ANA:"Mahigit na 3-buwan pala ang ginugol sa pagpaplano sa raid na pinangunahan mismo ni Sec LdL sa NBP no'ng nakaraang Lunes, noh? Kung lilimiin, meron daw kasing leakages sa isasagawang raid, kaya naman muling INULIT ni LdL ang ikalawang raid no'ng Biernes, kasabay ng pagsibak ni LdL sa 3 matataas na opisyal ng NBP. Hay, buti nga."
LISA: "Ay ako, alam ko kung sino-sino ang mga nagbunyag sa isasagawang raid, sila 'yung mga waswit ng drug lords! Kase, tinatawagan daw ang celfone ni Heneral Bukayo nu'ng Linggo ng gabi before the raid, tinatanong si Bukayo kung saan daw ililipat na kulungan ang kani-kanilang asa-asawa, o, 'di ba?"
CION: "Saktong 20 kuno ang bilang ng mga high-profile at very-important-preso (VIP) sa NBP. Kung ako ang tatanungin para iresolba ang kasong 'to vs VIPs eh tanggalin na sana ni PNoy ang prohibition sa BITAY at bitayin ang 20 VIPs ng sabay-sabay. O, kaya eh, igawa sila ng bagong bilibid a la Alcatraz sa Spratley na lumulubog ng hanggang leeg (1.5 mtrs) kung high tide, 'tsaka do'n sila'y eksklusibong ikalaboso, sa halip na sila'y ikulong at ihalo sa gagawin pa lamang na NBP sa Laur, Nueva Ecija. Perfect!!!"
No comments:
Post a Comment