYA sa Taiwan bilang isang republikang bansa."

CION: "Me tama ka r'yan 'day. Malamang sa hindi eh matutulad din ang Hong Kong sa Taiwan. Sa kapipilit kase ng mga komunistang ISUBO-ng-pilit ang sistemang komunismo sa HK eh, I'm SURE, 'di magtatgal eh MAGSASARILE bilang isang republika ang Hong Kong at mahiHIWALAY sa communist China, sumpaman! Dito masusukat kung ga'no lumaban sa GERA ang communist China laban sa Armed Forces ng GB habang nakaalalay ang US at ang UN. Sige ngaa, T'song!!!"  

Friday, October 10, 2014

BARE ALLEGATIONS OF EX-VM MERCADO VS VP JOJO, A FALLACY?

ANA: "Saklot sa pangamba ang de-kalembang na lieyers ni Nognog, kase, hindi na nila kayang masagot ng deretso sa publiko ang iniladlad na HARD EVIDENCE ni Estong sa Senate BRsubC re kabuuang P4 BILLION BUKOL (kickbacks) na tinanggap umano ni Nognog habang meyor siya ng Makati, mula sa kontratistang HillMarks? Pero bare allegations (TSISMIS) lang daw naman ito, ang sabi ni spookman Joy Sanggano! Susmaryopes!!!"

LISA: "Uh-unga 'ga. Kung tatagalugin mo, HUBAD-SA-KATOTOHANAN (bare allegations) daw ang mga EBIDENS na inilahad ni ex-VM Estong sa Senate hearing(s) na kinober ng TRI-MEDIA, bukod pa sa INTERNET worldwide, 'gaya ng world class at green parking building na BINAYaran ng P2.7 BILLION, samantalang humigit-kumulang sa P500 million lamang daw pala ang halaga ng parking building, ayon naman sa kuwenta ng COA, o, 'di ba?"

CION: "Oke, regarding sa 350 hectares (farm) hacienda JCB sa Rosario, Batangas, 'yung mga trabahador pala ro'n eh nabunyag na sila pala 'yung mga ghost employees na pinasusueldo kada buwan ng Makati Gov't 'tsaka ginuguwardiyahan din ng Omni Security Agency na pag-aari naman ni Lim Lin Gan na certified dummy (IMBUDO) ni Nognog? So, pa'no ngayon ITATANGGI ng mga lieyers ni Nognog ang mga BUKULANG ito with CONCRETE ebidens? Sige nga, subukan n'yo!!!"  

VP JOJO DENIES HIS FAMILY OWNS HACIENDA IN ROSARIO, BATANGAS

ANA: "Hindi maikakailang tusong abogado si Nognog, peksman. Biruin mong 2010 pa pala, no'ng kapapanalo pa lang niya bilang vice president, eh kagyat nitong IPINANGALAN ang pagmamay-ari ng kanyang hacienda sa mga dummies. Kase, lumalabas sa records ng Municipal Assessor ng Rosario, noong 2010 pa pala ginawa ang huling deklarasyon ng real property tax ni Nognog sa nasabing 350 hectares JCB Farms?"

LISA: "Ah, wala! 'Di makalulusot 'yang EBIDENS na 'yan ni Nognog. Kumbaga kase sa larong chess, tatlong sulong na laang at siguradong CHECKMATE (kalaboso) na si Nognog. Parang nabi-visualize ko no'ha, bilang remedy para SAGIPIN sa CALABOOSE si Nognog ng kanyang mga lieyers na pulos kuno de kalembang, eh mag-iisip ng move para STALEMATE (dayain) ang laban? Putragiz, walang ganyanan!!!"

CION: "Well, 'lamobang nag-empleo ng isang matandang babae (67 years old) na orchid cutter si Dra Elenita? Last month (September) eh nag-resign na siya after 14 years na empleado at sueldong P4,000 a month ng JCB Farms. Ang orchid cutter eh pinilit umano ng kanyang anak na mabuting magpahinga na lang sa kanilang bahay kesa ituring na YOKEL at BUSABOS ng todo KURIPOT na amo, feeling magiging first lady? KASUMPA-SUMPANG DINASTIYA, HHUUU!!!"    

Wednesday, October 8, 2014

SET UP AS PART OF THE COVER-UP

ANA: "Tila palyadong tambutso (VOCIFEROUS) ang bibig ng mga SPOOKmen ni Nognog sa pagsangga sa bagong PASABOG ni exVM Estong Mercado vs pamilyang BINAYaran sa hearing ng Senate BRsubC re ang tunay na nagmamay-ari ng 350 hectares lawak ng hacienda sa Rosario, Batangas na tinatayang nagkakahalaga raw ng P1.2 BILLION? Susmaryopes, kanino ba talaga, ha? An'laki-laki namannn!!!"

LISA: "O sige, alin ang mas malake, 'yung AIRCONDITIONED na kulungan ng baboy ni Nognog sa Rosario, Batangas o 'yung Mansion ni cheap-PNP Santisima sa San Leonardo, Nueva Ecija? Hinahamon kase ni exVM Estong ang media na i-cover din daw nila at IKUMPARA 'yung kulungan ng baboy ni Nognog sa mansion ni Santisima. O, 'nong say mo?"

CION: "Ako na lang ang magkukumpara. 'Yung mga biktima ng Yolanda at Zamboanga siege eh NANINIRAHAN hanggang ngayon sa mga tents o tagpi-tagping kubo. Mga nakatirang BOBOTANTE na laging inuuto at nireregaluhan ni Nognog ng 'sang kilong bigas, sardinas, noodles, nakalagay sa supot na merong tatak: Nognog for President. Samantala, mismong si exMV Estong daw ang naghahatid ng FEEDS sa mga patabaing baboy ni Nognog para pamBENTA at magkamal ng kuwartang PONDO sa eleksiyon ni Nognog???"

Monday, October 6, 2014

"HELD IN ABEYANCE"

ANA: "Sino ba kase ang nagsabing HELD IN ABEYANCE ang nakatakdang  imbestigasyon bukas, Oct 8 at 9:00 AM, ng Senate BRsubC re parking building na BINAYaran ng P2.7-B, ha? Ang Blue Ribbon committee chairman Sen Gunggongna ba o ang ac/dc reporter na si Mila Aher?"

