Thursday, October 16, 2014

HK LEADER OFFERS TO REOPEN TALKS WITH PROTESTERS

ANA: "Medyo kumambiyo si HK Chief Executive Leung Chun-ying matapos mapagtantong HINDI siya uurungan ng mga protesters na pilit nitong BINABARASO na sumunod sa sistema ng communist gov't na gustong ipa-IRAL ng communist China sa democratic Hong Kong. Nakunan kase ng video ang panggugulpi ng mga pulis sa isang student protester sanhi upang umalburoto sa galit ang mga protesters vs communist China thru its HK leader Leung Chun-ying,'di ba?"

LISA: "Meron nang pattern ang pambabarasong ganito ng Communists. 'Gaya no'ng 1949, the commies defeated the Nationalist forces of Generalissimo Chiang Kai-shek na puwersahang umurong sa TAIWAN no'ng December 8, 1949. Ang PROBINSIYA ng Taiwan noon eh kapwa pinag-aagawn din ng mga Komunista at Nationalista na kapwa noon nagpapahayag na ang bawat isa sa kanila ang siyang tunay na RULER ng buong China. Nagpirmahan ang USA at Nationalist China ng Mutual Defense Treaty noong 1954, bunsod upang ang Nationalist goverment na ang ligal na magpapa-iiral ng DEMOKRASYA sa Taiwan bilang isang republikang bansa."

CION: "Me tama ka r'yan 'day. Malamang sa hindi eh matutulad din ang Hong Kong sa Taiwan. Sa kapipilit kase ng mga komunistang ISUBO-ng-pilit ang sistemang komunismo sa HK eh, I'm SURE, 'di magtatgal eh MAGSASARILE bilang isang republika ang Hong Kong at mahiHIWALAY sa communist China, sumpaman! Dito masusukat kung ga'no lumaban sa GERA ang communist China laban sa Armed Forces ng GB habang nakaalalay ang US at ang UN. Sige ngaa, T'song!!!"  

No comments:

Post a Comment