Wednesday, February 4, 2015

FINDING THE TRUTH

ANA: "Hoy 'ga, 'lamobang pinatanyag (popularized) ng U S ang mga salitang TERRORIST 'tsaka ISLAMIST bilang pagtukoy laban sa kanilang mga kalaban, 'gaya ni international bomber Marwan (unang napatay ng fallen SAF 44) at BIFF?"

LISA: "Uh-unga, me tama ka r'yan, peksman. Tingnan mo ha, bakit kaya AYAW (explicitly refrained from applying the same label) ng U S na isama o ibilang din ang MIFF bilang mga terrorists or Islamists, o, 'di ba? Ano ba kase ang distinction sa pagitan ng MILF at BIFF na magkasabwat na pumulbos sa fallen SAF 44, meron ba???"

CION: "Meron! Ang MILF kase eh merong kasalukuyang kasunduan (peace process) sa pagitan nila ng GRP pero biglang NABULILYASO, dahil nga sa umano'y pag-massacre ng BIFF, katulong nila ang MILF, sa fallen SAF 44 sa Mamasapano no'ng January 25th. Pero ang lumilitaw na dahilan kung bakit nagkaroon ng MISENCOUNTER eh dahil 'di raw sumunod ang GRP sa protocol porke inilihim ni suspended cheapPNP Santisima na sisilbihan ng warrant of arrest si Marwan na nasa pangangalaga ng BIFF!!!"

No comments:

Post a Comment