Thursday, September 25, 2014

ALL MAKATI BIDDINGS RIGGED

ANA: "Hindi ko na kayang arukin ang dami ng LIBAK na tinatanggap ng mga Binay re bidding-biddingan kuno ng Makati Gov't na nagsilbing IMBUDO ng bilyon-bilyong kayamanan ng pamilya ni VP Jojo, matapos lumantad ang isa pang witnesss at kumanta ng La Paloma sa Senate Blue Ribbon Committee hearing ngayong araw, Sept 25, 'lamoyon?"

LISA: "Uh-unga 'ga. Kagimbal-gimbal din ang pahabol pang EBIDENS ni ex-VM Estong, kase, ipinangalan lahat ni Nognog ang 4 na titulo ng isang ektaryang lupa (landgrabbed property) sa loob ng Fort Bonifacio, Makati bilang DUMMY kina Lim Lin Gan at asawa nitong si Erlinda Chong na nagkakahalaga umano ng P1 BILLION, pero hindi deklarado sa SALN ni Nognog. O, biro mo yon???"

CION: "Parang hindi yata landgrabbed 'yon, kase, mismong si ex-VM Estong, ayon daw sa UTOS sa kanya ni Nognog, ang lumakad sa LRA para maisyuhan ng OCT (original certificate of title) ang naturang property sa presyong P100.00 per square meter at ipinangalan nga sa mag-asawang Tsekwa na dummy ni Nognog. Kinalauna'y ipinabenta raw ni Nognog sa Mormon Church ang isang sukat na 3000 sq.m sa halagang P100,000.00 per sq.m! T'yak daw na hindi alam ito ng BIR, peksman!!!"    

No comments:

Post a Comment