Thursday, August 31, 2017

"KOMITE DE ABSUWELTO"

Dahil sa AKUSA ni Sen Trillanes vs Sen DickHEAD (burat) na naga-abogado raw para sa magbayaw na Pulong at Manases Carpio, waswit ni meyor Sara, eh NAPIKON si DickHEAD at nagbantang ipaghaharap ng ETHICS COMPLAINT si Trillanes sa blue ribbon committee, sa ilalim mismo ng chairmanship ni DickHEAD, see?
Kagyat na DUMAGUNDONG sa loob ng session hall at naghalo-ang-balat-sa-tinalupan, 'eka nga, porke si Trillanes 'tsaka DickHEAD kasama si TitoSen got into an 'UNPARLIAMENTARY' argument during the 6th hearing on the P6.4-B shabu shipment smuggled from TSAYNA, dahil protector din DAW ba ng drugs si DickHEAD 'gaya ni Digong???
Eh kasi, nag-MOTION si Trillanes na IMBITAHIN sa susunod na senate hearing ang magbayaw na Pulong at Mans dahilan para maburyong ang ulo ni DickHEAD (baka magka-BUKINGAN) kaya't binulyawan si Trillanes ng - "OUT-OF-ORDER, session suspended" - 'tsaka inihambalos ang mallet - PAK KUNANA!!!
Awtomatikong OFF THE RECORD ang proceeding after ipukpok ni DickHEAD ang gavel, pero hindi automatic shut off ang microphone kaya naman DINIG sa buong mundo ang sinabi ni Trillanes - 'KOMITE DE ABSUWELTO' - raw ang blue ribbon committee sa ilalim ng chairmanship ni DickHEAD, so ang resulta AWAY-AWAY na sa floor. O kanino kayo kampi???

Tuesday, August 29, 2017

TOKHANG-FOR-RANSOM

Alam kaya ni PAO cheap Persida Acosta ang ibig sabihin sa Tagalog ng English word na NEGLIGIBLE (walang-epekto)?
Naibulalas kase ni Acosta sa harap ng media no'ng araw ng libing ni Kian delos Santos na ang pagTOKHANG ng pulis ke Kian eh NEGLIGIBLE kuno, ibig sabihin, WALANG EPEKTO?
Ang negosyanteng si Rommel dela Cruz at asawa, taga-Laguna province, has filed a kidnapping complaint against 5 Santa Rosa, Laguna, police officers, who threatened TO MAKE IT APPEAR that they were killed (TOKHANG) after RESISTING ARREST in drug operation, kung hindi sila magbibigay ng P1-M SUHOL sa mga pulis.
Kinilala ng mag-asawa ang mga IPISyal ng pulis, sina: PO1 Glecerio Cruzen, PO1 Clayson Benabese, PO2 John Alicbusan, PO3 Troyluss Ambrocius Yideso at PO3 Warren Ryan Carpena.
Matapos mag-withdraw sa kanyang ATM ang wife ng P215,000 at ibigay ang cash sa mga pulis eh saka pa lang pinakawalan ang mag-asawa at nagbilin ang mga pulis to pay the remaining of P1-M in their next meeting.
Is this NEGLIGIBLE, PAO cheap Acosta? Para mong sinabi na SINUNGALING TALAGA ang amo mong si Digong - "I WILL SPARE NO ONE EVEN MY SON," o hah!!!

- credit to the owner -

Sunday, August 27, 2017

WHO IS THE CULPRIT?

Nahihirapang IBALING ng Malakanyang ang sari-saring isyu para matakpan ang pinakamalaking isyu ng SMUGGLING (P6.4 B shabu shipment) ni Pulong mula TSAYNA na pinalulusot sa BoC ni Faeldon at personal na GUMIGIYAGIS ke Digong porke MARUBDOB itong hinihimay sa Senado nina Sens Trillanes at Pink.
Dahil sa naturang isyu ng shabu shipment ni Pulong eh SINIBAK bilang BoC comm ni Digong si Faeldon pero Digong continues to say that he believe and have confidence in Faeldon, at bilang ganti eh IDINAWIT ni Faeldon si Pampi Lacson Jr na anak ni Sen Pink na kasama rin daw ni Pulong bilang SMUGGLER ng semento!
Ang tanong ngayon eh who would benefit if something happens to Faeldon (DEAD), na me hawak ng mga documents na totoong si Pulong nga ang mastermind, para MAITABOY nang tuluyan ang masamang ihip ng hangin na yumuyugyog ke Digong?
'Tsaka sino sa akala n'yo ang PAGBIBINTANGAN, si Trillanes and/or Lacson o mismong si Digong? - PILI NA!!!

