ANA: "Matinding DILEMMA ang pinagdaraanan ngayon ni Nognog, kase, merong nagpapayo sa kanyang UMURONG na lamang sa ambisyon nitong maging panggulo ng Phl dahil basang-basa na sa mga bobotante ang papel niya. Pero, umaangil sa pagtanggi ang mga SUKAB at bayarang spookymen ni Nognog, at binubuyo nilang ituloy ang laban nito, GAIN ALL OR LOSE ALL! Mantakin mo 'yon?"
LISA: "Eh kase nga, ang apektado sa pag-urong halimbawa ni Nognog sa hangarin nitong kumandidato at MANALO bilang panggulo, eh 'yung sangkaterba nitong mga SPIN DOCTORS, porke mapuputol na ang milyon-milyong DATUNG na tinatanggap nila para LABUSAWIN ang isyung 13% at JCB Farm laban ke Nognog! O, 'di ba?"
CION: "Do or die na talaga ang pakiramdam ni Nognog. Kung uurong kasi siyang kumandidato for prez habang kasalukuyang umaalingawngaw sa buong sambayanan ang pandarambong ng dinastiyang BINAYaran sa Makati sa nakalipas na 3 dekada, eh t'yak na makukulong SILANG MAG-ANAK. Bukod pa ito sa MAIILIT din ang kayamanang dinambong nila. Samantala, kung itutuloy niya ang kanyang kandidatura at malustay man hanggang masaid ang kayamanang dinambong, eh baka manalo? Ay susmaryopes kang talaga, Nognog ka!!!"
No comments:
Post a Comment