Friday, January 16, 2015

UPHOLD THE RIGHTS AND DIGNITY OF THE POOR - POPE FRANCIS

ANA: "Asusmaryopes, an'dami-daming tinamaan sa PANGARAL ni Pope Francis kahapon sa Malacanang, partikular si Nognog at waswit nitong si Dra - 'uphold (ipagtanggol) the rights and dignity of the people, particularly the poor' - Kase, akala ng mag-asawang Nognog eh sila lang ang merong karapatan (rights) at karangalan (dignity) para MANDAMBONG ng kuarta-ng-Bayan???"

LISA: "Nakana mo 'ga, peksman! Sa totoo lang, feeling ni Nognog bilang VP, eh meron siyang RIGHTS & DIGNITY para huwag o hindi siputin ang anomang klase ng hearing sa Senado man o sa Ombudsman laban sa kanya at pamilya. Ipinaglalaban din ni Nognog ang rights and dignity nina Limlingan at Ebeng na umano'y mga IMBUDO niya sa pandarambong ng bilyon-bilyong pondo ng Makati City! Biro mo 'yon???"

LISA: "Sa milyon-milyong Pinoy na nakatunghay sa TV sa pagdating ng Pope kahapon sa Malacanang eh sure akong napaglimi-limi nila ang malaking kaibahan ni PNoy at Nognog re pa'no ipagtatanggol (UPHOLD) ang rights and dignity (KARAPATAN at KARANGALAN) of the poor! 'Yun kasing ipinagtatanggol ni Nognog eh hindi naman mga POOR, 'gaya ng asawa niyang si Dra, senadorang anak na si Nang Si, tongresmang anak na si Abi Bulate, meyor na anak na si Dayunyor. O, anong say mo?"  

No comments:

Post a Comment