Saturday, November 29, 2014

3 KILLED LINKED TO KILLING OF EX-MAKATI CITY ENGINEER

ANA: "Naku, habang papalapit ang 2016 presidential election eh LUMILINAW na rin ang SANHI ng pagTIGOK ke ex-Makati city engineer Nelson Morales na UMANO'Y pinaPASLANG sa utos ni Nognog sa magkapatid na Ransom at Gilbert Concepcion noong September 7, 2012 sa bayan ng Malinao, Albay. 'Lamoba kung ano talaga ang dahilan n'yon?"

LISA: "Eh pa'no kasi, si Ransom na umano'y KAMPON ni Nognog eh merong arrest warrant dahil nga sa pagpatay ke Morales. Naispatan siya ng Pulis na naka-motorsiklo kaya tinugis ng dalawang-oras hanggang abutan ito sa Polangui, Albay. Pero nakipag-ratratan siya sa Pulis, kaya hayun, temay siya. Ang kaso, ginantihan 'yung nagkanulong asset ng pulis na pamilya ONGOG, ang magkapatid na Presilo at Imelda, 'tsaka ang amang si Felipe, eh SABAY-SABAY ding niratrat at tinigok sa magkakahiwalay na lugar kahapon (Saturday) ng 7:30 AM sa Libon, Albay ng 20 gunmen ng Concepcion gang sa pangunguna ni Gilbert na utol ni Ransom, ayon sa Pulis"

CION: "Well, well, dapat na personal nang makialam sa kasong ito si DILG Sec Mar (Palengkero) Roxas at iresolba ang PUZZLE sa pamamagitan ng pagkalap ng hindi mapapasubalian o (INTRINSIC) ebidens, 'gaya ng mga prinisintang ebidens ni exVM Estong Mercado vs pandarambong ni Nognog, sa Bicol RTC branch. Kailangang SILBIHAN din ng RTC ng subpoena si Nognog para MAGPALIWANAG sa Korte hinggil sa pagkakasangkot niya sa mga patayang ito ala gangster boss ng Mafia, o, 'di ba?"  

Thursday, November 27, 2014

NOGNOG TELLS BOYS SCOUTS: SEE YOU IN MALACANANG

ANA: "Ang tindi talagang magtahi-tahi ng paduding 'tong si Nognog sa publiko para lamang mai-promote niya ang sarili sa AMBISYON nitong maging panggulo ng Phl. Aba'y sukat ba naman magpa-boodle fight para sa mga paslit na Boys Scouts sa kanyang Opis, tapos, nagbilin pa sa mga'to sa harap ng media: SEE YOU IN MALACANANG!"

LISA: "Nakanang susmaryopes, malala nang talaga ang taglay nitong IBULSA VIRUS! Hindi ba paglapastangan sa kaugaliang Boy Scout ang isinusulong nitong si Nognog aka Boy Kawat? Anong balak niya, gawing flying BOBOtantes ang mga paslit na Boys Scouts sa buong Phl? 'Yang pagkaHAYUK mo sa kapangyarihan Nognog, eh 'wag mo namang idamay ang BSP (Boys Scouts of the Philippines). Itiklop mo na lang ang DILA mo at ang dinastiya mo (PUT TONGUE-IN ANEW)!!!"

CION: "Alam mo bang si Sir Leo eh genuine na Boy Scout? No'ng siya eh 10 years old pa lamang, kasama ang mga kababatang sina Alfred Cristal, Numeriano Reyes at Ireneo Cardenas, eh kasapi sila sa Boys Scouts CONTINGENT mula sa Central Luzon bilang mga delegado sa 10th World Jamboree na ginanap sa Los Banos, Laguna noong 1958? Wala silang nakasalamuhang 'gaya ni Nognog na MAYABANG, BULAAN at DAYUKDOK sa kapangyarihan na Boy Scout. Dahil si Nognog eh si Boy Kawat!!!"  

Monday, November 24, 2014

NOGNOG ACCUSED THE DOJ OF HIDING MAKATI EX-VM MERCADO

ANA: "Ang tindi rin naman palang GUMALUGAD ang mga galamay ni Nognog noh? Kase, sinisisi ni Nognog ang DOJ, partikular si Sec LdL, porke hindi malaman kung totoong nasa California, USofA nga ngayon si ex-VM Estong. Pinasuyod daw kasi ni Nognog sa buong California si Estong sa kanyang mga apo-brods para ITUMBA pero 'di makita!"