LISA: "Uh-unga 'ga. Ang labo kase ng report ni Mila eh, ahaik-ahik-ik. Kulang-kulang ang kanyang report ng 5 Ws, (who, what, when, where, why), at walang H (how). Dapat ipinaliwanag ni Mila sa kanyang report kung bakit (held in abeyance) ang imbestigasyon, at kelan dapat itutuloy ng BRsubC ang imbestigasyon sa mga BINAYaran! Magkano ba ang sobre para sa juricdictional challenge (delaying TACTIC) na'to ni Dayunyor, ha?"      

CION: "Huwag ka ngang manghilakbot, noh! Reading between lines, kitang-kita na pabor ito sa subKOMITA ni Sen KokoPim3, kase, puedeng maglabas ng RULING ang BRsubC ngayong araw porke binigyan na ng BRC Chairman ng pahintulot ang subKomita na gumawa ng desisyon re jurisdictional challenge na unang isinampa ni Dayunyor vs BRsubC. So, tuloy-na-tuloy nang TUTUSTAHIN (imbestigasyon) bukas, as scheduled, ang mga TNL na BINAYaran! O, intiende?"

Sunday, October 5, 2014

HK PRO-DEMOCRACY PROTESTERS: IT'S GOING TO BE A LONG FIGHT

ANA: "Sa mainland China, nagkaroon ng civil war sa pagitan ng Chinese Communists at NAAGAW ng mga komunista ang Nationalist Gov't ni President Chiang Kai-shek noong 1949. Samantala, no'ng mga panahon ding 'yon, ang Hong Kong eh sakop naman ng British crown colony mula pa no'ng 1842, kung kaila'y ginawang TRADING STATION ng Britanya ang Hong Kong at pinakikinabangan, hanggang sa ngayon, ng mga bansa sa buong mundo sa larangan ng komersiyo."

LISA: "Bilib ako sa research mo 'ga, kapani-paniwala talaga. Pero, idagdag ko lang na hindi TINALIKDAN noon ni Chiang Kai-shek ang kanyang Nationalist Gov't, bagkos eh INILIPAT lang ang Gov't no'ng Dec 8, 1949 mula mainland, sa probinsiya ng Taiwan. Palibhasa nga'y Nationalist Gov't base sa kanilang 1946 Constitution ang ipinairal ni Generalissimo Chiang sa probinsiya ng Taiwan, kaya't kalauna'y kinilala ng USA bilang isang demokratikong BANSA ang Taiwan, HIWALAY sa gobiernong mainland China na isang komunista. O, getz mo?"

CION: "Ang Hong Kong eh itinuturing na probinsiya ng mainland China. Pero bago i-turn over ng Great Britain ang Hong Kong sa communist China no'ng 1997, eh merong BILIN ang UK na MANANATILING DEMOCRACY ang iiral sa Hong Kong, sa pamamagitan ng One Country - Two systems policy. Ibig sabihin, demokratikong gobyerno ang iiral sa Hong Kong at hindi komunismo na gustong ISUBO ngayon ng mainland sa Hong Kong province. Kapag nagkataon, magiging INDEPENDENT ang Hong Kong like Taiwan??? PEOPLE POWER na!!!"

Friday, October 3, 2014

THE SAME STANDARD

ANA: "Meron na namang naKALKAL si Mareng Winnie na kaso sa Sandigan-Bayan (SB) na kapareho halos ng kasong pandarambong ni Nognog at waswit nitong si Dra Elenita. Pero kung aarukin mo ang naturang kaso kumpara sa kaso ng mga Binay, eh SISIW lang ang kinulimbat na datung ni ex-Mayor Zenaida Maamo ng Liloan, Southern, Leyte - P43,000. Si Maamo eh sentensiyado ng SB ng 6 yrs, 2 Mos to 10 yrs na kalaboso no'n lamang Sept 22. Kawawa naman. . ."

LISA: "Kaya nagkapareho kasi 'yung kaso ni Maamo at ni Nognog eh dahil sa BAGAL ang usad ng naturang mga kaso. 'Yung ke Nognog eh naisampa sa SB no'ng 1994, at 'yung ke Maamo eh nangyari ang pangungulimbat niya ng P43,000 no'ng 1995, pero sinampahan lang siya ng kaso after 10 years, no'ng 2005, nung pumalit sa kanyang meyor ng Liloan, Leyte na si KAgulaNg-gulang TOmas TAN. Maliwanag, POLITIKA ang dahilan! O, 'di ba?"

CION: "Si Maamo kase eh 'di kayang magbayad ng MILYONES 'gaya ng FEES ng battery of lieyers ng dinastiyang BINAYaran. Mantakin mong pinatitigil ng mga abogago ang hearing ng Senate BRsubC sa bilyon-bilyong tinatanggap na BUKOL ni Nognog, in AID OF LEGISLATION, dahil sa isyu ng jurisdiction? Kase, kung ililipat ang hearing sa SB eh SUBJUDICE na ang isyu kung gagamitin ang istorya ng media at t'yak na mako-contempt of court sila. Kung magkagayon, eh 'di mananalong panggulo si Nognog? DISASTER!!!"  

Thursday, October 2, 2014

FINDINGS OF OVERPRICING

ANA: "NakakapaNGINIG-ng-laman ang pagkaSUGAPA sa pandarambong mula sa kaban-ng-bayan ng mga TNL na BINAYaran makalipas ibulgar sa Senate BRsubC hearing kahapon ni COA Comm Heidi Mendoza na DINAMBONG ni Makati ex-mayor Elenita Binay ang mahigit na P60 MILLION halaga ng hospital equipments mula sa pondong P70 Million!"

LISA: "Uh-unga 'ga. 'Lamobang ni-ransack pala ang bahay ni Comm Heidi ng dalawang-beses bago ang Senate BRsubC hearing kahapon, na ayon ke Heidi, eh parang me hinahanap daw na ORIGINAL documentary evidence ang mga culprits-na-BINAYaran? Pero, tiniyak ni Heidi na wala naman daw nakita, kung anomang dokumento ang hinahanap ng mga hinayupak, kasi, hindi naman daw siya nag-uuwi ng mga dokumento sa bahay mula sa kanyang opis, o, 'di ba?"