Saturday, August 26, 2017

QUIT OR FIGHT?

KUNDI dahil sa ginawang iskandalo ng FLIRT na asawang si Patricia sanhi ng SULSOL ni BBM, si Comelec chair Andres Bautista seemed destined for a bright future in the govenment pero NABULILYASO at nanganganib ma-IMPEACH dahil sa KAGAHAMAN sa yaman ng asawang si Patricia.
Andres had a clear path to follow the footsteps of former Comelec chair Hilario Davide Jr who was later appointed to the SC and became its CJ at naging senador din siya, o 'di ba?
Ayon sa isang troll ni BBM - 'How could Andy manage the Filipino nation when he cannot even manage his wife and the mother of their children'?
Oke, pagmasdan natin ang PHL ngayon kumpara sa nakaraang administrasyon - THAT ANSWERS THE QUESTION IF A PERSON, LIKE DIGONG, CANNOT MANAGE HIS OWN SON PULONG!!!

Thursday, August 24, 2017

TROOPS RECAPTURE MOSQUE, DIGONG REVISITS MARAWI

"I need to be with you to show my solidarity" ang PAUTOT ni Digong sa mga soldados kahapon, August 24, 2017, habang mahigpit siyang binabantayan ng mga top commanders sa pangunguna ni AFP CoS Gen Eduardo Ano and stayed there for about 2 hrs.
Parang itinataon ang pagbisitang ito sa Marawi ni Digong para MAIBALING ang atensiyon ng publiko sa nagbabagang isyu ng DRUG SMUGGLING ni Pulong at ang a la Ninoy Aquino na kasong pagpatay (MURDER) ng pulis sa 17 taon gulang na grade 12 students, Kian delos Santos, o hah!!!
Pero bakit hindi ipinaliwanag sa news kung pa'no nakatakas ang mga Maute snipers mula sa recaptured na moske?
We are talking about BOMB PROOF DRUG RUNNING TUNNELS the militants used to overtake Marawi porke ILLEGAL DRUGS din noon ang major problem sa Marawi bago ang gera, see?
Who dug those secret tunnels? who paid for them???

Wednesday, August 23, 2017

"PROVE IT AND I'LL RESIGN" - DIGONG
Asus, itong si Digong talaga eh mas madalas pang magsalita ng PATAPOS kesa magpalit ng kanyang brief, pero kalahati na lang sa kanyang 16 M bobotantes ang naniniwala sa kanya re Pulong's alleged shady BoC deals, peksman!
Eh kasi right from Digong's mouth the truth finally came out - "Palaging nasa pantalan 'yan (Pulong) tumutulong sa in-laws niya. Kung 'yung jars, ukay-ukay, 'yung PINALULUSOT ng in-laws niya, if that is SMUGGLING, then give me an accounting, and I'll RESIGN," - ANG TAGAL NAMAN!!!

Pa'no ma-account 'yan kung ang mismong Julia Vargas BPI account ni Digong ayaw buksan, sinungaling ka talaga Digong, walang duda.

- credit to the owner - 

"HOLY MACKEREL !!!"