LISA: "Well, well, congrats sa mga composite team na jaguar ni Estong porke napapanatili nilang ligtas ke Nognog si Estong. Pero teka, 'di ba sumasagi sa isipan mo kung bakit sina Ebeng, Limlingan at Gregorio eh hindi rin matagpuan ng NBI hanggang ngayon? Posible kayang nasa California, USofA rin sila at dinadalaw ang me sakit nila asa-asawa 'gaya rin ng dahilan ni Estong?"

CION: "Ahh, hindi posible 'yang haka-haka mo 'day. Malamang sa hindi, ang TESTIGO na sina Ebeng, Limlingan at Gregorio na SUSI para TUMAMBAD sa mga BOBOtantes ang katotohanan sa pandarambong ni Nognog ng bilyon-bilyon sa kaban-ng-bayan eh, wala sila sa California, USofA, kundi, nasa loob lamang ng JCB Farm sa Rosario, Batangas at posibleng 6 feet below-the ground na lahat!!!"    

Friday, November 21, 2014

LEGISLATIVE INQUIRY IN AID OF LEGISLATION

ANA: "Sabi ng isang abogado, Bartolome C. Fernandez Jr., hinggil sa Senate inquiry in aid of legislation - (. .. and that this committee members, evidently for sensationalism or grandstanding, pose questions that tend to browbeat, badger, harass, irritate, insult, humiliate, defame, threaten, intimidate and embarrass resource persons, as if they are being cross-examined during a court trial)."

LISA: "Uh-unga 'ga. Eksperto nga si Bart sa PANGUNGUTYA sa tarbaho ng Senate BRC ni Sen Gunggongna. Mas masahol pang MAGPARATANG 'tong si Bart, gamit ang pangHAMBALOS niyang mga English words na 'di naman masyadong naintindihan ng mga bobotantes ni Nognog, I am sure. Kumapara ke Siydeekew, tinatagalog niya ang mga malalalim na English words para malinaw na maintintidan ng kanyang mga readers, o, 'di ba?"

CION:"O, sige. Para sa mga bobotantes ni Nognog, kasama sina TONGresman Tobyas Tiyan Co, aTONGni JV Butata at Spookman Remily, itatranslate ko ang ibig sabihin sa Tagalog no'ng sampung English words ni Bart para mas lalo nilang maintindihan, VIZ:
1. browbeat - sumindak
2. badger - masiba
3. harass - manligalig
4. irritate - mangyamot
5. insult - manghamak
6. humiliate - manghiya
7. defame - magparatang
8. threaten - magbanta
9. intimidate - manakot
10. embarrass - magpahiya


Thursday, November 20, 2014

WHO'S AFRAID OF ACTING DOH SECRETARY? NOT THESE SENATORS

ANA: "Naks naman talaga, nararamdaman na ang simoy ng 2016 elections sa pagitan ng magkakatunggaling pulpolitiko, noh? Pati EBOLA virus na dapat medical professionals lang ang dapat mangasiwa, 'gaya ni Acting DOH Sec Janette Garin na bumisita sa mga soldados sa Caballo island, eh binabatikos na rin ng mga lieyers na pulpolitiko na mahilig din sa IBULSA virus, o,'di ba?"

LISA: "Ah, idagdag mo pa ang bola-bola virus na a la KURIKONG na nakapulapol sa katawan ni Nognog, binobola maging si PNoy para IPATIGIL na ang investigation vs Nognog, in aid of legislation, ng Senate BRsubC at isampa na laang daw ito sa OMB? Kung lulusot ke PNoy ang pambobola ni Nognog, eh tiyak na maga-a-la OZONE Disco case ang IBULSA virus case vs Nognog! Mantakin mong after 18 years bago nasintensiyahan ng husgado si ex-QC Engr Fredo Makapugay???"

CION: "Samakatwid, 3 term pa ang tatapusin ni Nognog bilang panggulo ng Phl, kung saka-sakali, bago uusad ang kaso nitong IBULSA virus sa husgado? Juice koh naman, naman! BY THEN, eh tiyak na NAHUGASAN na at naiKULA pa ang kaso ni Nognog ng mga appointed niyang judges porke gagawin nilang KUWADRADO ang gulong ng hustisya, peksman!!!"  

