Wednesday, October 22, 2014

THE SENATE IS A POLITICAL BODY & BRsubC HEARINGS ARE A POLITICAL EVENT

ANA: "Masidhi ang ginagawang PAUTOT ng mga spookymen ni Nognog para ILIHIS ang atensiyon ng publiko re Senate's BRsubC hearings na nakasentro sa umano'y PATONG-PATONG na BUKULAN mula sa kaban-ng-bayan ng Makati ng dinastiyang BINAYaran. Hinamon ng kampo ni Nognog si Sen Trillanes na magpanghamok sila sa isang debate, ang AGENDA eh tungkol nga sa isyu ng pandarambong ni Nognog."

LISA: " Ay masaya 'to kung matutuloy, peksman. Bukod sa pipiliing MODERATORS, meron pang dagdag na kondisyon ang kampo ni Nognog. Kung tatanggapin umano ni Trillanes ang hamon eh bahala raw siyang magtakda ng araw at lugar kung saan isasagawa ang debate. Agad na sumang-ayon si Trillanes sa hamon ni Nognog na sila eh magdebate sa loob ng Hacienda JCB sa Rosario, Batangas at ang audience nila'y ang mismong mga taga-Rosario, bukod pa sa tri-media! Papayag naman kaya ang me-ari kunong si Tony Tiu?"

CION: "Para sa'ken eh pipti-pipti kung matutuloy nga 'yang pautot na 'yan ni Nognog. Kase, hindi na kailangan pang magdala ng documentary evidence si Trillanes para iwagayway sa audience na pulos botanteng taga-Batangas. Bagkos, sila'y tatanungin na lamang at kilalanin kung SINO ba talaga ang may-ari ng 350 hectares JCB Farm na nagkakahalaga ng DALAWANG BILYONG PISO, pero hindi nababayaran ng property taxes para sa kaban-ng-bayan ng Rosario!!! O, 'nong say mo???"

No comments:

Post a Comment