Si BoC commissioner Nick Faeldon eh niregaluhan pala ni Digong ng P100 Million bilang PASALUBONG o KOMISYON nang siya'y pormal na italaga bilang commissioner ng Customs last year, ayon sa privilege SPIT sa Senado ni Sen Pink, o hah!
"Loud whispers in 4 corners of the BoC compound tell of a P100 million PASALUBONG for the newly installed commissioner" - ayon sa pagbu-BULGAR ni Sen Pink - eh sure-na-sure kaming kokontrahin ito nina SP Cuckoo at Sen DickHEAD (burat) porke ikakatwirang tsismis lang ito ni Pink.
"Holy mackerel, welcome pa lang may kita na! It is an outright cash incentive, Mr President!" - ang GIIT pa ni Sen Pink sa kanyang speech.
Kung meron mang lumulutang ngayong PADEM, ano kaya ang IMPLUWENSIYA ni Sen Pink sa organisasyong ito sa loob ng AFP at PNP vs Digong? Coup d'etat???
- credit to the owner -

Monday, August 21, 2017

DIGONG APPOINTS LAPENA TO REPLACE FAELDON AT BOC

Buking na kase ng madlang-pipol na si Nick Faeldon pala eh ginawa lang na ASO-ASO (subservient) ni Digong bilang Bureau of Customs commissioner upang magsagawa ng mga PALUSOT papasok sa bansa ng tone-toneladang drug shipments mula TSAYNA, see?
Matatandaang meron nang deliveries ng shabu simula June 2016 kahit 'di pa opisyal na nakakaupo bilang panggulo si Digong, nasundan no'ng Jan 2017, March 2017 at ang huli'y no'ng May 23, 2017 kung saa'y nabunyag nga ang drug shipments valued at over P22 BILLION (kasama na ang P6.4 shabu nasakote ng BoC) now distributed among drug lords controlled by Pulong, ayon ke Mark Taguba.
Pilit na pinagtatakpan ng Malakanyang ang kasong ito ng drug shipments ni Pulong sa pamamagitan ng TOKHANG laban sa 81 biktima sa loob lamang ng 72 hours, kabilang si Kian Loyd delos Santos, pero lalong nagkaHETOT-HETOT ang magulo nang gobyerno ni Digong. HIMAGSIKAN!!!

Saturday, August 19, 2017

"ISOLATED CASE"

Natutulirong magTAGNI-TAGNI ng PALUSOT 'tong si spookman Aberya porke hindi ito ang magiging una o huli na aniya'y 'ISOLATED CASE' re brutal na pagpatay ng mga pulis sa 'NANLABAN NA ADIK' kunong 17-year old grade 11 student, Kian delos Santos, ng Caloocan City.

Pero 'di MAUUTO ngayon ni Aberya ang madlang-pipol para IBALING ang kanilang atensiyon sa P6 Billion imported shabu from TSAYNA na huling pinalusot para UMANO sa mag-amang Digong at Pulong pero NATIKLO ng BoC dahil nakalimutang ITIMBRE ke Faeldon?

Sabi nga ni FPJ na adopted father ni Grace Poe pero biological daughter ni dictator FM na tatay ni BBM at IDOL naman ni Digong - "KAPAG PUNO NA ANG SALOP - KALUSIN"!!!

Thursday, August 17, 2017

DIGONG ADMITS HE WAS WRONG ON 3 - 6 MONTHS DRUG WAR DEADLINE

O kitam? Ginagawa ang lahat ng PAGTATAKIP ni Digong to distract the attention of the world away from the P6.4 Billion smuggle attempt by Digong's son Pulong's drug shipment thru BoC.
Hindi naman kayang SIPAIN ni Digong sa puesto si BoC comm Faeldon porke alam ni Faeldon na si Pulong ang mastermind ng tone-toneladang shabu shipmentS mula TSAYNA na ilang beses nang PINALULUSOT sa BoC dahil sa paldo-paldong KOMISYON ni Faeldon? batay ke BoC whistleblower Mark Taguba.
Kung kami ang tatanungin eh we are amenable to giving Digong an extension (re his 3 - 6 mos drug war deadline), an EXTENSION CORD, to bind his neck and that of Faeldon, Bato Gan, Panty Alburis, spookman Aberya, and the rest of the 'best & brightest' that this nation may regain its sanity, o hah!!!

Wednesday, August 16, 2017

"I WILL DIE PROTECTING PRESIDENT DUTERTE. . ." - FAELDON

Hindi papayag si Digong na magbitiw sa tungkulin bilang BoC commissioner si Faeldon porke baka magngangawa at magsabi ng TOTOO eh magkabukingan pa, 'di ba?
Better keep him IN SIGHT & COMFORTABLE then dispose him later dyan-dya-rahnnn!
Eh si Faeldon din mismo kase ang nagsabi - "I will die protecting President Duterte against people like you, Senator Trillianes," - SEE???