Tuesday, November 18, 2014

NOGNOG'S TOWN-HOPPING IS PREMATURE CAMPAIGNING

ANA: "Likas talagang manggugulang 'tong si Nognog. Bukod kasi sa mahilig manduro, magbanta at manakot, eh eksperto rin siyang manglinlang at mang-uto ng mga bobotantes sa buong Phl na kanya RAW pinupulsuhan. Naniniwala si Nognog na IBOBOTO siya ng mga bobotantes kapalit ng konting CASH at grocery items na galing sa kanyang PANDARAMBONG!"

LISA: "Naku, ingatz ka 'ga. 'Di mo ba narinig 'yung banta ni Nognog sa harap ng mga bobotantes na IDEDEMANDA umano niya ang sinomang tatawag sa kanyang MAGNANAKAW?! Mabuti na lamang at walang kumontra sa pananakot niya, bagkos eh, nagpalakpakan, naghiyawan at naglundagan ang mga bobotantes nang ipamudmod bawat isa sa kanila, nina TONGresman Tongbi Tian Co, Atongni JV Butata at Spookman Remily, ang konting CASH at grocery items na NINAKAW ni Nognog mula sa kaban-ng-bayan!!!"

CION:"Talagang makapal na ang apog na nakapulapol sa mukha ni Nognog porke hindi na siya tinatablan ng konti mang kahihiyan, noh? Tingnan mo ha, UNA, si Nognog ang prinsipal na nag-plano para mag-coup d'etat laban ke GMA noon, pero ATAKOT kaya ATAKBO siya at iniwan si Navy LtSG Trillanes. Ikalawa, hinamon ng debate si Sen Trillanes re overpriced P1.7 BILLION Mkt Parking Building & JCB Farm in Rosario, Batangas pero atakot kaya atakbo uli siya. Finally, premature campaigning naman siya sa buong Phl at masyado ATAPANG HIYA, kase, dami-rami siyang pamudmod nakaw na pera!!!"

Sunday, November 16, 2014

NOGNOG TO TRILLANES: GO BACK TO MILITARY

ANA: "Lahat eh halatadong natataranta (panicking) na ang kampo ni Nognog, kase, sari-saring palusot ang inilalabas nila sa publiko sa pammagitan ng ac/cd media, para ilihis ang isyung pandarambong vs Nognog na ayaw sumipot para sagutin at pormal na pabulaanan ang bintang sa kanya sa harap ng Senate BRsubC ni Sen CocoPim3! An'dami-rami kasing panlagay, hindi nauubusan ng datung galing sa pandarambong, 'di ba?"

LISA: "Uh-unga 'ga. Mantaking mong pinatutsadahan si Trillanes na bumalik na lamang daw sa Military kung hindi na umano nito magampanan ang kanyang tungkulin na gumawa ng mga batas bilang senador. Bakit daw kase ang pinagkaka-abalahan eh ang mag-imbestiga, samantalang hindi naman daw trabaho ng senador ang mag-imbestiga, kundi trabaho raw 'yon ng OMB at ng DOJ! Tama ba 'yung palusot na 'yon ni Nognog, ha?"

CION: Hindi!!! Kaya nga PALUSOT eh! Ang isinasagawang imbestigasyon ng BRsubC ni CocoPim3, kasama sina Trillanes at Sen Alan eh IN AID OF LEGISLATION. Sana, 'yung gagawin nilang batas laban sa pandarambong; UNA, alisin ang immunity 'tsaka require the president, vice president, senators/congressmen to APPEAR and DIVULGE information IN AID OF LEGISLATION. Sina CocoPim3, Trillanes at Cayetano must really consentrate in enacting laws so as to be able to make a LAW to prevent it happening again ang pandarambong ni Nognog! Kung manalo man halimbawa si Nognog as president, wala siyang IMMUNITY sa imbestigasyon!!! Getz mo???"  

Thursday, November 13, 2014

IT SEEMS NOGNOG IS JUST A BLUFFER

ANA: "Mas mataas pa kesa ke Nognog, bilang isang abogaGo, ang epekto ng iskandalo (ATRAS) sa debate vs isang dating SUNDALO ng Navy (Sen Trillanes), sumpaman! Mantakin mong ginagamit pa mandin niya ang pagiging panggulo niya ng Boy Scout of the Phl (BSP) 'tsaka reserved officer ng Phl Marines para hamunin o DURUIN si Trillanes sa isang public debate? Ay SUYOT!!!"

LISA: "Uh-unga 'ga. Biruin mo namang PUMIHIT ng-90 degrees si Nognog at kumaripas a la asong ulol ng 100 meter dash para UMURONG sa debate na siya mismo ang naghamon! Hindi kase niya inaasahang KAKASA sa kanyang hamon si Trillanes na sa tingin niya eh isang PIPITSUGIN na sundalong-kanin lamang? Juice ko 'day!"

