ANA: "Saklot sa pangamba ang de-kalembang na lieyers ni Nognog, kase, hindi na nila kayang masagot ng deretso sa publiko ang iniladlad na HARD EVIDENCE ni Estong sa Senate BRsubC re kabuuang P4 BILLION BUKOL (kickbacks) na tinanggap umano ni Nognog habang meyor siya ng Makati, mula sa kontratistang HillMarks? Pero bare allegations (TSISMIS) lang daw naman ito, ang sabi ni spookman Joy Sanggano! Susmaryopes!!!"
LISA: "Uh-unga 'ga. Kung tatagalugin mo, HUBAD-SA-KATOTOHANAN (bare allegations) daw ang mga EBIDENS na inilahad ni ex-VM Estong sa Senate hearing(s) na kinober ng TRI-MEDIA, bukod pa sa INTERNET worldwide, 'gaya ng world class at green parking building na BINAYaran ng P2.7 BILLION, samantalang humigit-kumulang sa P500 million lamang daw pala ang halaga ng parking building, ayon naman sa kuwenta ng COA, o, 'di ba?"
CION: "Oke, regarding sa 350 hectares (farm) hacienda JCB sa Rosario, Batangas, 'yung mga trabahador pala ro'n eh nabunyag na sila pala 'yung mga ghost employees na pinasusueldo kada buwan ng Makati Gov't 'tsaka ginuguwardiyahan din ng Omni Security Agency na pag-aari naman ni Lim Lin Gan na certified dummy (IMBUDO) ni Nognog? So, pa'no ngayon ITATANGGI ng mga lieyers ni Nognog ang mga BUKULANG ito with CONCRETE ebidens? Sige nga, subukan n'yo!!!"
No comments:
Post a Comment