Tuesday, August 15, 2017

"NOT ENOUGH EVIDENCE TO LINK PAOLO DUTERTE TO SHABU SHIPMENT"

'Yung kunwaring PADUDING (doubtful) ni Sen DickHEAD (Burat) re Senate investigation of P6.4 Billion shabu shipment mula TSAYNA na PINALUSOT sa BoC - "not enough evidence" at ang tsuriwariwap ni Tito Sen "no sufficient basis" - are more political interest of these SERVILE (alipin) senaTONGs ni Digong, peksman!
Maliwanag kasing meron nang nakahandang SCRIPT bago nagpatawag ng Senate investigation ang committee ni Burat para LUSAWIN ang katotohanang si Pulong ang ulo-ulo sa tone-toneladang shabu shipments mula TSAYNA pero NABUKING lately porke pinalulusot pala sa BoC, 'di ba cry-baby-cry Faeldon?
Samantala, bago sinabi ni Kenneth Dong sa Senate hearing na hindi niya kaibigan kundi KAKILALA lang niya si Pulong, eh INAMIN niyang una pa ke ABS-CBN Reporter Jorge Carino that indeed Pulong was his BEST FRIEND since 2008 at lingid sa kanya'y MONITORED siya ng NBI.
'Yan ang dahilan kung bakit siya hinuli ng NBI, o, getz mo? PATAY KANG BATA KA!!!

Saturday, August 12, 2017

"AREN'T YOU MAD AT BOC MR PRESIDENT?" - SEN PING LACSON

Nagpasaring din, bukod ke Sen Pink, si Sen Trillanes (kapwa PMAer) re controversy involving a P6.4 Billion shabu shipment from TSAYNA, ke Faeldon na isa ring PMAer(?) - "Faeldon 'at the heart' of shabu smuggling controversy."
Oke, kung kami ang tatanungin eh HINDI talagang PAKAKAWALAN ni Digong si Faeldon bilang BOC Commissioner porke kapag nagkagayon, maga-a la SPO3 Lascanas si Faeldon na kumanta ng LA PALOMA sa imbestigasyon sa Senado, o, 'di ba Digong?
Naging emosyonal kuwari si Digong at pupunta na lang daw siya sa war zone sa Marawi at kusa raw siyang nagpapaBARIL sa ulo kung merong AFFIDAVIT na magpapatunay na sangkot ang anak na si Pulong sa P6.4 Billion shabu shipment galing TSAYNA, o, hah!!!

Thursday, August 10, 2017

US WARSHIP SAILS CLOSE TO MISCHIEF REEF

Hindi tulad ng dati eh tahimik ang TSAYNA ngayon sa PAGSALIMBAY (sail) ng US ARMADA malapit sa Mischief Reef na INAANGKIN ng Tsekwa at pinag-ugatan ng sigalot vs 6 claimants na bansa, kabilang ang Pilipinas, after China installed a MISSILE DEFENSE system on the Mischief.
Ito'y sakop ng international waters and USA will always challenge the chinks, eh kase, alam ng US na mas malakas at mabisa ang kanilang ARMADA kesa mga Tsekwa 'tsaka ang America uses the ARBITRAL RULING to back their actions, see?
TAMEME rin ang Pilipins sa aksiyong ito ng mga 'Markano, indeed, America - land of the brave, land of the free, and land of milk and honey - samantalang ang Pilipins eh, land of 100 million SHEEP, 1 MISCHIEF (pilyo) at sugapa sa fentanyl na prisidinti kaya ang utak - BURYONG!!!