CION: "Meron kasing SECRET na alam si Trillanes vs Nognog. Kung matutuloy kase ang debate eh tiyak na MALULUSAW sa kahihiyan si Nognog, kung meron pa siyang natitirang kahihiyan, kapag isiniwalat sa KBP at sa publiko ni Trillanes na talagang CONGENITAL COWARD si Nognog! Sumugod na para sa isang coup d'etat ang Magdalo ni Trillanes NOON, pero BIGLANG NAWALA sa eksena si Nognog na kasamang nagplano sa pag-agaw sana ng Arroyo gov't. DUWAG!!!"  

Tuesday, November 11, 2014

NOGNOG BACKED OUT OF HIS OWN PROPOSED DEBATE VS SEN TRILLANES

ANA: "Talagang kagimbal-gimbal ang kabuktutan nitong si Nognog, kasama ang mga UROT niyang lieyers, para subukan nila muling IMANIPULA (manipulate in their favor) sa mata ng publiko, ang kahindik-hindik na COWARDICE ni Nognog simula't-sapul!!! Mantakin mo 'yun???"

LISA: " Pa'no, ngayon lang unti-unting lumalabas sa kaalaman ng publiko, partikular ang mga taga-Makati, na si Nognog pala eh isang CONGENITAL COWARD, bukod pa sa SUKDULAN din ang pagka-sinungaling, peksman. Kasuklam-suklam ang PRETEXT (pagdadahilan) na inaasal ni Nognog para hindi siya mahalatang nuknukan pala ng DUWAG, nakanang ina, ohhuu!!!"

CION: "Oy, oy bawal magmura dito noh! Bukod kase ke Nognog, eh 'wag mo namang mamaliitin ang Marines! Kase, tanging si Nognog lang ang boy scout na marine na kulang sa tapang at sukat. Bihasang maghamon ng LABAN pero UNAng umiiskapo. Por eksampol, nagtago si Nognog sa QC habang kasagsagan ng Manila Pen siege no'ng 2007, samantalang kasama siyang nagplano ng kudeta ni Trillanes para igupo si Ate Glo. 'Tapos, naghamon din ng debate vs Trillanes, pero biglang UMUROOoooonggggg! Daig mo pa ang baklang haliparot, Nognog!!!"      

 

Monday, November 10, 2014

NO STOPPING SENATE PROBE OF NOGNOG

ANA: "Mukhang malalim ang tinutumbok ng press release ni SP Drilon re imbestigasyon ng BRsubC vs Nognog, 'noh? Pa'no kase, hindi dapat umanong IHINTO ang hearing ng sub committee ni Sen KokoPim laban sa ika-2 pinakamataas na opisyal ng bansa, dahil ang ika-3 pinakamataas na opisyal ng bansa (SP Drilon) eh WILLING naman na maimbestigahan din ng BRC 'gaya ng kaso ring pandarambong a la Nognog?"

LISA: "Me tama ka r'yan 'ga. Kung tutuusin, eh malaki ang pagkakahawig ng kaso ni Nognog sa kaso ni SP Drilon. 'Yun kasing kontratistang nanalo (HELLMARK) na kontratista-unico ni Nognog na nagpapamigay DAW ng 13%, eh siya ring kontratista KUNO ni SP Drilon sa kasalukuyang ginagawang Iloilo Convention Center (ICC) na umano'y overpriced din 'gaya ng Makati Parking Building ng BINAYaran dynasty?"

CION: "Yes, yes yeow. Gustong magpa-IMPRESS ni SP Drilon ke Nognog at sa publiko na marapat lamang na DUMALO ang sinomang inimbitahang resource person(s) para sa hearing ng KATIWALIAN isasagawa ng Senado. Obligasyon kase ni Nognog na ipaliwanag sa publiko, sa pamamagitan ng BRsubC, na ilahad ang kanyang ebidens laban sa BINTANG sa kanyang mandarambong siya! Ayon sa pahayag ni SP Drilon, siya ay nakahandang magpa-IMBESTIGA sa BRC para LINISIN ang kanyang pangalan na nasasangkot sa anomalyang 'gaya ng anomalya ni Nognog. O, 'di ba???"    

