ANA: Ano ba ang ibig sabihin ng ALTER EGO, ha? Kase, sinabihan na si Nognog ng direkta ni PNoy na - (...maluwag ang pintuan), para umalis na si Nognog bilang cabinet member at alter ego ng pangulo. 'Tapos, ang sabi pa ni Nognog, kaya hindi siya sumipot sa Mother-BRC hearing ni committee chair Sen Gunggongna, kase raw eh, (that's only politics!) Eh, 'di nga ba binubuo ng tunay na mga pulpolitikong IBINOTO ng taong-bayan ang Senado?"
LISA: Korek ka r'yan 'ga. Naubusan na kasi ng WORDS upang UMIWAS umatend sa hearing si Nognog para pamPALUSOT sa patuloy na dumaraming EBIDENS na TUMATABON at aabot na hanggang sa leeg nito. Ang Latin word na ALTER EGO, ibig sabihin sa English eh OTHER SELF. Samakatwid, hindi talaga pupuedeng maging alter ego ni PNoy si Nognog na isang certified na PUSAKAL na MANDARAMBONG since time immemorial!!!"
CION: "Nakana mo'day! 'Lamobang mula 1986 bilang itinalagang OIC sa Makati ni Tita Cory thru Nene Pimentel si Nognog, eh nagsimula na rin ang PANGANGAMKAM ni Nognog mula sa kaban ng Makati? Multi-million halaga ang UTANG ng Makati gov't sa mga construction contractors ang hindi pa nababayaran noon ni ex-Mayor Yabut, ang pinalitan ni Nognog. Binayarang ISA-ISA ni Nognog ang LAHAT ng mga kontratistang pinagkakautangan ng Makati ng KALAHATI, at KINAMKAM lahat ni Nognog ang natitirang kalahati!!! Biruin mo 'yon???"
No comments:
Post a Comment