Wednesday, August 9, 2017

SHABU SHIPMENTS TO VALENZUELA BEGAN IN JUNE 2016, SAYS CARETAKER

O hayan, napatunayan MISMO ng Senado na BUMAHA, a la Ondoy, ng BUGSU-BUGSONG shabu dito sa Pilipins from TSAYNA right after Digong won the elections kahit 'di pa man opisyal na nakakaupo - June 2016, 'tsaka January 2017, March 2017, at ang huli'y no'ng May 2017 na NATIMBOG at siya ngayong iniimbestigahan ng Senado, see?
Papaano kaya TATAMNAN ng EBIDENS ni Bato GAN para lagyan ng karatula 'yung caretaker 'tsaka ng 100 grams shabu o TAWAS at cal.38 paltik after maratrat ng bala ng armalite porke NANLABAN???
Pupusta kami - PISO ni Bato GAN manalo barko kung kaya niyang ARESTOHIN si Pulong DuterTARDS na itinuturong siya ang mastermayn kuno na nagpapaBAHA sa Pilipins ng shabu, o, 'di ba Digong?

DIGONG CALLS FOR CHACHA VIA CONCOM

Nagmamadali si Digong na magsagawa ng Charter Change kapalit ng 1986 Philippine Constitution upang aniya'y MATAMO (achieve) ang tunay na KAPAYAPAAN kuno, partikular sa Mindanao.
Lumolobo na kasi ang hindi mga sang-ayon ke Digong mula sa Phl at sa buong mundo sa kanyang idea that peace can be achieved by means of exterminating those he perceived to (MAHALATA) enemies of the state 'gaya nina Sen D5, CJSC, OMB, Comelec, CHR, etc. bukod sa mga mahihirap na tulak at adik sa drugs.
Magbago man por eksampol ang Consti you don't expect Digong to change dahil kung tutuusin, he ran Davao like his family's own kingdom, kaya nga expect him to make more medieval action, such as accumulating more power and having his political enemies slaughtered during the night.

'DEMOLITION JOB' - Comelec chief

Malaki ang hinala ni Comelec chair Andy na isang demolition job laban sa kanya ng kanyang asawa ang INDULTONG yumayanig sa kanyang pamilya ngayon - POSIBLE!!!
Ang tanong: who's gonna benefit if people cast ASPERSIONS (paninirang-puri) on the Comelec chief?
Sino pa, eh 'di si BBM na TALUNAN sa pagka VP pero sagana sa pondo kaya naman BINABARASO nito ang SC at ngayon nga'y gustong ipa-IMPEACH si chair Andy para tuluyan siyang makaupong VP kapalit ng duly-elected VP Leni!
Pa'no kase, ang tumutulong sa wife ni Andy eh waswit mismo ni BBM, and THAT, would be 'IT' o, hah!!!

Tuesday, August 8, 2017

PALACE ON BAUTISTA'S 'UNEXPLAINED WEALTH:' THIS HAS TO BE FULLY PROBED

Simbilis ng KISAPMATA ang pasya ni Digong - 'this has to be fully probed' - re Comelec chair Bautista's unexplained wealth kuno batay sa bintang ng mismong waswit ni Bautista.
Pinalalaking pilit ng Malakanyang ang balitang AWAY MAG-ASAWA para PAGTAKPAN ang stupidity ni Faeldon and BoC on the missing drugs worth BILLIONS from TSAYNA of the fentanyl addict and son Pulong???
Para kasing DIVERSION ito ng talagang isyu para mailayo sa atensiyon ng publiko kung sino talaga ang nagpaparating ng illegal drugs mula Tsina na PINALULUSOT sa BoC, o, 'di ba HoR spooker Alburis?
Cloaked with legislative immunity, customs broker Mark Taguba accused 5 major BoC officials of taking bribes to facilitate his illegal drugs shipments na umano'y para sa vice mayor ng Davao???
Anong say n'yo, SolGen Calibog en SoJ Wiguirre, hhmmm? 

Sunday, August 6, 2017

AGOSTO, BUWAN NG PAMBANSANG WIKA

Batay sa mensahe ni Digong eh buwan ng Pambansang Wika ngayong Agosto.
Heto ang mga PANG-URI (adjectives) hango sa wikang pambansa hinggil sa KATAUHAN ni panggulong Digong:
D-AYUKDOK
I-MBI
G-AHAMAN
O-GAG
N-UKNUKAN
G-UNGGONG