CION: "Gayunman, eh lalong LUMINAW sa publiko ang super KASIBAAN ng mga BINAYaran sa ginawang pagbubulgar ni Comm Heidi. Aba'y biruin mong more than P60 MILLION pala ang DINAMBONG ni Makati ex-Mayor Elenita Binay na halaga ng hospital equipments mula sa pondong P70 Million ng Makati Gov't? Sukdulan na talaga ang pagkaGAHAMAN sa kayamanan at kapangyarihan ng dinastiyang BINAYaran, SUMPA MAN!!!"

Wednesday, October 1, 2014

HONGKONG, IT'S A TEACHING MOMENT

ANA: "Alam mo bang ang Hong Kong was founded in 1842 by Great Britain as trading station? Ang Hong Kong ay itinuturing na isa sa pinaka-importanteng PUERTO (ports) sa buong Earth, kase, nagsilbi itong (listening post) ng mga Western diplomats hanggang mid-1900s. At kalaunan nga'y nanguna na itong industrial and tourist center sa buong mundo! O, Biruin mo 'yon?"

LISA: "Yes, yes yeow. Palibhasa eh ang Britania ang me kontrol sa Hong Kong bilang colony nito, eh siempre pa, FULL DEMOCRACY ang sistemang umiiral sa buong kolonya. Gayunman, eh merong PASINTABI ang Communist China at nagdeklara noon na ang Hong Kong umano eh parte ng kanilang teritoryo. Subalit hindi na muling humirit pa ang mga Komunista, kase, nag-operate DIN sila ng Communist People's Bank of China, kasabay ng mga malalaking trading companies mula sa Western counties."

CION:"Eh, 'yun na nga marahil ang dahilan kung bakit tila nagdadalawang-isip ngayon ang China KUNG babarasuhin para ibalik ang sistemang komunista sa mga taga-Hong Kong. Halos lahat kasi ng kayamanan, kapangyarihan at transaksiyon ng Communist China sa mundo eh sa Hong Kong ginaganap bilang pangunahing TRADING CENTER sa buong mundo, o, 'di ba?"  

Tuesday, September 30, 2014

8 MILLION SIGNATURES TO URGE PNOY TO SEEK A SECOND TERM

ANA: "Halatang ininda ng mga spinners ni Nognog ang kambal-hagupit laban sa kanila mula sa mga kakampi ni PNoy. UNA, humiling ke PNoy ang grupong MORE2COME na muli itong kumandidato para sa isa pang termino, at secondly, eh nag-call (pumayag) si Sen Trillanes sa hamon sa kanya ng Nognog spinners na sabay sila ni Nognog na magpa-lifestyle check. Biglang kumalma ang alingawngaw ng ingay ng mga BINAYaran! Bakit kaya, ha???"

LISA: "Eh pa'no, lalong lulubog sa kumunoy si Nognog kapag pumatol sa hamon. Kase, nakalkal ni Mareng Winnie ang 38 criminal cases ni Nognog sa iba't-ibang Korte na 'di umuusad sa loob ng 2 dekada dahil sa impluwensiya ng kuwarta? Baka kasi patigilin din ng SC ang Senate BRsubC ang imbestigasyon in AID-OF-LEGISLATION vs VP Jojo, kase, nag-file si Dayunyor ng TRO sa SC porke wala raw jurisdiction ang Senate na gumawa ng imbestigasyon kaya kailangang ILIPAT ito sa Ombudsman? Susmaryopes!"

CION: "'Yan nga MISMO ang dahilan kung bakit ang grupong MORE2COME at si Sen Trillanes eh gumawa ng kani-kanilang aksiyon para HIMUKIN si PNoy na muling kumandidato for one more term para 'di na maka-tsamba pa si Nognog na masungkit ang presidency. Ay, disaster talaga. I love PNoy - tsup, tsup - mwa, mwa! GO, GO, GO!!!"

Monday, September 29, 2014

NOGNOG RATING FALLS, WITH 31% DOWN FROM 41% PULSE ASIA SURVEY

ANA: "Ikaw ba 'ga eh me RELIANCE (tiwala) pang natitira sa puso mo, sa pinakahuling ipinublikang survey na ginawa ng false asia?"

LISA: "Hindi false, kundi pulse (pulso). Sobra mo naman yatang nilalait ang trabaho ng PulseAsia Survey noh! Bumibilis ba kase ang TIBOK ng puso mo dahil bakit 10 percent lang ang nabawas sa nakaraang survey ang malamang na hindi na kuno boboto ke Nognog dahil sa 13% BUKULAN ng infra projects ng Makati?"

CION: "Well, 'lamobang an'daming nanggagatong na ihinto na raw ng Senate-BRsubC ang imbestigasyon laban ke Nognog at hayaang Omb ang duminig sa plunder case vs BINAYaran? Pa'no kase, kung Omb o RTC ang didinig ng kaso, eh tiyak na GAGAPANGIN lang ito ni Nognog para ma-archive ang kaso, o ibasura, o kaya'y i-delay! 'Gaya 'to ng 38 pang dati nang kaso ng pandarambong na nakalkal at ibinulgar ni Mareng Winnie, na ilang dekadang nakaBINBIN daw, at sadyang hindi gumagalaw pabor ke Nognog!!!"

Saturday, September 27, 2014

PALACE WAITING FOR CPNP PURISIMA TO EXPLAIN CORRUPTION ALLEGATIONS AGAINST HIM

ANA: "Talagang FULL BLOWN strategy na mula sa magkabilang panig ng SPINDOCS ang umiiral na MEDIA WAR between BINAYaran vs cheap PNP issues. Kase, sa mabusising pagkalkal (research) ng isang Netizen sa ibaba, eh napagtanto niyang ang grupong Coalition of Filipino Consumers (CFC) eh POLITICAL OPERATOR pala ng mga BINAYaran ng P13 %?"

LISA: "Eh, mukha ngang me katotohanan 'yang BINTANG mo 'ga, kase, verisimilitude (parang-totoo) ang grupong CFC na merong pakana na BATIKUSIN sa Media at maUDYUKAN ang Senado para imbestigahan si Purisima nina onorabol Grace at Chiz na nagkakamal DIN umano ng kayamanan ang CPNP? Pero ano ba talaga ang motibo ng Political Operator, para idamay na MABULID din si PNoy sa kagaguhan ni Purisima? Ay, santisimang malalakeng BUKOL ala Nognog!!!"

