ANA: "Nagkita-kita kahapon ang mga KUPALs (coup plotters) na grupong National Transformation Council sa Lipa City para siguro magsisihan kung bakit WA EPEK porke maagang naBUKING ng Intel Community ang kanilang planong IKUDETA ang ika-29 anibersaryo ng Edsa People Power no'ng February 25 sa pamamagitan ng pagpapatalsik ke PNoy!"
LISA: "Pa'no, SUMABLAY na naman 'yung plano ng KUPALs na magma-martsa sana mula sa North, South, East and West ng Metro Manila para magtipon-tipon sana sa Edsa Shrine. Kase, nagmistulang paradahan ng mga sasakyan ang buong kahabaan ng Edsa mula umaga hanggang gabi dahil sadyang BINARAHAN ng MMDA, sa utos ng INTEL, ang daloy ng trapik sa Edsa northbound mula Mandaluyong."
CION: "Sising-alipin (attrition) ngayon ang mga KUPALS at humihirit pang hindi naman daw kudeta ang balak nila vs PNoy. Halatang takot silang kasuhan ni DoJ Sec LdL ng REBELLION or plotting a coup porke sila naman daw eh walang ARMED COMPONENT, 'tsaka hindi raw sila taga-gobyerno. Sino-sino sila? Heto ang COLLEGIAL BODY ng NTC: Norberto Gonzales, Kit Tatad, Renato Corona, Fernando Capalla at Ramon Arguelles. Wala sa meeting ang mag-asawang angkol PIP at aunTI TING Garampingat 'tsaka si Nognog."
No comments:
Post a Comment