Saturday, February 21, 2015

REAL EDSA TIMELINE: FEBRUARY 22, 1986, A SATURDAY

ANA: "Full time auxiliary at vice rector pala sa curcillo class ng Holy Infant Curcillo Team (HICT) noon si Sir Leo na ginaganap sa Mambugan, Antipolo curcillo house, sa rectorship at b-day din ni Bro Naning Alinea (deceased), no'ng masagap sa kanyang car radio ang impending EDSA PEOPLE POWER, 6:45 ng gabi, Feb 22, 1986, a Saturday. Sumagsag na umuwi si Sir Leo, kase, stone's throw lang ang layo ng kanilang bahay sa Camp Aguinaldo. 'Pinanganak ka na ba no'n?"

LISA: " Hindi pa oy! Reporter kasi no'n si Sir Leo at siniguro muna niyang ligtas ang kanyang pamilya bago niya pinasadahan ang kanyang BEAT (camps Aguinaldo & Crame) 'tsaka inalam ang mga kaganapan sa pamamagitan ng pagkuha ng pictures (3 rolls of B&W films) sa unti-unting pagdami ng tao sa Santolan Road, kasunod ng panawagan ni Jaime Cardinal Sin, sa harap ng Camp Aguinaldo. Pero, kailangang bumalik agad si Sir Leo sa curcillo house (4:30 AM, Sunday), kase, magbibigay siya ng talk (Rollo 11) sa umagang 'yon, at last day ng seminar. Curcillista ka ba?"

CION: "Hindi, very young pa kase 'ko eh. So, ika-29 anibersaryo na pala ng REAL people power na bloodless, ayon sa history. Ang first and foremost na real people power kaya ang gustong ISADULA ng mag-waswit na angkol PIP at Tingle (kilig), kasama ang mga BINAYaran? Sino naman ang papapel na cardinal Sin na gagawa ng panawagang magtungo ang publiko sa kanto ng Edsa at Santolan? Sino rin ang gaganap na Tanda at Tabako tandem. Siempre, ang malaking tanong eh, saan manggagaling ang publiko na magsisiksikan sa Edsa kanto ng Santolan na KUSANG magtutungo roon para bantayan ang 2 kampo???"        

No comments:

Post a Comment