CION: "Kung matatandaan mo eh sinabi sa kolum ni Mareng Winnie na bihasa sa GAPANGAN ng mga kaso si Nognog. Biruin mong meron daw siyang 38 criminal cases ng pangungulimbat mula sa kaban-ng-bayan sa Omb at RTC, pero isa man daw sa 38 na kaso eh walang PUMUTOK dahil puro MINTIS (dismissed, archived or delayed)? 'Yon marahil ang tinutumbok ng CFC, ang ipagtanggol ni PNoy ang kagaguhan ng CPNP para bulungang areglohin na lang (pagMINTISin) ng Senado ang kaso vs Purisima, siempre, kasama na rin ang kaso vs Nognog? Hoy mga UROT, meron cal.45 si santisima na pumuputok. Sige, subukan n'yo!"    

Friday, September 26, 2014

THE 'HARASSMENT' OF NOGNOG

ANA: "Bilib talaga ako sa ginawang pagHIMAY ni Mareng Winnie sa mga nakaraang kaso ni Nognog sa Omb no'ng siya'y meyor pa lamang ng Makati circa 90. Kase, pati bakas ng KURIKONG ni Nognog eh na-research ni Mareng Winnie porke talagang eksperto raw pala sa GAPANGAN ng kaso si Nognog sa mga Court of Law, 'lamoba 'yon?"

LISA: "Ay, me tama ka r'yan 'ga. Tingnan mo ha, sa basketball court o kaya'y sa blue-ribbon subKOMITA eh 'di makaporma si Nognog, kase, bukod sa kulang siya sa height kahit magaling siyang magdribol ng bola, eh hindi rin siya makapag-file ng TRO sa Korte para ITIGIL nina Sens Pimentel, Cayetano at Trillanes ang HARASSMENT daw na ginagawa laban sa pamilya BINAYaran. Pinupulitika raw sila?"

CION: "Sabi nga ni Mareng Winnie eh ginagapang dati ni Nognog, bilang kanyang expertise, ang mga naisampang kaso vs Nognog sa Court of Law para walang ARRAIGNMENT na magaganap sa pamamagitan ng TRO, or, kuestionin ang jurisdiction ng Omb o Korte para HUWAG dinggin ang kaso. Ang istilong ito rin (Jurisdictional) ang SINUBUKANG palusot ni Dayunyor sa Senate Blue Ribbon SubCommittee kaya dinala ang Motion sa SC at umaasang UUTUSAN ng SC ang Senado na ititigil nito ang harassment sa mga BINAYaran? Hello, hellooo, hell - - MAGKANO?!!!"  

Thursday, September 25, 2014

VP JOJO SECRETLY OWNS SECURITY, REALTY FIRMS

ANA: "Animo iceberg na ngayon si Nognog at buong pamilya porke unti-unting nalulusaw habang palutang-lutang sa laot matapos mabunyag na siya pala ang nagmamay-ari ng Omni Security Investigation and General Services na nagsusuplay ng mga guardia't janitor sa Makati Gov't. Isiniwalat din ni ex-VM Estong sa hearing ng Senate Blue Ribbon Sub-committee kahapon na ni land grab daw ni Nognog ang halos isang ektaryang sukat ng lote sa loob ng Fort Bonifacio na nagkakahalaga ngayon ng mahigit P1 BILLION!"

LISA: "Ala-bulkang Pinatubo na sumambulat sa Pinoy ang mga lihim na'to ng mga Binay na BIG TIME ang itinayong negosyo na walang-patid sa pagkakamal ng kuwarta. Ayon ke VM Estong eh pinatatakbo ng DUMMIES, sa pangunguna ni Lim Lin Gan, ang mga negosyong ito sa personal na manipulasyon ni Nognog para ITAGO sa publiko at sa BIR ang pandarambong. Ang mga GATASAN na'to ni Nognog eh preparasyon kuno para pondohan ang ambisyon niyang maging panggulo ng Phl sa 2016. Putragiz!"

CION: "Kumbaga sa race car na mismong si Nognog ang nagmamaneho eh SUMALEMPANG ang race car sa kurbada bago ito sumapit sa finish line. Kase, UNA nang BINAKLAS ni Nognog ang brake pedal (ex-VM Estong) ng race car kung kaya 'di nakapag-preno si Nognog pagsapit nito sa kurbada. Humiwalay din ang mga gulong sa harapan ng race car pero 'di na uli maikabit ang gulong dahil nawawala ang mekaniko na si Lim Lin Gan. Nasaan na kaya siya???"

ALL MAKATI BIDDINGS RIGGED

ANA: "Hindi ko na kayang arukin ang dami ng LIBAK na tinatanggap ng mga Binay re bidding-biddingan kuno ng Makati Gov't na nagsilbing IMBUDO ng bilyon-bilyong kayamanan ng pamilya ni VP Jojo, matapos lumantad ang isa pang witnesss at kumanta ng La Paloma sa Senate Blue Ribbon Committee hearing ngayong araw, Sept 25, 'lamoyon?"

LISA: "Uh-unga 'ga. Kagimbal-gimbal din ang pahabol pang EBIDENS ni ex-VM Estong, kase, ipinangalan lahat ni Nognog ang 4 na titulo ng isang ektaryang lupa (landgrabbed property) sa loob ng Fort Bonifacio, Makati bilang DUMMY kina Lim Lin Gan at asawa nitong si Erlinda Chong na nagkakahalaga umano ng P1 BILLION, pero hindi deklarado sa SALN ni Nognog. O, biro mo yon???"

CION: "Parang hindi yata landgrabbed 'yon, kase, mismong si ex-VM Estong, ayon daw sa UTOS sa kanya ni Nognog, ang lumakad sa LRA para maisyuhan ng OCT (original certificate of title) ang naturang property sa presyong P100.00 per square meter at ipinangalan nga sa mag-asawang Tsekwa na dummy ni Nognog. Kinalauna'y ipinabenta raw ni Nognog sa Mormon Church ang isang sukat na 3000 sq.m sa halagang P100,000.00 per sq.m! T'yak daw na hindi alam ito ng BIR, peksman!!!"    

