ANA: "Napakinggan ko sa dzrh 'yung interview ni Deo Macalma ke Cong Pong (the then AFP CoS Gen Rodolfo 'Pong' Biazon). No'n daw kasagsagan ng coup d'etat vs Tita Cory Gov't no'ng 1987, no'ng tinamaan ng bala sa leeg si Noynoy, now, PNoy, eh kagyat na SUMAGSAG si Gen Pong sa Malacanang para i-SECURE ang Seat-of-Gov't, ayon mismo ke Cong Pong. Nagkanya-kanyang ISKERDA raw 'yung NAKAPALIBOT sa Malacanang na soldados ni Col Gringo pagdating doon ng tropa sa pangunguna ng CoS."
LISA: "Uh-unga 'ga, heard ko rin 'yung interview ke Cong Pong sa dzrh. Ang dinatnan daw ni Gen Pong sa Malacanang na NAGBABANTAY eh 2 tao lang, sina noo'y ExeSec Joker Arroyo at si Mkt OIC-Mayor Jojo Binay. Tapos eh nag-dial daw si Joker ke Tita Cory na noo'y nasa isang safe house 'tsaka iniabot ang telefon ke Gen Pong at nag-ORDER, pronto, si Tita Cory sa CoS na makipagkita agad, kasama ang kanyang tropa, ke Defence Min Fidel Ramos sa Camp Aguinaldo. In other words, pinaaalis ang CoS ni Tita Cory sa Malacanang, batay sa gustong mangyari nina Joker at Jojo!!! Bakit???"
CION: "Siempre, tinanggihan ng AFP CoS ang kanyang Commander-in-Chief at sinabing huwag maniniwala sa 2 niyang SULSULTANT porke hindi kaya ng DUO na bantayan ang SEAT-OF-GOV'T sa IMPENDING na pag-agaw ng mga KUPALS sa pangunguna ni Col Gringo? Kase, tanging ang AFP lang umano, sa pangunguna ng CoS, ang makakaSECURE sa seat-of-gov't laban sa mga coup plotters na masterminded UMANO ni JPE bilang nakatakdang papalit daw ke Tita Cory? Unang-UNA, 'di ba magkasama sa partido ngayon sina Tanda at Nognog??? Anong say mo, Sen Gringo, sir?"
No comments:
Post a Comment