Saturday, February 7, 2015

SAF-LED OPERATION WOLVERINE A LA CIA-LED OPERATION NEPTUNE SPEAR

ANA: "Kung tutuusin eh ISANG BALA lang ang pinawalan ng Phl Gov't para ASINTAHIN ang dalawang hakbangin: PURSUING TERRORISTS and PURSUING PEACE! Pero ang naging resulta eh ganap na kabiguan (fiasco) ng misyong ipinatupad ng SAF. Ang nadiskaril na mission could have escalated into a full blown war had the AFP joined the fray! T'yak 'yon!

LISA: "Totoo 'yang ana/lisa/cion mo 'ga. Meron kasing similarity ang Wolverine ng SAF sa CIA-led Operation Neptune Spear na tumigok ke Osama bin Laden sa Pakistan no'ng May 2011. Mabuti na lang at tagumpay ang naturang operasyon, otherwise, ibayong kahihiyan at batikos sana ang TATAMUHIN ng US mula sa kalabang politiko ni Pres Barack at mga Islamic sa buong mundo, 'di ba? Parang 'yan kase ang masaklap na nangyayari ngayon ke PNoy na GINAGATUNGAN pa incognito ni Nognog, sumpaman!

CION: "Nakana mo 'day! Tingnan mo ha, kung halimbawang sina Marwan at Usman eh kapwa natiklo patay man o buhay, at walang nalagas sa hanay ng SAF, disinsana'y celebratory mood would have greeted the returning SAF commandos. 'Di rin makakareklamo ang MILF about unannounced police raid into its territory, kase, civilian ang kategorya ng Pulis at hindi Militar. Kung nagkagayon, sana'y tuloy-tuloy din SMOOTHLY ang passage ng BBL, peksman!!!"

No comments:

Post a Comment