Tuesday, September 23, 2014

BAGMAN LIM LIN GAN OF VP JOJO CANNOT BE FOUND

ANA: "Naku, an'daming ispekulasyong kesyo TIGOK na raw si Lim Lin Gan na unang ibinisto ni ex-VM Estong na isa raw sa tatlong bagmen na TUMATANGGAP ng 13% BUKOL mula sa mga infrastructure projects ng Makati Gov't. Kase, KUNAT be located na raw para sana tumestigo at kumanta ng La Paloma sa Senate Blue Ribbon Komita bukas. Hindi kaya nasa Tsina na 'yun?"

LISA: "Dalawang bagay lang naman 'yan eh. Puedeng nakalabas na nga ng bansa 'yan, o kaya nama'y pinahimlay na forever ni Nognog 'yan para hindi na tuluyang MATUPOK at maabo ang ambisyon niyang maging panggulo ng Phl na ayaw pang ISUKO, samantalang batbat na siya ng BUKOL ala-ketong at unti-unti nang pinandidirihan ng publiko. Aguy, aguy, araguyyy.."

CION:"Dalawang bagay din ang gumigiyagis ngayon sa isipan ni VP Jojo kung saan puede siyang ibagsak ng kapalaran. Kung lilimiin mo kase, no'ha, ang lakas ng fighting spirit ni Nognog na para bagang siya na ang susunod na panggulo ng Phl? Ito'y sa kabila ng isyung 13% BUKOL na lumalagablab laban sa buong pamilya niya. Ang tanong: Sasapat kaya ang 13% bukol na ipambabayad ni Nognog sa mga BOBOtantes na magpapanalo sa kanya? O, susunod siya at ang buong pamilya niya para makapiling sa kulungan sina Tanda, Junggoy at Bobong Revilla???"

Monday, September 22, 2014

FILE CHARGES AGAINST MY CORRUPT ALLIES - PNOY

ANA: "Isang Harvard University student ang nagtanong ke PNoy, (what he would say to his critics that while Mr. Aquino is committed to honesty, some of his allies are not). Walang kagatol-gatol ang sagot ni PNoy - (File charges against my corrupt allies!)"

LISA: "O 'yan, meron nang go signal mula mismo ke PNoy. Puede kayang i-cut out 'yung kolum ni Siydeekew na sinulat niya against Mar Roxas, 'tsaka, 'yun ding kolumn ni Mareng Winnie na sinulat niyang pandarambong vs Nognog at isumite nilang pareho sa Ombudsman for COMPLAINT?"

CION: "Oke, ayon ke PNoy eh KATUNGKULAN ng Omb na imbestigahan kahit unsigned ang complaints para mabusisi at mabuking ng Omb kung sino ang nagpayaman sa mga allies ni PNoy. Si Sec Mar Roxas eh lahing Araneta na me-ari ng Araneta Center, therefore, super yaman ang angkan mula pa 1900s. Samantala, si Nognog, bilang POLITIKO, eh halos kapantay na ngayon ang kayamanan ng mga Araneta mula lamang noong 1986, nang maupo siyang OIC ng Makati. BAKIT? Well, kayang LUTASIN 'yan ng Omb, peksman!!!"

Sunday, September 21, 2014

NO SMOKING GUN - CDQ

ANA: "Nasisikmura pa kaya ni ac/dc Siydeekew ang mga ALIMURA (vituperation) laban sa kanya mula sa netizens na naASAR ng todo sa kanyang pagtatanggol ke Nognog? Kailangan daw kase na ipakita ng Senate Blue Ribbon SubKOMITA kung merong Smoking-Gun (EBIDENS) vs Nognog para 'di sasabihing INUUROT lang ang publiko sa ginagawang investigation nina Sens KokoPim3, AlanCaye at Thriller?"

LISA: "Ay sinabi mo. Pero ikumpara mo ang bagsik ng kolum ni Sir Neal na tumutuligsa sa mga BINAYaran, kumpara sa marubdob na pagtatanggol naman ni Siydeekew sa dinastiya ni Nognog. Kase, umano'y HEARSAY lang lahat-lahat ang mga paratang ke Nognog sa Senado. UNA, hindi raw totoo, sabi ni Siydeekew, na P1000 ang price ng cake ni Nang Si, kundi P300 lang daw para gift kada Makati senior citizen na mag-bbday. Ambabaw mo naman, T'song!!!"

CION: "O, heto ang himay-himayin mo sa isipan mo, hane? Bukod-tanging si Siydeekew na laang ang mag-ISANG marubdob na tanga-pagtanggol na kulamnista na sumasagpang ng ac/dc mula ke Nognog. Lumalagablab ang pambabatikos niya noon sa kanyang kolum sa pandarambong vs Marcos-Imelda DUO, 'tsaka vs Glo, Mike at Mikey TRIO. Samantala, ala-Gilas basketball team naman niyang ipinagtatanggol ang BINAY dynasty - Nognog, Dra, Nang Si, Abi Bulate at Dayunyor! O, saan ka pa???"  

Friday, September 19, 2014

NO INTERPELLATION AFTER SPEECH

ANA: "Eh bakit tumangging sumagot sa MAGTATANONG (interpellate) sanang mediamen ke Nognog sa ipinatawag nitong presscon sa PICC no'ng Huebes, ha? Umiiwas ba siyang matanong after siyang mag-SPITS na tila ba nangangampanya sa harap ng kaHAKOT-HAKOT na ghost employees ng Makati Gov't na patuloy daw sumasahod ng 15-30, ayon sa pambubuko ni ex-VM Estong Mercado vs Nognog?"

LISA: "Siempre, kontrolado ni Spookman Remilla ang mga inimbitang ac/dc media pipol para paliguan ng deodorant si Nognog, sa halip na tanungin siya tungkol sa pinayaring P2.7 Makati Parking Building na kasing halaga rin daw ng Mitra Building ng House of ReprentaTHIEVES 'tsaka ng Drilon's Iloilo Convention Center, ayon pa ke Nognog. Pero sigurado akong HINDI imbitado ni Spookman Remilla sina Mareng Winnie at Nail Krus. Marahil eh inimbita rin si Siydeekew pero hindi sumipot dahil NAHIHIYA! Bakit kaya?"

