Sunday, October 5, 2014

HK PRO-DEMOCRACY PROTESTERS: IT'S GOING TO BE A LONG FIGHT

ANA: "Sa mainland China, nagkaroon ng civil war sa pagitan ng Chinese Communists at NAAGAW ng mga komunista ang Nationalist Gov't ni President Chiang Kai-shek noong 1949. Samantala, no'ng mga panahon ding 'yon, ang Hong Kong eh sakop naman ng British crown colony mula pa no'ng 1842, kung kaila'y ginawang TRADING STATION ng Britanya ang Hong Kong at pinakikinabangan, hanggang sa ngayon, ng mga bansa sa buong mundo sa larangan ng komersiyo."

LISA: "Bilib ako sa research mo 'ga, kapani-paniwala talaga. Pero, idagdag ko lang na hindi TINALIKDAN noon ni Chiang Kai-shek ang kanyang Nationalist Gov't, bagkos eh INILIPAT lang ang Gov't no'ng Dec 8, 1949 mula mainland, sa probinsiya ng Taiwan. Palibhasa nga'y Nationalist Gov't base sa kanilang 1946 Constitution ang ipinairal ni Generalissimo Chiang sa probinsiya ng Taiwan, kaya't kalauna'y kinilala ng USA bilang isang demokratikong BANSA ang Taiwan, HIWALAY sa gobiernong mainland China na isang komunista. O, getz mo?"

CION: "Ang Hong Kong eh itinuturing na probinsiya ng mainland China. Pero bago i-turn over ng Great Britain ang Hong Kong sa communist China no'ng 1997, eh merong BILIN ang UK na MANANATILING DEMOCRACY ang iiral sa Hong Kong, sa pamamagitan ng One Country - Two systems policy. Ibig sabihin, demokratikong gobyerno ang iiral sa Hong Kong at hindi komunismo na gustong ISUBO ngayon ng mainland sa Hong Kong province. Kapag nagkataon, magiging INDEPENDENT ang Hong Kong like Taiwan??? PEOPLE POWER na!!!"

No comments:

Post a Comment