ANA: "Bilib talaga ako sa tapang ni AFP CoS Gen GP Catapang nang utusan ang ating Pinoy UN Peacekeeping Forces na HUWAG susunod sa order sa kanila ni UNDOF (UN Disengagement Observer Force) Commander Lt Gen Iqbal Singh Singha na SUMUKO sa mga Syrian rebels na kumubkob sa kanilang kampo sa Golan Heights, Israel. Kase, gustong ISINGA (pawalan) ni LtGen Singha 'yung 45 sundalong Fijians na unang naSINGHOT (kusang sumuko) sa mga rebelde kapalit ng kusang pagsuko RIN ng mga Pinoy?"
LISA: "Aba eh talagang SALBAHE pala 'tong si Gen Singa na isang lahing Bumbay. Gusto niyang iligtas (salvaged or rescued) 'yung kalahi niyang mga sundalong Fijians na kusang nagpa-hostage sa mga rebeldeng Syrians sa pamamagitang ng kanyang ORDER sa mga Pinoy soldiers na sumuko sa mga rebelde para ma-SALVAGE din ang mga Pinoy 'gaya ng mga bobong Fijians soldiers? Dalawa kase ang meaning ng word na salvage eh. Una, sabi ni Webster, salvage is to SAVE. Sabi naman ng mga PMAers na 'gaya ni Rehabilitation Sec Ping Lacson, salvage is to MURDER!!!"
CION: "Well, batay sa history, ang Fiji country na matatagpuan sa South Pacific Ocean eh isa ring archipelago tulad ng Phl. Pero, wala pang isang milyon ang populasyon nito na pawang mga lahing Bumbay na 'gaya ni Gen Singa. Ang Fiji eh meron lamang land area of 7,055 sq.miles, halos 'sing laki lang ng combined Palawan and Masbate. Sakop ng Crown colony dati ang Fiji, from Oct 10, 1874 and gained independence ONLY on Oct 10, 1970. So, understandable naman na meron konting discrepancy between utak ng Fijian general at PMAer re SALVAGING, o, 'di ba?"
No comments:
Post a Comment