Friday, February 20, 2015

TINGTING: ADVISORY COUNCIL

ANA: Ay, ano ba 'yan! mistulang halinghing ng haliparot naman 'tong mga ipinupublikang BUKADURA ni Tingting, noh? Biruin mong advisory council daw ang mainam na ihalili sa PNoy Gov't 'tsaka pangungunahan daw ni Nognog? - DISASTER! Hindi naman sa panlilibak, pero,'di ko talaga maarok kung me SALTIK, o MAKITID, o talagang DAYUKDOK (famish) sa PDAF-DAP 'tong si Tingting, noh?"

LISA: "O, 'yang puso mo 'ga, alalay ka lang, 'wag kang highblood. Si Tingting kasi na waswit ni angkol PIP Ko Hwang Koy eh TIGMAK (punong-puno) ng galit-sa-dibdib porke sadyang hindi sila BINIGYAN ng position sa PNoy Gov't kahit man lang sana mga Bgy Tanod sa Hacienda Luisita. Kase, nawalan na ng dahilan ang mag-asawa na ARIIN ang hacienda Luisita dahil pinamudmod na ng PNoy Gov't sa mga magsasaka ayon sa land reform law, o, 'di ba?"

CION: "Me tama ka r'yan 'day, ang galing mo. So, WA-EPEK sa publiko ang payanig ng mag-asawang angkol PIP at Tingting, 'tsaka si Nognog na bespren nila, na pulos PADUDING ang inaasal sa pagtanggi na hindi mandarambong ang kanyang buong pamilya. Buking na ng sambayanan, pati mga BOBOtantes, ang RAKET (propesyon) ni Nognog na kamkamin ang pondo ng bayan upang siyang laang-gugulin para UMUPO siya bilang panggulo ng Phl, by hook or by crook???"

No comments:

Post a Comment