ANA:"Makabagbag-damdamin talaga 'yung mga BINIGKAS (uttered) ni OIC-CPNP Espina kahapon sa House of Tong.. este Congress pala, noh? Tumulo talaga ang sipon ko, kase, kaya raw pala walang-habas na binistay ng bala ng MILF/BIFF ang nakabulagta at buhay pang SAF eh dahil wala raw si Koordinasyon? Sino ba 'yon, kilala mo?"
LISA: "Naririnig ko na nga 'yang si Koordinasyon na'yan eh. Kase, pati ang AFP eh HINAHANAP din siya bago umano sila (AFP) magpasyang SUMAKLOLO sa INAMBUS na SAF! After lang ng labing-isang oras bago nasaklolohan ng AFP ang SAF pero 44 na ang dedbol sa panig ng SAF. Gayunman, eh 'di pa rin nagpakita sa AFP, maging sa MILF, si Koordinasyon! Putragiz, ako ang titigok sa kanya, sumpaman!!!"
CION: "Heh, 'wag ka ngang mag-ala bobotantes noh? Hindi tao si coordination, kundi PROTOCOL (rules of etiquette of the diplomatic corps) na umano'y hindi sinunod ng SAF bago isilbi ang arrest warrant ke Marwan na naro'n sa teritoryo ng MILF/BIFF, at unang napatay ng SAF. Pero, mistulang miting-de-abanse sa plasa Miranda 'yung IMBI-tigas-yon ng house of thieves re Mamasapano clash, walang kaduda-duda!!!"
No comments:
Post a Comment