CION: "Suko na si Siydeekew para matanggal niya ang kapal ng KULAPOL ng APOG sa nangingitim nang mukha at gilagid ng dinastiyang BINAYaran. Hanggang ngayo'y ayaw pang paawat at patuloy na dinidribol ang mga nasa class C, D & E na tinaguriang mga BOBOtantes. Tinataya kasing 80% ang bilang ng mga 'to sa buong Phl eh magsisilbing magpapanalo ke Nognog para maging panggulo ng Phl? Hay, juice koh pooo, 'WAG poh!!!    

Thursday, September 18, 2014

CASH TO CASH BASIS ONLY

ANA: "Sa kanyang talumpati ng pangangampanya kahapon sa PICC, sinabi ni Nognog na wala raw EBIDENS ang bintang sa CONTINUOUS na pandarambong ng multi-billion vs kanyang pamilya mula sa kaban-ng-Malati ng kanyang dating corrupt na mga tauhan na sina Mkt ex-VM Estong Mercado, ex-GS chief Hechanova at kasama si Lawyer Bondal na kalaban sa politika ni Nognog."

LISA: "Nagbunyi, naglundagan at nagpalakpakan ang mga kaHAKOT-HAKOT na pawang mga ghost employees kuno ng Makati, habang pinakikinggan ang presidential SPITS ni Nognog. Ikinumpara kase ni Nognog ang presyo ng pinayari niyang parking building eh kapareho rin ng presyo ng mga NIYARING istruktura ng gov't, 'gaya ng Mitra Building sa Batasan o nang Iloilo Center ni Sen Drilon. Iisang kontratista ang YUMARI sa naturang mga proyekto na kilalang kilabot na nagpapaAMBON ng 13% BUKOL sa pulpolitikong 'gaya ni Nognog, 'di ba?"

CION: "Alam mo bang kitang-kita ang pagkaSALAWAHAN (pabago-bago) nang disposition ngayon ni Nognog para lang makaiwas na hindi siya ma-interview ng iba't-ibang grupo ng media? Pagkatapos kase ng kanyang makabagbag-damdaming SPITS sa PICC, aba'y ayaw magpa-INTERPELLATE? Baket ha, koyang? Hindi ka rin ba sisipot sa Senado sa darating na Huebes? Eh, 'di bale na lang, basta OMB na lang ang bahala sa'yo. Sabi nga ng mga Ilocano - SALAWASAW KA MET!!!"    

Wednesday, September 17, 2014

IS VP JOJO AMBIVALENT?

ANA: "Ako, ako alam ko ang meaning sa word na AMBIVALENCE. It means coexistence of contradictory feelings about a particular person, 'gaya ni Nognog. Iniisip ko, siya ba eh isang kagalang-galang na politician o kagulang-gulang na mambuBUKOL, hhmmm???"

LISA: "Me tama ka 'ga, malake talaga. Parang ganun din kasi ang iniisip ko eh. Para sa'ken kase, kaya patuloy na nagpapaDUDING na muling tatakbo si PNoy for prez sa 2016 eh para SAGKAAN ang plano ni Nognog na maging panggulo ng Phl. Ako'y ayokong magkaroon ng BUKOL kung kaya ayokong maging panggulo si Nognog noh? Ke PNoy na lang ulit ako para KIKInis lalo ang balat ko, peksman!"

CION: "O, sige na, KIKInis ka r'yan. 'Lamobang kung pumayag lang sana noon si Prez Cory na ma re-elect siya, sana'y hindi naging panggulo ng Phl sina TABAKO, ERAP at si Ate GLUE na pawang nangulimbat sa kaban-ng-bayan ala-Marcoses? Ang problemang 'to ang pilit na binibigyan ng SOLUSYON ni PNoy upang SAGKAAN si Nognog na siyang susunod na panggulo at magpatupad ng BUKOL 'gaya nina Tabako, Erap at Ate Glue, o, 'di ba?"

Tuesday, September 16, 2014

THERE'S STILL TIME FOR CHA-CHA - PNOY

ANA: "Talaga namang ala-Mayon Volcano eruption ang topic na pinagdedebatehan ngayon ng pro n con bloggers re sa PATUTSADA ni PNoy sa mga BINAYaran - there's still time for Charter Change - habang ang Pangulo eh nasa Belgium. Ito'y KUNG gugustohin daw niyang magkaroon ng FRESH MANDATE para ituloy mismo niya ang kanyang nasimulang TUWID-NA-DAAN para sa Phl. O, anong say mo?"

LISA: "Uh-unga 'ga. Madali naman daw, sabi pa ni PNoy, na amyendahan ang Consti KUNG kinakailangan, para HINDI ma-violate ang consti, KUNG sakaling muli siyang kakandidatong pangulo vs VP Jojo na hanggang sa ngayon eh AYAW MAGPAAWAT sa ambisyong maging panggulo ng Phl. Hindi inaalintana ni Nognog ang mga ikinukulapol vs buong pamilya niya na yumaman DAW dahil sa 13% BUKOL. Talagang nakakahiya sila, 'di ba?"

CION: "Ewan ko kung napansin mo rin, no'ha? Mukha kasing nag lie-low si Nognog sa halip na ituloy ang kanya sanang presidential SPIT para pasinungalingan ang bintang kuno ng senado sa kanyang pinupulitika lang siya upang BUMABA ang kanyang rating sa survey ng FALSE Asia. Pero nag lie-low na rin pala ang peborit na ac/dc ni Nognog, si Siydeekew, porke hindi na POE si Nognog ang mahal niya kundi si Gracia? Epekto siguro 'to ng palipad-lobo ni PNoy na muli siyang hihirit ng fresh mandate mula sa Pinoy. Getz mo?"

Monday, September 15, 2014

DETAILED ALLEGATION OF CORRUPTION

ANA: "Oy 'ga, 'lamobang parang larong chess ang nilalaro ngayon ng kampo ni Nognog para maiSALBA ang kanyang tiyak na pagsadlak sa KULUNGAN sa halip na maging panggulo ng bansang Phl? Kase, dahil sa detalyadong mga alegasyon ng pandarambong sa kaban-ng-Makati vs dinastiyang Binay, eh nakatitig ngayon si Nognog sa kanyang chessboard para isulong ang kanyang huling move - STALEMATE!!!"

