ANA: "Katulad ng sinasabi sa kolum ni Mareng Winnie, tayo rin, 'gaya nga ni Mareng Winnie, eh nagsisiwalat o nagbubunyag o naghahayag, o sa salitang Ingles - REVELATION para sa kaalaman din ng Pinoy, ang hinggil sa PANDARAMBONG ni Nognog mula sa kaban-ng-Makati simula pa no'ng siya eh italaga ni Tita Cory bilang OIC ng Makati no'ng 1986."
LISA: "Me tama ka r'yan 'ga. Kase, dahil sa Senate hearings eh unti-unting lumilinaw sa Pinoy na si Nognog eh TUNAY na mahirap ang buhay bilang isang human rights lawyer at nangungupahan lamang sa apartment bago siya na-appoint na OIC ng Makati no'ng 1986. Pero 'di na maitago ngayon ni Nognog sa mata ng publiko ang mga EDIBENS ng pangungulimbat nito dahil halos 'sing yaman na niya ang mga Ayalas o Aranetas na lehitimong mga NEGOSYANTE simula pa no'ng early 1900s! O, 'di ba?"
CION: "Yes, yes yeow! Kahit ang Senate BRsubC lamang ang ating source of info, we had in effect to depend on the court of public opinion. Para kase itong KUMUNOY na habang umaalpas si Nognog na naka-swak sa gitna, eh lalo lamang siyang lumulubog kasama ang kanyang buong pamilya. Kailangang kumilos ng mabilis ang BIR, before May 2016 Elections, para mabawi ang mga kayamanang dinambong ni Nognog bago pa masaid ito para ipamudmod sa mga BOBOtantes. 'Yun na!!!"
No comments:
Post a Comment