Sunday, January 25, 2015

ANG PAPA (Ika-8 yugto)

January 26, 2015

Year of the Popes

Naging markado ang taong-1978 para sa lahat ng mga katoliko sa buong mundo dahil sa ang naturang panahon ay tinaguriang the year of the popes. Noong August 6, 1978 ay nahalal bilang pope si John Paul I bilang kapalit ng kamamatay lamang na si Pope Paul IV.

Subalit ilang araw pa lamang ang nakalilipas sa panunungkulan bilang pope ni Jonh Paul I, siya ay inatake sa puso na kagyat din nitong ikinamatay.

Muling nagkulong sa conclave ang Sacred College makalipas ang ika-15 araw ng pagkamatay ni Pope John Paul I, upang muling maghahalal ng panibagong pope na kapalit nito. Noong ika-16 ng Oktubre 1978 ay nahalal na bagong pope si Karol Cardinal Wojtila, edad 58, at taga-Krakow,Poland.

Bilang Pope John Paul II (now, Saint John Paul II), ang bagong pope ang bukod-tanging hindi Italyano na omokupa sa papacy mula pa noong 1522, kung kailan ay naluklok ang kauna-unahang hindi rin Italyanong pope, kundi isang Dutch, si Pope Adrian VI, na galing sa bansang Holland (Netherlands). Batay nga sa matandang kasabihan: “God created the world, but the Dutch created Holland.”

Sa okasyon ng kanyang ika-10 anibersaryo sa papacy, si Pope John Paul II ay nagpalabas ng opisyal na anunsiyo (encyclical) upang ipabatid sa buong daigdig na hindi kailanman maaaring maging pari ang mga babae. Ito ang nagsilbing kasagutan sa matagal nang katanungan at kahilingan ng mga katoliko upang magtalaga rin ng mga babaeng pari ang Vatican.

Ibinase ni Pope John Paul II ang kanyang desisyon (infallible) noong panahon ni Jesukristo, na pawang mga kalalakihan lamang ang mga hinirang na labing-dalawang apostol. Binigyan-diin ng pope na ang Simbahang Katolika ay dumadakila sa mga babae, tulad ng pagdakila nito kay Birhen Maria bilang Ina ng Sanlibutan, o sa mga madre, at sa asawa at mga kapatid na babae.

Silang lahat, ayon pa sa anunsiyo, ay nilalang ng Diyos bilang mga kawangis Niya upang lasapin ang pantay na dignidad at karapatang pang-tao.

Sa 125-pahinang dokumento na pinamagatang Mulliris Dignitatem (Dangal ng Kababaihan), ay sinabi ni Pope John Paul II na ito ay hango sa masusing pananaliksik ng papacy upang dito ibatay ang kanyang kapasyahan na pawang mga kalalakihan lamang ang maaaring hirangin bilang pari. (ITUTULOY)      

No comments:

Post a Comment