ANA: "Meron na namang naKALKAL si Mareng Winnie na kaso sa Sandigan-Bayan (SB) na kapareho halos ng kasong pandarambong ni Nognog at waswit nitong si Dra Elenita. Pero kung aarukin mo ang naturang kaso kumpara sa kaso ng mga Binay, eh SISIW lang ang kinulimbat na datung ni ex-Mayor Zenaida Maamo ng Liloan, Southern, Leyte - P43,000. Si Maamo eh sentensiyado ng SB ng 6 yrs, 2 Mos to 10 yrs na kalaboso no'n lamang Sept 22. Kawawa naman. . ."
LISA: "Kaya nagkapareho kasi 'yung kaso ni Maamo at ni Nognog eh dahil sa BAGAL ang usad ng naturang mga kaso. 'Yung ke Nognog eh naisampa sa SB no'ng 1994, at 'yung ke Maamo eh nangyari ang pangungulimbat niya ng P43,000 no'ng 1995, pero sinampahan lang siya ng kaso after 10 years, no'ng 2005, nung pumalit sa kanyang meyor ng Liloan, Leyte na si KAgulaNg-gulang TOmas TAN. Maliwanag, POLITIKA ang dahilan! O, 'di ba?"
CION: "Si Maamo kase eh 'di kayang magbayad ng MILYONES 'gaya ng FEES ng battery of lieyers ng dinastiyang BINAYaran. Mantakin mong pinatitigil ng mga abogago ang hearing ng Senate BRsubC sa bilyon-bilyong tinatanggap na BUKOL ni Nognog, in AID OF LEGISLATION, dahil sa isyu ng jurisdiction? Kase, kung ililipat ang hearing sa SB eh SUBJUDICE na ang isyu kung gagamitin ang istorya ng media at t'yak na mako-contempt of court sila. Kung magkagayon, eh 'di mananalong panggulo si Nognog? DISASTER!!!"
No comments:
Post a Comment