Saturday, November 8, 2014

TSUNAMI MEANS A HUGE DESTRUCTIVE WAVE

ANA: "Alam mo bang 'yung DALUYONG o tsunami na dulot ni Yolanda na matinding bumayo sa Visayas, partikular sa Samar-Leyte, saktong 'sang-taon na kahapon eh ginagamit na rin sa PAMUMULITIKA ng PNoy gov't bashers? Para silang orkestrang sintunado, kase, ipinangangalandakan kung bakit an'tagal-tagal daw mabigyan ng kanya-kanyang permanenteng bahay ang mga nawalan ng tirahan!!!"

LISA: "Eh pa'no, pilit nilang inililigaw sa mga biktima ng Yolanda ang TUNAY na tinutumbok ng master plan ng PNoy gov't para sa rehabilitation ng LAHAT ng nasalanta ng Yolanda, hindi lamang sa Samar-Leyte na sentrong tinamaan ng tsunami o daluyong, noh? Dahil sa modernong scismograph eh naitala ng Pag-asa na umabot pala sa 400 to 450 MILES per hour ang bilis ng travel ng tsunami mula sa IHIP ni Yolanda from the Pacific Ocean papuntang Tacloban?"

CION: " Korek ka 'r'yan 'day! Noong 1963, hinarumba ni Hurricane FLORA ang Haiti, 6,000 katao ang patay, at sa Cuba, 1000 katao ang patay at 750,000 katao ang nawalan ng tirahan sa 2 bansa. Samantala, noong 1970, isang tsunami rin ang tumama sa East Pakistan, KILLING about 200,000 persons! NakaBANGON lamang ang nasabing mga bansa na sinalanta ng delubyong a la Yolanda, AFTER 6 to 7 years. Whereas, ang master plan ng complete rehabilitation ng PNoy Adm re Yolanda victims eh mga 4 YEARS lamang daw!!! Anong say mo Tacloban Mayor Alfred Romualdez, sir???"  

Thursday, November 6, 2014

NOGNOG CLINGING TO HIS POST LIKE A LEECH

ANA: Ano ba ang ibig sabihin ng ALTER EGO, ha? Kase, sinabihan na si Nognog ng direkta ni PNoy na - (...maluwag ang pintuan), para umalis na si Nognog bilang cabinet member at alter ego ng pangulo. 'Tapos, ang sabi pa ni Nognog, kaya hindi siya sumipot sa Mother-BRC hearing ni committee chair Sen Gunggongna, kase raw eh, (that's only politics!) Eh, 'di nga ba binubuo ng tunay na mga pulpolitikong IBINOTO ng taong-bayan ang Senado?"

LISA: Korek ka r'yan 'ga. Naubusan na kasi ng WORDS upang UMIWAS umatend sa hearing si Nognog para pamPALUSOT sa patuloy na dumaraming EBIDENS na TUMATABON at aabot na hanggang sa leeg nito. Ang Latin word na ALTER EGO, ibig sabihin sa English eh OTHER SELF. Samakatwid, hindi talaga pupuedeng maging alter ego ni PNoy si Nognog na isang certified na PUSAKAL na MANDARAMBONG since time immemorial!!!"

CION: "Nakana mo'day! 'Lamobang mula 1986 bilang itinalagang OIC sa Makati ni Tita Cory thru Nene Pimentel si Nognog, eh nagsimula na rin ang PANGANGAMKAM ni Nognog mula sa kaban ng Makati? Multi-million halaga ang UTANG ng Makati gov't sa mga construction contractors ang hindi pa nababayaran noon ni ex-Mayor Yabut, ang pinalitan ni Nognog. Binayarang ISA-ISA ni Nognog ang LAHAT ng mga kontratistang  pinagkakautangan ng Makati ng KALAHATI, at KINAMKAM lahat ni Nognog ang natitirang kalahati!!! Biruin mo 'yon???"  

Tuesday, November 4, 2014

PNOY ASSIGNS NOGNOG WITH 'YOLANDA' HOUSING PROJECT

ANA: "Siguradong KAHINDIK-HINDIK para sa mga spookymen ni Nognog kung bakit biglang binigyan ng assignment bilang HUDCC secretary si Nognog noh? Aba'y biruin mong multi-Billion pesos ang halaga ng pagtatayuan sa resettlement site ng mga permanenteng bahay ng Yolanda victims sa Tacloban, 'di ba?"