LISA: "Stalemate? Hindi puede 'yan, kase, TABLA ang ibig sabihin n'yan eh. Dapat ke Nognog, kasama ang kanyang buong dinastiya, eh i-CHECKMATE ng Senate Blue Ribbon subKOMITA ni SenPim3! Para maobliga ang senado na i-forward sa Ombudsman ang kaso upang makita ng buong sambayanan na makuKULONG din si VP Jojo. 'Yan eh kung ipa-FILE DIN ng OMB ang kaso vs Nognog sa SB, o, 'di ba?"

CION: "Nakana mo 'day, ang galeng-galeng mong mag-isip. Genius ka talaga, peksman. Ang akala kase ni Nognog eh IMPERVIOUS ('di tinatablan) nang batas-ng-Phl ang 3 dekadang pandarambong na ginawa ng kanyang dinastiya sa Makati. Hindi niya MAIKAKAILA ang (detailed allegation of corruption) mula mismo sa underlings nito na sina Makati ex-VM Mercado, Atty Bondal at procurement officer Hechanova. Kitam?"

Sunday, September 14, 2014

HOW CAN PNOY ENDORSE JOJO ACCUSED OF BIG-TIME CORRUPTION?

ANA: "Sa totoo lang noh, indorso ni PNoy ang inaasam ni Nognog para plantsado na SANA ang ambisyong susunod siyang panggulo ng Phl. Pero nangulimlim ang inaasam na indorso ni PNoy pabor ke Nognog, kase, dinobol-kros ni Nognog ang loyal nitong bagman, Mkt ex-VM Mercado, kaya ibinulgar sa PUBLIC ang regular delivery ke Nognog ng 13% BUKOL mula sa mga contractors, partikular ang pinaYARIng P2.7-B world class na parking building. Biro mo 'yon?"

LISA: "Hindi biro-biro ang 13% bukol noh? Taxpayers' money 'yan eh! Hindi sana mabibisto ang BUKOL ni Nognog kung naging loyal din siya sa kanyang bagman. Ang dinaranas na indulto ngayon ni Nognog eh nangyari na ke Gangster boss Al Capone ng ibulgar din siya sa FBI ng sariling bagman na dinobol-kros nito dahil din sa bukulan. Si Al Capone ang siyang me kontrol ng halos lahat ng illegal operations sa Chicago, USA no'ng 1920's. Convicted ng federal jury si Capone dahil sa income tax evation."

CION: "Hindi ba dahil sa BUKULAN din kaya kumanta ng La Paloma ang bagman na si Benhur Luy vs bigboss nitong si Janet Lim-Napoles kung kaya NAKALKAL ng OMB ang modus-operandi nila? Nakontrol ng todo-todo ni Janet ang PDAF ng mga onorable sa dalawang TONGreso at TUMABO ng milyon-milyon kumisyon hanggang sa nabisto nitong dinodobol-kros daw pala siya ni Benhur. So, meron patern ang kaso vs Nognog - 'kung mang-AAWAY ka ng 'yong bagman, siguradong KULONG KA!!!"

Saturday, September 13, 2014

ENDLESS SPECULATION

ANA: "Masigasig talaga ang mga spinners laban sa mga paduding ni PNoy na siya eh SLIGHTLY OPEN of extending his term of office beyond 2016. Pero alam naman ng publiko na ito'y isa lamang ploy to avoid PNoy becoming a lame duck (ineffectual) president habang papalapit ang pagtatapos ng kanyang termino sa June 30, 2016, 'di ba?"

LISA: "Uh-unga 'ga. Mistula kasing mga natubigang palaka ang mga BINAYarang spin docs na tumatanggap, certainly, ng makakapal na sobre para mag-post ng sari-saring SATIRE (pang-uuyam) against PNoy upang HADLANGAN siyang tototohanin ang kanyang paDUDA na muli siyang kakandidatong presidente para ipagpatuloy ang project: tuwid-na-daan."

CION: "Bukod kase ke VP Jojo, eh an'dami nang pinalulutang na pangalan para papalit ke PNoy, 'gaya ni Brenda na nagdeklarang tatakbo at sina Sen Poe at Rep Robredo na kapwa rin ibinubuyo. Pero sa aking analisasyon, wala pang naging presidente ng Phl maliban ke PNoy, ang nakapagpatalsik ng CJ (Rene Crown), nakapagpakulong sa ex-panggulo (Ate Glo) 'tsaka nakapagpakulong din sa 3 senaTONG (Tanda, Junggoy at Bobong Revilla). Madilim ang pag-asa ni Nognog na maging panggulo, kase nabistong mahilig siya sa 13% na BUKOL!"  

Friday, September 12, 2014

I HOPE IT'S NOT ME - PNOY

ANA: "Batay sa Rules of Order ng bawat Congress or Parliament o Lupon (Committee) sa ilalim ng isang demokratikong bansa 'gaya ng Phl, kung MAGPAPATAWAG ng meeting o pagtitipon ang Komite o Samahan, 'gaya nga ng isinagawang pagtitipon kahapon sa Malacanang, lahat sila'y bound together NOT by personalities but by principles! O, 'di ba?"

LISA: "Yes, yes yeow. Kaya nga ang bawat dumalong kasapi ng samahan eh pinadalhan ng invitation kalakip ang ASD (Agenda Setting Dialogue). Pero si VP Jojo eh maliwanag na HINDI KASAPI sa nasabing samahan dahil hindi siya inimbitang dumalo. Kaya naman an'daming AGOG (excited) na spinners ni Nognog at naglulubid, as per agenda, eh gusto lamang daw ni PNoy na manatili bilang Pangulo beyond 2016?"

CION: "Isang Latin word ang salitang AGENDA which means things to be done. Niliwanag ni PNoy sa naturang meeting ang paghahanda ng kanyang grupo re: kung SINO ang posibleng papalit sa kanya bilang Pangulo sa 2016. I HOPE IT'S NOT ME - ang paglilinaw pa niya, at maliwanag na narinig ito ni Cong Abi Binay na anak ni VP Jojo na naroro'n din sa meeting. Pero as usual, maingay talaga ang mga BINAYaran at gagong spin docs vs PNoy. Hrrmmpt!!!"

