Saturday, November 8, 2014

TSUNAMI MEANS A HUGE DESTRUCTIVE WAVE

ANA: "Alam mo bang 'yung DALUYONG o tsunami na dulot ni Yolanda na matinding bumayo sa Visayas, partikular sa Samar-Leyte, saktong 'sang-taon na kahapon eh ginagamit na rin sa PAMUMULITIKA ng PNoy gov't bashers? Para silang orkestrang sintunado, kase, ipinangangalandakan kung bakit an'tagal-tagal daw mabigyan ng kanya-kanyang permanenteng bahay ang mga nawalan ng tirahan!!!"

LISA: "Eh pa'no, pilit nilang inililigaw sa mga biktima ng Yolanda ang TUNAY na tinutumbok ng master plan ng PNoy gov't para sa rehabilitation ng LAHAT ng nasalanta ng Yolanda, hindi lamang sa Samar-Leyte na sentrong tinamaan ng tsunami o daluyong, noh? Dahil sa modernong scismograph eh naitala ng Pag-asa na umabot pala sa 400 to 450 MILES per hour ang bilis ng travel ng tsunami mula sa IHIP ni Yolanda from the Pacific Ocean papuntang Tacloban?"

CION: " Korek ka 'r'yan 'day! Noong 1963, hinarumba ni Hurricane FLORA ang Haiti, 6,000 katao ang patay, at sa Cuba, 1000 katao ang patay at 750,000 katao ang nawalan ng tirahan sa 2 bansa. Samantala, noong 1970, isang tsunami rin ang tumama sa East Pakistan, KILLING about 200,000 persons! NakaBANGON lamang ang nasabing mga bansa na sinalanta ng delubyong a la Yolanda, AFTER 6 to 7 years. Whereas, ang master plan ng complete rehabilitation ng PNoy Adm re Yolanda victims eh mga 4 YEARS lamang daw!!! Anong say mo Tacloban Mayor Alfred Romualdez, sir???"  

No comments:

Post a Comment