Palmera Hills II Subdivision
Taytay, Rizal
December 6, 2014
Dear PNoy,
Ako po ay si Laoag Albano Paras, a.k.a. Ole Sapra (Leo Paras). Ako po'y dating deskman ng Ang Pilipino Ngayon (APN), now, Pilipino Star Ngayon (PSN) ng Phl Star Publishing bago naging Konsehal ng 3rd District ng Quezon City noong panahon ng inyong mahal na ina, ang Mahal na Pangulong Cory.
Hindi po ito ang unang pagkakataon na sumulat ako upang ipagbigay-alam sa inyo ang walang-katapusang paggigipit ng DB Global Opportunities (DBGO), o mas kilala sa tawag na BALIKATAN, kasabwat nito ang pekeng homeowners' association ng Palmera Hills II Subd. at ang Regional Trial Court-Antipolo para sa double-selling ng low-cost housing a la Delfin Lee sa buong Rizal province.
Noong December 11, 2012 (12:15 pm) ay nagsampa ako ng reklamo sa National Bureau of Investigation (NBI) laban sa walang-humpay na land grabbing activities ng sindikato na bumiktima na ng mahigit 52,000 homeowners, batay sa report ng Committee News, Volume 15 / No. 49 / June 11, 2008 (http://www.congres.gov.ph) ng House of Representatives at patuloy pang bumibiktima hanggang sa panahong ito ng marami pang homeowners sa buong Pilipinas.
Napasa-aking pamilya ang aming tirahan sa Palmera Hills II Subd sa pamamagitan ng adverse possession sa ilalim ng Section 70, P.D. 1529 noong 2000 at makalipas ang 12-taon (September 5, 2012) ay nagharap ako ng Petition for ADVERSE CLAIM sa Register of Deeds-Binangonan para maisyuhan kami ng Original Certificate of Title (OCT) kapalit ng Transfer Certificate of Title (TCT) na nakapangalan sa hindi totoong-tao (fictitious).
Kahapon ng alas-2 ng hapon (December 5, 2014) ay dumating sa aming bahay, habang wala ako, ang isang nagpakilalang sheriff at isinilbi ang isang NOTICE TO VACATE at may kabastusan umanong ipinagduldulan sa aking asawa, Rosita Paras, para tanggapin ang dokumento at pilit pang pinapipirma. Hindi napilit na lagdaan ng aking asawa ang dokumento kahit iniwan din ng sherrif ang dokumento, pero ng dumating ako'y dinatnan kong kinakapos sa paghinga ang aking asawa.
Nang bumuti na ang kalagayan ng aking asawa ay minabuti kong kagyat na magsadya sa RTC Branch 98, Antipolo, en punto alas-3 y medya, upang kausapin si Sherrif IV Maria Teresa S. Leis, ang nagsilbi ng Notice to Vacate sa aking asawa, ngunit hindi na pala sa Antipolo ang opisina ng RTC Br. 98 porke lumipat na sa bagong munisipiyo ng Taytay, Rizal. Samantala, bakit sa Antipolo pa rin ang address ng RTC Br. 98 kung saa'y siyang nag-isyu ng isinilbing Notice to Vacate na may petsang December 5?
Halatang nataranta si sherrif Leis sa hindi niya inaasahang pagpunta ko sa kanya, dala-dala ko ang mga dokumento at ang titulo ng aking property - TCT No. 599677 - na mayroong annotation sa likod:
"Entry No. 2012008124 Date: September 5, 2012 2:15 pm
CONSULTA RAISED BY REGISTRANT: MEMORANDUM: OCTOBER 17, 2012, 10:38 AM
RE: NOTICE OF ADVERSE CLAIM UNDER ENTRY NO 2012008124 DATED 09/05/2012 TO
THE ADMINISTRATOR, LRA.
Edgar H. Naig
Uploading Clerk"
Noong May 28, 2013, sa ilalim ng OR#4013032 at OR#4018040 ay kumuha ako ng sertipiko kung saan ginanap ang subasta - CERTIFICATE OF SALE of TCT No. 599677 - sa RTC, Office of the Clerk of Court, Ex-Officio Sherrif, Antipolo City - "IT IS HEREBY CERTIFIED, that on the November 25, 2009 at 10:00 o'clock in the morning, at the main entrance of the Municipal Bldg. of Taytay, Rizal, by virtue of a Real Estate Mortgage, ."
Duly signed by Joselita C. Malibago-Santos, Clerk of Court and Ex-Officio Sheriff; Prepared and Verified by Rolando P. Palmares, Sheriff-in-Charge, and Noted by Executive Judge RUTH C. SANTOS.
Samantala, hindi tugma ang lugar kung saan ginanap ang subasta batay naman sa kopya ng CERTIFICATE OF SALE na ipinarating sa amin ni Sheriff Leis para sa TCT No. 599677, batay sa Decision ni Judge MA. CONSEJO GENGOS-IGNALAGA, Presiding Judge of RTC Br. 98 dated September 19,2013 - "... and a certificate of sale was subsequently issued on July 22, 2010 and registered with the Office of the Registry of Deeds for Marikina, Metro Manila on March 31, 2009 under Entry No. 2012000398."
Mahal na PNoy, matindi na po ang epekto ng panliligalig ng Balikatan o BFS laban sa mga homeowners, partikular dito sa Palmera Hills II, Taytay, Rizal. Kasabwat ng Balikatan ang pekeng homeowners' association dito sa aming subdivision sa pagpapalayas ng mga lehitimong homeowners ng Balikatan o BFS. Namatay dahil sa atake sa puso si Ramon Dejumo, may-ari ng property by adverse possession sa Blk 11, Lot 4 (TCT No. 592979) noong buwan ng Julio makalipas ang bagyong Glenda, dahil puwersahan siyang pinalayas ng Balikatan sa tulong ng pekeng homeowners' association sa pamumuno ni Ginoong Edgardo Leones.
Para sa kaalaman ng mahal na PNoy.
No comments:
Post a Comment