Saturday, February 28, 2015

MILF FIGHTER TURNED WPP-WITNESS

ANA: "Kung patay-malisya no'ng una si MILF chief peace negotiator Mohagher Iqbal, kasama ang taga-gov't panel na sina DILIS at COLONEL, sa pagkakaHATI ng PNP at AFP re Senate inquiry on Mamasapano clash na ikinamatay ng 44 SAF commandos no'ng January 25, eh sila rin ngayo'y naYANIG at nabulabog dahil sa pagsulpot ng isang MI-fighter para magWETness under WPP, sabi ni DOJ Sec LdL. Patay kang bata ka!!!"

LISA: "Naku, mapapajingle ka nga sa news na'to, noh! Biruin mong mahaHATI rin ang MILF at lalantad ang katotohanan kung hanggang-saan talaga ang MILF participation sa pagKUPKOP sa 2 international terrorists Marwan & Usman bago nila (MILF/BIFF) binistay ng bala ang SAF 44 habang gumagawa ng withdrawal matapos ma-neutralize at putulin ang daliri ng natigok nang si Marwan sa Mamasapano. Para bagang sistema rin ito ng divide and rule, o, 'di ba?"

CION: "Korek ka r'yan 'day. Kung nagPEACE na sa isa't-isa ang AFP at PNP, ngayon nama'y ang MILF ang tiyak na MAHAHATI re Mamasapano MASSACRE (44 SAF commandos, 18 MILF guerillas and 5 civilians BRUTALLY KILLED). Kase, sabi raw ni LdL, eh aawit na ng Kukurukuku Paloma ang MI guerilla na kusang sumuko sa NBI para sabihin ang TOTOO under oath. So, medyo nanghihilakbot ngayon ang kampo ni Iqbal na BAKA mahati ang MILF na makakaapekto upang i-overhaul ang BBL? Hay, sana nga!"  

No comments:

Post a Comment