ANA: "Hindi maikakailang tusong abogado si Nognog, peksman. Biruin mong 2010 pa pala, no'ng kapapanalo pa lang niya bilang vice president, eh kagyat nitong IPINANGALAN ang pagmamay-ari ng kanyang hacienda sa mga dummies. Kase, lumalabas sa records ng Municipal Assessor ng Rosario, noong 2010 pa pala ginawa ang huling deklarasyon ng real property tax ni Nognog sa nasabing 350 hectares JCB Farms?"
LISA: "Ah, wala! 'Di makalulusot 'yang EBIDENS na 'yan ni Nognog. Kumbaga kase sa larong chess, tatlong sulong na laang at siguradong CHECKMATE (kalaboso) na si Nognog. Parang nabi-visualize ko no'ha, bilang remedy para SAGIPIN sa CALABOOSE si Nognog ng kanyang mga lieyers na pulos kuno de kalembang, eh mag-iisip ng move para STALEMATE (dayain) ang laban? Putragiz, walang ganyanan!!!"
CION: "Well, 'lamobang nag-empleo ng isang matandang babae (67 years old) na orchid cutter si Dra Elenita? Last month (September) eh nag-resign na siya after 14 years na empleado at sueldong P4,000 a month ng JCB Farms. Ang orchid cutter eh pinilit umano ng kanyang anak na mabuting magpahinga na lang sa kanilang bahay kesa ituring na YOKEL at BUSABOS ng todo KURIPOT na amo, feeling magiging first lady? KASUMPA-SUMPANG DINASTIYA, HHUUU!!!"
No comments:
Post a Comment