ANA: "O, 'yan. Humihirit na si Sen Gunggongna para mag-establish ng truth commission na popondohan ng P50 million para UKILKILIN (usisain) ang totoong dahilan bakit natigok ang 44 SAF members no'ng Sunday sa Mamasapano. Sila ba eh na-ambush (massacred)? o nagkaroon ng fierce firefight vs combined MILF and BIFF? Kase, baket halos lahat ng napatay na 44 SAF eh merong tama sa ulo 'tsaka kinulimbat din ang mga uniporme, selfon, relos at baril?"
LISA: "Pabor ako sa truth commission 'ga. Tingnan mo, magiging INDEPENDENT PROBE ang komisyon na 'yan, peksman. Independent to the executive, independent to the legislative, independent to the judiciary. Basta ang operative word eh INDEPENDENT. So, ngayon pa lang eh saklot na ng pangamba ang mga amuyong ni Nognog na hindi nila kakayaning gumawa ng KABUKTUTAN para isalamangka ang imbestigasyon at idiin si PNoy sa kaso for his impeachement?"
CION: "Yes, yes yeow. 'Lamoba 'day na matinding NAKIKISAWSAW ang mga amuyong ni Nognog sa imbestigasyong ginagawa ng PNP, AFP at MILF para labusawin ang nasabing parallel investigations sa hangaring pag-awayin sina PNoy at SILG Mar Roxas? Biruin mong nagpalutang pa sila ng mga haka-haka sa media na papalitan na raw ni ex-Sen Ping Lacson sa kanyang puwesto si Mar Roxas? Kung popondohan ng P50-M ang Truth Commission, ang LABUSAW KOMISYON naman ni Nognog eh meron P1 Bilyon pondo! Nakanang ina, hhuuu!!!"
No comments:
Post a Comment