Thursday, September 11, 2014

ANG NINONG KO, SINASAPIAN - NANCY

ANA: Ang saya-saya talaga nang on-going na TAMPULAN ng parunggit mula sa netizens vs Binays. Kase, halatang hindi na ma-parry ni Nang Si ang pasabog ng kanyang Ninong, Mkt ex-VM Estong Mercado, sa Senate Blue Ribbon subKomita kahapon. Porke, inilarawan ni Bise Estong sa pamamagitan ng 3-bags kung saan nito inilalagay ang DATUNG for delivery twice-a-week kina Jun Jun Binay, Ebeng at Gerry Limlingan."

LISA: "Me tama ka r'yan 'day, sumpaman. Kasi, 'yung 3 bag ng datung para ke Jun Jun eh pang-family daw, 'yung para ke Ebeng eh pang-personal naman ni VP Nognog at 'yung ke Gerry Limlingan eh pang-campaign fund kuno, sabi ni Bise Estong. Ito ang kanyang regular na KALAKARAN (routine), ayon ke Bise Estong, bukod sa official function nitong presiding officer ng Makati City Council. O, getz mo?"

CION: "Yes, yes yeow. Pero no'ng matalo si Bise Estong ni Edu Manzano as Makati vice mayor 'tsaka si Dra Binay na ang humaliling Makati mayor, eh si Estong pa rin ang nagde-deliver ng kaperahan sa pamilya Binay at si Nang Si MISMO ang tumatanggap ng BAG, ayon pa ke Estong. Pero, sinita ni Dra si Estong kung bakit laging kulang ang datung. So, sinabi ni Estong ke Dra na malamang na KINUKUPIT daw ni Nang Si dahil siya naman (Nang Si) ang tumatanggap ng bag-ng-datung. So, posible kayang nagkaBUKULAN at nagkaSABUNUTAN ang mag-ina? Buti nga."      

Monday, September 8, 2014

IMPEACHMENT OF BINAY BEST MOVE?

ANA: O, hayan na, meron nang nagpapalutang sa ere na maIMPITS na laang si Nognog sa halip na ituloy ang ginagawang tahimik na imbestigasyon ng OMB vs Sr & Jr Binays. Kung ang tubig kase sa ilog eh banayad at TAHIMIK ang agos, ito'y MALALIM. Pero kung ang ilog eh maingay at rumaragasa ang agos, itoy MABABAW, o, 'di ba?"

LISA: "Bakit, magiging maingay ba kase ang TONGgresmen na parang natubigang PALAKA kapag merong impeachment proceeding vs BINAYarang parking building? Dahil kaya sa mas malake ang matatanggap nilang x-mas gift KUNG BOBOto bawat dePUTAdo ng INSUFFICIENCY of form and substance para KITLIN ang IMPITSMEN vs Nognog? Hay, uso na naman ang AC/DC."

CION: "Me tama ka r'yan 'day. Kase, ayon ke dePUTAdo Salsalda, eh mas sasarap pa raw ang cake ni Nang Si kung merong tao na magsasampa sa mababang TONGreso ng IMPITSMEN complaint vs sa kanyang erpat. Siempre, merong PABUYA ang bawat TONGresman na BOBOto para KITLIN ang impeachment complaint. Therefore, MOOT and ACADEMIC (ibabasura) na ang naturang kaso under investigation sa OMB. So, luLUSOT na naman si Nognog? Nakanang ina talaga, hhuuu!!!"    

Sunday, September 7, 2014

MORE WITNESSES COMING OUT VOLUNTEERING TO SPEAK OUT - TRILLANES

ANA: "Naku, nakakata-CUTE namang isipin na para bagang isang bulilyong king pin si VP Jojo na sinisipat-sipat ni onorabol Trillanes para rapukin ng kanyang bowling ball - krakkkarakk kunana. STRIKE!!!"

LISA: "Yes, yes yeow. Wa epek 'yung media blitz ni Nognog re kaTANDEM daw niya si Money Pangilinan para ILIHIS ang isyu ng pinayari niyang world-class parking building na ayaw tantanang KALKALIN ng Blue Ribbon KOMITA ni KokoPim3. Kitang-kita na talaga ang EBIDENS, o, 'di ba?"

CION: "Madali nang makompleto ang jigsaw puzzle kapag natapos na ang imbestigasyon re SAAN galing ang ipinambili ng mga lupain sa Bicol ni Engr Nelson Morales bago siya pinayari ala world-class building ni Nognog? STRIKE!!!"  

Saturday, September 6, 2014

RIGGING THE BIDDING

ANA: "Hindi ba parang LUMAGABLAB pang lalo ang usapin re overpriced parking building na pinayari ni Nognog sa Makati nang pinasawsaw niya bilang TANGApagsalita niya si Spookman Remilla vice Tutubi Tiyangko? Kase, lubhang naging VOCIFEROUS (matabil) si Spookman Remilla porke GINATUNGAN pa nitong maige ang isyu ng pandarambong ng P2 BILLION na kagagawan daw ng dating 3 muskitero ni Nognog?"

LISA; "Ah wala, palusot lang 'yan! Ito ang i-analyse mo ha? UNA, inamin ni Mkt Procurement Officer Mario Hechanova sa Blue Ribbon subKOMITA ni KokoPim, na hinahatiran DAW siya noon ni City Engr Nelson Morales, ng P200,000 monthly BUKOL para papanalunin sa bidding ang YAYARI na parking building na Hell Mark! Kinumpirma naman ang LAGAYANG ito ni ex-Vice Mayor Estong Mercado at sinabi pang UTOS daw ito ni meyor Nognog! O, ha?"

CION: "Ang anggulong 'yan ngayon ang ipinagGIGIITAN ni Spookman Remilla at sumusumpa umano si Nognog sa katotohanan ng naturang anggulo. So, gulong-gulo nang totoo ang isip ni Nognog, 'di ba? Kase nga'y (pina)PATAY na raw ang most trusted niyang tauhan na si Engr Nelson, kasi, ipinamBILI raw ni Engr ng mga LUPAIN sa Bicol ang kaperahang galing sa BUKOL na sana'y gagamitin ni Nognog para sa ambisyon niyang kumandidato at manalong Panggulo ng Phl??? IpagADYA mo po kami, juice koh!!!"