LISA: "Yes, yes yeow. Kase, naghihimutok KUNWARI si Nognog, dahil sa bulong ng kanyang mga spookymen sa pangungUNA nina Tian Co at JV Butata, BINIBIRA indirectly si PNoy, na an'dami raw mga DISPALINGHADO sa PNoy gov't na HINDI inaasikaso, 'gaya ng siraing LRT-MRT, peace & order na 'di kayang kontrolin umano ng PNP, traffic mess, etc. O, getz mo?"

CION: "Sagot naman ni PNoy ke Nognog, bilang cabinet member, eh dapat ilahad nito ang kanyang SOLUTION sa naturang mga problema. Pero NO TALK ang kampo ni Nognog. So, para masukat ang kakayahan ni Nognog bilang bigbos ng HUDCC, at upang maputol na rin ang maaga nitong pangangampanya sa buong Phl gamit ang pondo ng kanyang OPIS, eh binigyan siya ng assignment ni PNoy bilang TEAM PLAYER sa rahabilitation ng Yolanda victims. Sige Nognog, ipakita mong karapat-dapat kang maging panggulo ng Phl. Sige ngaaa!!!"

Monday, November 3, 2014

PNOY TELLS NOGNOG: YOU'RE FREE TO LEAVE

ANA: "Ano ba ang ibig sabihin ng UTANG-NA-LOOB? Meron kaya nu'n si Nognog? Kase, bilang Boy Scout, eh bakit tila hindi na sinusunod ni Nognog ang GMRC (good manners and right conduct), bagkos, pulos BOY KAWAT ang pinaggagagawa! Putragiz kang Nognog ka, pambihirang maligno ka talaga!"

LISA: "Ay naku, 'yang mga ganyang PASARING o panghi-HIYA against Nognog eh wa-epek at 'di na tumatalab ke Nognog, kase sobrang PANGHI na talaga siya, peksman! Biruin mong sinabihan na siya ni PNoy na MALUWAG-ANG-PINTUAN para sa paglabas ni Nognog sa Gabinete, pero dedma lang ang maligno porke kapit-tuko pa rin siya bilang bigbos ng HUDCC! O, 'di ba???"

CION: "Natumbok mong tunay 'day. Pa'no kase, kung aalis siya bilang cabinet member ni PNoy, eh 'di na siya makakapag-kampanya sa buong Phl ng libre gastos. Dahil sa kapal-ng-apog na nakapulapol sa mukha ni Nognog eh wala na siyang KAHIHIYANG natitira pa sa kanyang pagkatao, sumpaman. Bilang isang Pinay na tunay na nagmamahal sa Phl, mapapatawad ko lamang ang mga pandarambong ni Nognog KUNG isosoli ang kanyang mga kinulimbat sa kaban-ng-bayan, 'tapos, mag-ala Angie Reyes (RIP) na siya. AMEN!!!"  

Saturday, November 1, 2014

NOGNOG TRIED TO GRAB 57.7 HA FOR BSP

ANA: "Ay ano ba 'yan! Habang papalapit ang 2016 presidential elections eh sige rin ang paglabas ng iba pang mga KATIWALIAN ni Nognog. Aba'y sukat bang kinaKAMKAM din pala ni Nognog, gamit ang kanyang kapangyarihan bilang presidente ng Boy Scouts of the Philippines (BSP), ang 57.7 ha. BSP Jamboree site sa Mount Makiling na INUUPAHAN LAMANG ng BSP sa U.P. Los Banos?"

LISA:"Me tama ka r'yan 'ga, peksman. Eh kase, nasa 3rd and final reading na pala sa House of RepresentaTHIVES 'yung panukalang batas ni dePUTAdo Abe Beenay, partikular ang House Bill No. 6352 (Boy Scouts of the Philippines Charter of 2012) para ILIPAT ng LIBRE ang lupaing pag-aari ng UPLB na inuupahan ng ONE PESO a year per hectare ng BSP bilang jamboree site simula pa no'ng 19kopong-kopong!"

CION: "Alam mo bang pinatayuan na rin ni Nognog ng 4-storey HOTEL at cell site ang BSP jamboree site sa Mount Makiling no'n pang 2009? Ito'y para preparasyon sa kanyang kandidatura bilang panggulo ng Phl! Ginastusan daw ito ng P150-M, ayon sa BSP, pero kaduda-duda, kase, saan kukuha ng gano'n kalaking datung ang BSP, hale nga? Sino man ang magtse-check-in sa otel eh makikita niya ang malalaking tarpolina - BSP FOR BSP (Boy Scouts of the Philippines for Binay Sa Pagkapangulo! Hoy,.dinastiyang Nognog, PUT TONGUE-IN ANEW!!!"