ANA: "Oy, 'lamobang magdamag na NILIMI-LIMI (reviewed) ni Sir Leo (OleSapra) ang ating mga ipinublika sa Internet sa nakalipas na 2-taon (2012 - 2014), at leoparas.blogspot.com under ANA/LISA/CION? Sa pagbubukas kase ni Sir Leo ng kanyang desktop ngayong alas-4 ng umaga, January 1, 2015, eh nakapagtala na pala tayo ng 838 posts at meron na rin tayong 30,306 pageviews all time history as of this writing! Wow!!!"
LISA: "Well, totoo 'yan 'ga. Pero, dapat din nating linawin sa ating libo-libong viewers worldwide, na binuo ni Sir Leo ang ANA/LISA/CION upang ipaglaban ang KARAPATAN ng mga inaaping Pinoy sa pamamagitan ng social media o internet, partikular ang mga biktima ng land grabbing syndicates. Batay sa kasabihan sa wikang Latin - SI VIS PACEM, PARA BELLUM (Kung nais mo ng kapayapaan, humanda ka sa pakikipaglaban). Kase nga, si Sir Leo mismo eh mag-isang LUMALABAN porke biktima rin siya ng land grabbing syndicate na Balikatan aka BFS."
CION: "Base sa taksan-taksan na documentary evidence na hawak ni Sir Leo, eh napagdugtong-dugtong niya ang MODUS-OPERANDI ng sindikato na kinabibilangan ng Balikatan na isang private entity, ang RTC-Antipolo, Register of Deeds-Binangonan at ang pekeng homeowners association ng Palmera Hills II Subd, Taytay, Rizal. Pending ang House of Representatives investigation vs Balikatan dahil sa reklamo ng 52,000 homeowners nationwide na pinalayas mula sa mga hinuhulugang-bahay ng sindikato. Isinumite lahat ni Sir Leo ang mga ebidensiya mismong ke Ombudsman Conchita Carpio-Morales noong December 12, 2014 2:55. MANIGONG BAGONG TAON SA LAHAT!!!
No comments:
Post a Comment