ANA: "Mukhang malalim ang tinutumbok ng press release ni SP Drilon re imbestigasyon ng BRsubC vs Nognog, 'noh? Pa'no kase, hindi dapat umanong IHINTO ang hearing ng sub committee ni Sen KokoPim laban sa ika-2 pinakamataas na opisyal ng bansa, dahil ang ika-3 pinakamataas na opisyal ng bansa (SP Drilon) eh WILLING naman na maimbestigahan din ng BRC 'gaya ng kaso ring pandarambong a la Nognog?"
LISA: "Me tama ka r'yan 'ga. Kung tutuusin, eh malaki ang pagkakahawig ng kaso ni Nognog sa kaso ni SP Drilon. 'Yun kasing kontratistang nanalo (HELLMARK) na kontratista-unico ni Nognog na nagpapamigay DAW ng 13%, eh siya ring kontratista KUNO ni SP Drilon sa kasalukuyang ginagawang Iloilo Convention Center (ICC) na umano'y overpriced din 'gaya ng Makati Parking Building ng BINAYaran dynasty?"
CION: "Yes, yes yeow. Gustong magpa-IMPRESS ni SP Drilon ke Nognog at sa publiko na marapat lamang na DUMALO ang sinomang inimbitahang resource person(s) para sa hearing ng KATIWALIAN isasagawa ng Senado. Obligasyon kase ni Nognog na ipaliwanag sa publiko, sa pamamagitan ng BRsubC, na ilahad ang kanyang ebidens laban sa BINTANG sa kanyang mandarambong siya! Ayon sa pahayag ni SP Drilon, siya ay nakahandang magpa-IMBESTIGA sa BRC para LINISIN ang kanyang pangalan na nasasangkot sa anomalyang 'gaya ng anomalya ni Nognog. O, 'di ba???"
No comments:
Post a Comment