ANA: "Hindi ba parang kahabag-habag ang kalagayan ngayon ni Nognog na ala-ASOng ulol na muling hinimod ang iniluwa nitong pang-LALAIT ng personal ke Pnoy? Likas talagang SINUNGALING si Nognog, kase, 3 oras daw silang nag-usap sa Malacanang para umareglo ke Pnoy, pero 2.5 oras palang nagbutas-ng-silya si Nognog at 30 minutos lang silang nag-usap ni Pnoy?"
LISA: "Mistulang mga PANIKI (panicking) na kase ang mga amuyong ni Nognog porke nakikita nilang GUMUGUHO na ang itinatayong palasyo (read: Malacanang) sa buhangin ni Nognog. Pa'no naman kase, unti-unti nang lumalabas sa mata ng publiko ang bilyon-bilyong kinulimbat mula sa kaban-ng-bayan ng dinastiyag BINAYaran. He bit more than he could chew, 'eka nga."
CION: "Kaya nga sinadya ni Nognog si Pnoy sa Malacanang para makiusap na pigilin ni Pnoy na imbestigahan siya (Nognog) ng DOJ. Otherwise, BUBULUSOK ang pangarap ni Nognog, kasama ang buong pamilya at bayarang alipores nito, at makuKULONG, sa halip na sa Malacanang sila tumira bilang panggulo ng PHL? Pakiusapan na lang ni Nognog si Pakman para hagisan siya ng kulay-puting tuwalya para libre na siya sa demanda. Mag-enjoy na lang ang BINAYaran dynasty sa 350-ha JCB Farm sa Rosario, Batangas habang 'di pa iniilit ng gov't ito, 'di ba?"
No comments:
Post a Comment