ANA: "Sa totoo lang noh, indorso ni PNoy ang inaasam ni Nognog para plantsado na SANA ang ambisyong susunod siyang panggulo ng Phl. Pero nangulimlim ang inaasam na indorso ni PNoy pabor ke Nognog, kase, dinobol-kros ni Nognog ang loyal nitong bagman, Mkt ex-VM Mercado, kaya ibinulgar sa PUBLIC ang regular delivery ke Nognog ng 13% BUKOL mula sa mga contractors, partikular ang pinaYARIng P2.7-B world class na parking building. Biro mo 'yon?"
LISA: "Hindi biro-biro ang 13% bukol noh? Taxpayers' money 'yan eh! Hindi sana mabibisto ang BUKOL ni Nognog kung naging loyal din siya sa kanyang bagman. Ang dinaranas na indulto ngayon ni Nognog eh nangyari na ke Gangster boss Al Capone ng ibulgar din siya sa FBI ng sariling bagman na dinobol-kros nito dahil din sa bukulan. Si Al Capone ang siyang me kontrol ng halos lahat ng illegal operations sa Chicago, USA no'ng 1920's. Convicted ng federal jury si Capone dahil sa income tax evation."
CION: "Hindi ba dahil sa BUKULAN din kaya kumanta ng La Paloma ang bagman na si Benhur Luy vs bigboss nitong si Janet Lim-Napoles kung kaya NAKALKAL ng OMB ang modus-operandi nila? Nakontrol ng todo-todo ni Janet ang PDAF ng mga onorable sa dalawang TONGreso at TUMABO ng milyon-milyon kumisyon hanggang sa nabisto nitong dinodobol-kros daw pala siya ni Benhur. So, meron patern ang kaso vs Nognog - 'kung mang-AAWAY ka ng 'yong bagman, siguradong KULONG KA!!!"
No comments:
Post a Comment