ANA: "Ang lalim ng tanong na pinasasagot ni ex-CJ Art Panganiban sa Pinoy hinggil sa kasalukuyang peace agreement na isinusulong ng Phl Gov't at MILF, pero, NABAHIRAN ngayon ng sindak, galit, takot ng Pinoy, partikular mula sa mga naulila, matapos na PULBUSIN (massacre) ang 44 nilang mga kaanak na pawang PNP-SAF members sa Mamasapano, Manguindanao last Sunday."
LISA: "Yes, at para sa akin eh itinuturing ko silang mga BAYANI! Pero 'wag naman ITIGIL ang peace agreement na isinusulong ng Phl Gov't at MILF upang matuldukan na ang paghahamok ng Pilipino laban sa kapwa Pilipino 'gaya nga ng 'massacre' sa 44-SAF na kagagawan umano ng BIFF. Iginigiit kasi ng ilang 'matatalinong senador' na unconstitutional daw ang Bangsamoro Agreement. Gano'n? The Bangsamoro is about the development of people, NOT about the constitutionality of words! O, 'di ba?"
CION: "Kaya nga palagi nating sinasabi sa ating ana/lisa/cion, ang Bangsamoro Agreement eh KASULATAN para wakasan na ang MADUGONG hidwaan, 'gaya noon sa Europe vs Papacy. No'n kasing 1929, ang Italia eh nakipagkasundo ke Pope Pius XI para resolbahin ang kanilang 60-taon hidwaan sa pamamagitan ng Lateran and Concordat treaties bilang pakikipagkasundo. Tinanggap ito ng Simbahang Katolika. Mula noon eh naging independent State ang Vatican na geographically, eh nasa loob ng Italy, at mula no'n eh nagpapadala na sila ng Papal Nuncio (ambassador) sa buong mundo. Anong say mo Sen Brenda?"
No comments:
Post a Comment