ANA: "Masigasig talaga ang mga spinners laban sa mga paduding ni PNoy na siya eh SLIGHTLY OPEN of extending his term of office beyond 2016. Pero alam naman ng publiko na ito'y isa lamang ploy to avoid PNoy becoming a lame duck (ineffectual) president habang papalapit ang pagtatapos ng kanyang termino sa June 30, 2016, 'di ba?"
LISA: "Uh-unga 'ga. Mistula kasing mga natubigang palaka ang mga BINAYarang spin docs na tumatanggap, certainly, ng makakapal na sobre para mag-post ng sari-saring SATIRE (pang-uuyam) against PNoy upang HADLANGAN siyang tototohanin ang kanyang paDUDA na muli siyang kakandidatong presidente para ipagpatuloy ang project: tuwid-na-daan."
CION: "Bukod kase ke VP Jojo, eh an'dami nang pinalulutang na pangalan para papalit ke PNoy, 'gaya ni Brenda na nagdeklarang tatakbo at sina Sen Poe at Rep Robredo na kapwa rin ibinubuyo. Pero sa aking analisasyon, wala pang naging presidente ng Phl maliban ke PNoy, ang nakapagpatalsik ng CJ (Rene Crown), nakapagpakulong sa ex-panggulo (Ate Glo) 'tsaka nakapagpakulong din sa 3 senaTONG (Tanda, Junggoy at Bobong Revilla). Madilim ang pag-asa ni Nognog na maging panggulo, kase nabistong mahilig siya sa 13% na BUKOL!"
No comments:
Post a Comment