ANA: "Sa'king pagmuMUNI-MUNI, para ngang hindi balanse 'yung hinihinging authority ng MILF mula sa GRP sa pamamagitan ng kanilang BBL agreement. Tingnan mo, kung ihahambing sa LATERAN TREATY (full temporal powers) na ipinagkaloob ng Italian Gov't para sa Vatican City no'ng 1929, ang Vatican eh meron na noon sariling pondo (Peter's Pence) na nanggagaling sa buong mundo. O, 'di ba?"
LISA: "Ay, sinabi mo. Kung KIKIlatisin mo kasing maige 'yung BBL agreement, eh hindi talaga kaaya-aya ang amoy, noh? Kase, bakit ang BBL eh NANGHIHINGI pa ng PONDO, bukod pa sa humihirit din sila ng HIWALAY na Comelec, sariling COA 'tsaka sarili ring Pulis at Army? Sino ba kase ang itatalaga nilang armed-forces nila, ang BIFF? Ano ba'ng akala ng MILF sa sarili nila, SWERTI???"
CION: "An'dami-rami mo namang tanong 'day, nahilo talaga ako sa amoy, hhrmmp! Pero 'lamobang napagTANTO kong hindi nga dapat na ituloy pa ang BBL agreement HANGGA'T HINDI isinusuko ng MILF sa Phl Gov't ang teroristang si Abdul Basit Usman, 'tsaka, HANGGA'T HINDI rin sinosoli LAHAT ng mga baril at sari-saring gamit ng mga nasawing BAYANI, ang SAF 44, sa Mamasapano clash na umano'y INAMBUS ng combined MILF at BIFF no'ng 25 January. Anong ba'ng gusto n'yo, WAR???"
No comments:
Post a Comment