ANA: "Alam mo bang ang Hong Kong was founded in 1842 by Great Britain as trading station? Ang Hong Kong ay itinuturing na isa sa pinaka-importanteng PUERTO (ports) sa buong Earth, kase, nagsilbi itong (listening post) ng mga Western diplomats hanggang mid-1900s. At kalaunan nga'y nanguna na itong industrial and tourist center sa buong mundo! O, Biruin mo 'yon?"
LISA: "Yes, yes yeow. Palibhasa eh ang Britania ang me kontrol sa Hong Kong bilang colony nito, eh siempre pa, FULL DEMOCRACY ang sistemang umiiral sa buong kolonya. Gayunman, eh merong PASINTABI ang Communist China at nagdeklara noon na ang Hong Kong umano eh parte ng kanilang teritoryo. Subalit hindi na muling humirit pa ang mga Komunista, kase, nag-operate DIN sila ng Communist People's Bank of China, kasabay ng mga malalaking trading companies mula sa Western counties."
CION:"Eh, 'yun na nga marahil ang dahilan kung bakit tila nagdadalawang-isip ngayon ang China KUNG babarasuhin para ibalik ang sistemang komunista sa mga taga-Hong Kong. Halos lahat kasi ng kayamanan, kapangyarihan at transaksiyon ng Communist China sa mundo eh sa Hong Kong ginaganap bilang pangunahing TRADING CENTER sa buong mundo, o, 'di ba?"
No comments:
Post a Comment