ANA: "As usual, umiral na naman ang turuan, sisihan at pababaan ng bilang ng mga naputukan ng firecrackers o tinamaan ng ligaw-na-bala ng baril sa katatapos na pagsalubong sa taong-2015 kumpara sa nakalipas na year 2014. Ano ba kasing epekto kung mas kakaunti man ang nadisgrasiya kumpara sa mga nakaraang-taon, ha? Tuloy ba uli ang walang-habas na pagpapaputok ng baril at firecracker next year?"
LISA: "Uh-unga 'ga. Bakit, INUTIL ba talaga ang PNP para gayahin ang ginawa ni DOJ Sec LdL na NAGLATAG ng mga drop boxes sa NBP para isuko ng mga preso ang mga itinatago nilang baril at sari-saring mga armas, otherwise, hahalughugin ultimong tumbong nila? Alam naman kasi ng mga Pulis kung saang lugar maraming mga nagpapaputok ng baril tuwing sasalubong ng bagong-taon, o,'di ba?"
CION: "Amenable ako sa sinabi mong inutil nga ang PNP, 'day, tungkol sa paghuli ng mga loose firearms at ganun din sa pyrotechnics. Siguro eh mabuting ipanukala ni DILG Sec Mar para amyendahan sa Kongreso, re law on pyrotechnics, na TOTAL BAN ang pag-manufacture o importation nito, maliban sa LGUs na siyang pahihintulutang magsagawa ng fireworks displays in the town plaza tuwing okasyon ng pista o pagsalubong sa bagong-taon. 'Yun na!!!"
No comments:
Post a Comment