Friday, October 24, 2014

ROTTEN FISH AND FOUL SMELLING INFORMATION

ANA: "NakakaHIPNOTISMO (mesmerizing) raw, ayon ke Mareng Winnie, ang mga pautot ni Tonyo Tiu sa nakaraang Senate BRsubC hearing re si Tonyo raw ang tunay na nagmamay-ari ng 350-hectare JCB Farm sa Rosario, Batangas, at hindi ang dinastiyang BINAYaran. Nag-down payment kuno ng P11-M si Tonyo sa dating may-ari ng JCB Farm (Hacienda Nognog) na kinilalang si Laureano Gregorio para sa kabuuang halaga na P450-M property! Puede ba ang gano'n?"

LISA: "Hindi! Ano siya, sinusuerte? Hoy, Tonyo, makinig ka. Humarbat ka na laang ng sunog-na-cake ni Nang Si dahil 'di na kailangan ang resibo d'yan. Nagpakilala kang isang batikang negosyante, puwes, ipakita mo bilang KATUNAYAN, ang DOCUMENTS (mga Titulo ng property) ng BILIHAN sa pagitan mo at ni Gregorio ng JCB Farm, at kung ito eh registered na sa Register of Deeds! O, 'di ba?"

CION: "Talagang PINAIIKOT ala-tsubibo ni Tonyo ang hearing sa BRsubC sa intensiyong iligwak ('wag idamay) ang BINAYaran dynasty sa kasong plunder na WALANG PIYANSA. Sa prinsipiyo ng CONSPIRACY, itong si Tonyo eh malinaw na kasabwat din sa pandarambong ni Nognog at kanyang buong pamilya. Kase, madalas sabihin ni DOJ Sec LdL, re PDAF scam, (THE ACT OF ONE IS THE ACT OF ALL). 'Yung mga kasabwat na sina Lim Lin Gan, Ba Lo Loy at iba pang Tsekwa, nasaan na? Nasa mainland China???"

No comments:

Post a Comment