ANA: "O, kitam? Sa kagustuhang idiin, ilubog at ibulid sa KASALANAN si PNoy ni Sen Bonget Marcos re Mamasapano massacre of Fallen SAF 44, aba'y INAMIN ni Bonget na alam kuno ng isang nakaupong Pangulo ang bawat MILITARY operation!"
LISA: "So, indirectly, eh INAMIN na rin ni Bonget na hindi lang alam, kundi INUTOS MISMO ng kanyang ama na si Dictator Ferdie sa MILITARY (AFP), ang Jabidah massacre (Corregidor massacre) o ang pagPULBOS no'ng March 1968, sa mga kabataang Moro recruits habang nagtatangkang takasan ang kanilang covert training to reclaim Sabah!??"
CION: "Precisely! Tumpak-na-tumpak ka r'yan 'day! Dang'kasi, sinasakmal ni Bonget ang pagkakataon, 'gaya ni Nognog, na magpalipad-hangin sa mga BOBOtantes para UMANGAT at pumaimbulog ang kanilang pangalang dalawa para sa 2016 presidential election, 'di baleng apak-apakan nila ang reputasyon ni PNoy re sa Fallen SAF 44, na umano'y maling desisyong ipinag-utos kuno ni PNoy???"
No comments:
Post a Comment